Ngayon ang schedule kung saan pupunta rito sa bahay ang designer and organizer ng kasal namin ni Leyton. Everything is perfect. Ikakasal kami sa lalong madaling panahon.
Before, my wedding excites me. I have imagined my wedding to be perfect, romantic and classic together with the man I love. I imagined my wedding as full of love. Iyong feeling na ihahatid ako ni Mama at Daddy Jack sa altar tapos nandoon ang mga mga mahahalagang tao sa buhay ko such as my friends.
But now, everything has changed. I will be just marrying for convenience. Pero iisipin ko nalang na masaya sina Mama at Daddy Jack para sa akin ngayon dahil tinupad ko ang kahilingan nila. I am doing this for them.
"Thank you so much for meeting with me today, Ms. Alfanta and Mr. Marasigan. I'm so excited about finding the perfect wedding gown and suit for the both of you." said Cassidy- our wedding designer.
Maliit lang akong ngumiti. Katabi ko ngayon si Leyton. Para nga itong linta na lagi nalang dumidikit sa akin.
"So, ano bang style o tema ang naiisip ninyo para sa wedding niyo? What about you, Ms. Alfanta? How do you envision your wedding gown?"
"Kayo na po ang bahala kung ano ang bagay sa akin." simpleng sagot ko.
Natahimik saglit ang designer na si Cassidy at napalitan ng awkwardness ang mukha niya. "A-ah...Diba mas maganda kung kayo ang pipili ng design kasi you know... Wedding is once in a lifetime, so it's better to make the best out of it. Have the autonomy, Ms. Alfanta. You can have suggestions." he persuaded and tried to make his voice lively.
In fairness, I like his guts. Pero wala pa rin talaga ako sa mood.
Umayos ng upo si Leyton. He cleared his throat before speaking.
"Uhm, do you have sample sketches, Darling? I'll choose for my fiancé." Leyton said. Parang nanlalandi pa ang mukha niya,
Kinilig naman ang pusong babae na si Cassidy. Siguro ginagamit niya ang ganyang estilo niya para manlandi ng ibang babae. Well, he is so good with that. Nadali nga niya ako- anyway... whatever.
"Of course, Mr. Marasigan." Cassidy answered and handed him the sketches.
Binuklat niya na iyon. Pero pasimple akong tumitingin and I was really amazed by the designs. Sobrang gaganda!
My mouth was literally in awe. Doon ko lang napagtanto na nakabuka na pala ang bibig ko at nakatingin na pala si Leyton sa akin. Kaya dali-dali kong binawi ang tingin ko sa sketches at ibinaling ang tingin ko sa kung saan.
"Ito nalang sa kanya, Cassidy. Maganda 'to. Para siyang grade 6 nito na magbi-birthday party." ani niya sabay turo sa isang wedding gown na parang ball gown dahil sobrang laki na parang nagde-debut lang.
At ang ikinainis ko ay tawa pa siya nang tawa.
"Okay, Mr. Marasiga-"
"No! Huwag 'yan!" tutol ko. Sinipatan ko si Leyton at saka inirapan. "Bwesit ka."
Kinuha ko ang sketches sa kanya at ako ang namili. Sobrang ganda talaga. Pinapangarap ko lang talaga ito noon.
Habang namimili ako ay kuhang-kuha ni Leyton ang inis ko. Ginugulo niya kasi ako! Nakakabwiset.
"Eto, oh. Para kang a-attend ng christmas party." sabay turo sa isang gown na paarang suot ng fairygodmother ni Cinderella.
Tinampal ko ang kamay niya. "Ano ba?! Ang gulo mong animal ka!" bulyaw ko sa kanya. Habang siya ay tuwang-tuwa na niinis niya ako.
I continued searching for gowns until a design with a combination of lace and a flowing silhouette caught my attention.
My dream wedding dress...
YOU ARE READING
Sinful Surrender
RomanceOdessa Von Alfanta is a stepdaughter of a multi-millionaire named Jackson Marasigan. Her mother remarried with Jackson who was divorced from her wife. Years of being together, her mother died therefore Odessa was left under the care of her stepfathe...