[TWENTY]

375 16 1
                                    

Chocol's Pov

“On the way na me! Thanks, Yeni.” nakangiting kong sabi sa kabilang linya at binaba na agad ito.

While walking and making my way inside the studio, hindi maalis sa isipan ko yung conversation namin ni Bada last night. She was with Audrey and that shit made me lose my mind.

I barely slept and my mind was so fucked up. The thoughts of them being together in a same place was driving me nuts. I should've stayed with Audrey and didn't leave her after I dropped her home. Shit!

Since I was so anxious last night, minabuti kong alamin kung saan gaganapin yung shoot for their mega crew mission. Yeni helped me at si Emma yung nagsabi ng location. I didn't know na naging close na pala silang dalawa.

Before I dropped off, I brought some foods para plus points sakanya. I won't let Bada win and I'd do everything to win Audrey's heart—whatever it takes.

“Chocol? Bakit ka nandito?” salubong ni Ling saakin at nilapitan ako para tulungan sa bitbit kong foods.

“Napadaan lang ako and naisipan kong dalhan kayong foods since baka late na kayo matapos.” nakangiting sagot.

“Wow we truly appreciate it but may changes kasi and adjustments na nangyari kaya hindi tuloy yung shoot namin.” paliwanag ni Ling at nagsimulang maglakad habang ako, sinusundan siya.

“Bakit?”

“Well, we changed some choreo and Audrey couldn't make it today kaya we decided postponed it.” nilingon ako ni Ling at napa-sad face na lang.

What?

“Anong nangyari sakanya?” I asked her again.

“Not her. The right question is anong nangyari kay Bada.” She corrected me and chuckled.

So they are still together? Bakit sobrang naleleft behind ako sa kaganapan? Bakit biglang naging okay na lang sila? May nangyari ba na hindi ko alam? Nung hinatid ko siya, she was so down and seems like may nangyari nga between sakanya and Bada pero wala akong idea kung ano yun.

“Nagkaayos na sila?” tanong ko at pumasok kami sa loob kung saan nakaupo sila Kirsten, Latrice at Emma. Halatang gulat na gulat pa sila nung nakita nilang pumasok ako sa loob.

“Chocol?” Emma called my name and very confused.

“Napadaan lang ako.” I lied.

“Oh to your question, may sakit si Bada kaya ayun inaalagaan siya ni Audrey.” Ling butted in and placed the food on the table.

“Chocol, you aren't good at lying. You came here because you thought Audrey was here.” puna ni Kirsten saakin habang abala sa pag-eedit ng music nila.

“Bet na bet mo talaga si Audrey at halata namin yun.” dagdag naman ni Latrice at kinuha yung pagkain na dala ko.

“Bakit magkasama sila?” tanong ko.

Ayoko, ayokong maniwala sa mga naririnig ko ngayon. Ayokong isipin na nagkaayos na sila at may posibilidad na matuloy yung naudlot nilang relasyon. Ayoko...

“Baka nagbati na.”

“Huh?”

“Kilala namin yun si Audrey and she can't resist Bada kahit na sobrang dami niyang pinagdaanan dahil kay Bada hindi niya pa rin hahayaang may mangyaring masama sa babaeng yun.” Kirsten responded and didn't even bother to look at me.

If words could kill, I would be dead now.

“Bada was the reason kung bakit natupad ni Audrey yung mga pangarap niya. They dreamed together and Bada helped her a lot; no, they helped each other a lot.” sabi naman ni Latrice.

Alam ko, alam kong malaking parte ng buhay niya si Bada pero pwede pa naman di ba? Hindi pa naman siguro huli ang lahat..

“She was Audrey's first love and she didn't manage to confess her feelings. I used 'was' kasi hindi naman kami sigurado kung she still feel the same way.” Ling explained.

“Mahal niya pa nga si Bada!! Ang kukulit niyo.” naaasar na sagot ni Emma kaya yung tatlo napatingin saakin. When Emma realized I was still inside, she looked away and really embarrassed.

“Chocol...”

“It's fine and ano uhm sige alis na ako. Sorry sa biglaang pagpunta ko ha? naistorbo ko pa tuloy kayo.” I bowed my head a bit at nagpaalam na sakanila.

Hindi ko na hinintay na magsalita sila at agad lumabas. While I'm walking, I can feel a loud and heavy pang inside my chest and it's killing me. Sobrang bigat sa pakiramdam lalo na't sa mga kaibigan na niya mismo nanggaling.

“May chance pa ba?” bulong ko sa sarili ko at nakatingin sa kawalan.

I don't know what Audrey did to me. I'm pretty popular with girls and there's a lot of girls around me but my heart still wants her. Hindi ko alam kung kailan at anong dahilan kung bakit nagustuhan ko siya basta ang alam ko, I want her and I want to love her.

“Chocol, sumuko kana! Huwag kang tanga d'yan baka ipasapok pa kita kay Halo para magising kana sa kahibangan mo.” sabi ni Yeni saakin at halatang badtrip na badtrip na siya mga pinagsasasabi ko.

I, Yeni and Haechi are together and we're at Yeni's place. I went to her place and asked them to have a drink because I need my comfort, my comfort is drinking together with my fave drinking buddies.

“Kasi naman alam nang walang chance hinayaan pa rin mahulog sarili.” napapailing na sabi ni Haechi.

“Ito kasing puso ko!!!” angal ko at napasandal na lang.

“Bakit kaba kasi nagkagusto kay Audrey? Hindi naman ganun mga type mo eh! Yung tipo mo yung bad girl yung datingan at hindi ganun si Audrey. Si Audrey mala-anghel na 'yun eh.” sabi ni Yeni sabay bukas ulit ng bagong alak.

“Kaya nga. Down na down ka pagdating kay Audrey to the point na willing kang abandunahin kami for her.” pagsang ayon ni Haechi.

Bakit nga?

Bakit ba nila tinatanong yung ganyang bagay eh kung yung sarili ko nga, hindi alam kung bakit ko siya nagustuhan.

“Kapag nagkagusto kaba sa isang tao dapat may rason? Hindi ba pwedeng sakanya lang talaga tumibok yung puso ko?” seryoso kong tanong sakanila.

“Gagi hoy! bakit ang cringe mo ha? ganyan ba talaga nangyayari kapag nainlove? Parang ayoko na tuloy mainlove.” Yeni teased me.
 

“Psh. All I know is I really like her that's all. I want her so bad and I'll do everything to win her heart kahit na si Bada yung makakalaban ko.” I confidently said.

I'm 100% sure na kaya kong makipagsabayan kay Bada and if she's being fair, everything's gonna be fine. As long as na wala pang namamagitan sakanilang dalawa, ilalaban ko yung sarili ko kay Audrey.

“Kahit na alam mong sa umpisa pa lang talo kana? Chocol, alam mong may past yung dalawa at anytime pwede nilang icontinue yung nakaraan nila.” Yeni said, looking at me.

“You are just wasting your time and effort, Chocol.” Haechi added and sighed.

Hindi pa naman siguro ako talo right? Hindi pa ako nag-uumpisa at hangga't walang sinasabi si Audrey, I won't give up easily.

Kahit na malabo, kahit na talo, kahit na masakit at kahit na masayang yung effort and time ko, I'll do everything to prove myself.

As I've said, whatever it takes.


[A/N: Happy new year, everyone!!! I hope you guys enjoy the new year with your beloved family~]

Take A Chance With Me (Bada Lee x Audrey Lane x Chocol)Where stories live. Discover now