[TWENTY FOUR]

327 15 9
                                    

Chocol's Pov

“Inangyan anong itsura yan, Chocol?” natatawang tanong ni Yeni saakin.

“Serious mode kasi. Ang eepal niyo talaga kahit kailan.” saway ko sakanila.

“Balita ko magkasama sila Audrey at Bada kagabi ha? May pinost si Lusher sa ig story niya eh parang after their practice, kumain sila.” sabi ni Haechi at umupo sa tabi ko sabay pakita ng picture na tinutukoy niya.

“Patingin din ako.” sabi ni Yeni at pinakita sakanya ito ni Haechi.

Yes, they were together last night and kitang kita sa mukha ni Audrey kung gaano siya kasaya to be with her former crew.

“Nag-sorry na ba siya sayo?” pagbalin saakin ni Haechi at parehas silang napatingin sa direksyon ko.

“She already did. She was with Bada and forgot to tell me about it.” walang gana kong sagot at iniiwasan mga tingin nila.

“Sign na yan!!”

“Sign na alin?”

“Sign na para sumuko kana kasi halata namang mahal niya pa si Bada. Hoy Chocol, gumising kana sa katotohanan at wag mong lokohin 'yang sarili mo.” sermon ni Yeni saakin.

Gustong gusto ko pero may kaunti pa akong hope eh na baka may chance kaming dalawa—na baka ako yung piliin niya. I want to take that risk kahit na nakakatakot.

“Last na 'to.” sagot ko sakanila.

“Anong last? Inangyan Chocol! Hindi ka naman ganyan dati ha? Mga babae humahabol sayo tapos ngayon anyare na?!” natatawang sabi ni Haechi habang napapailing na lang.

“Si Audrey kasi yung karma niya.” gatong naman ni Yeni at nagtawanan sila.

“Gago!” pabiro kong sabi at idinaan na lang ito sa tawa.

“Naalala niyo yung mga naging students ko before? Sabi nila maganda raw performance ng Jam Republic.” sabi ni Haechi na nasa kusina at kumukha ng pagkain.

“Paano nila nalaman? Ano yun may private session sila with Jam kaya nauna na nilang napa—” Haechi cut Yeni off.

“Raulo! Nasa kabilang room kasi sila taking their dance class tapos kapag napapadaan sila, nakikita nilang nagpapratice Jam Republic.” sagot ni Haechi at sumalampak sa sahig.

“Anong music daw gagamitin nila?” at ayun na nga nagchismisan na silang dalawa.

“Bawal ipaalam. Gusto mong masermunan mga yun? Baliw.” sagot ni Haechi at napairap na lang.

Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng sofa at hawak hawak yung phone ko. I've been thinking of sending a message to Audrey but I'm so anxious. What if she turned me down? I couldn't even compose a message and been deleting it.

Should I ask her to meet me tonight? I want to see her and tell her something . I've made up my mind and I'd take this risk.

“Anuena? Bat natahimik kana dyan?” rinig kong tanong ni Yeni kaya napatingin ako sakanila.

“Makikipagkita ako kay Audrey mamaya.” I confidently said and took a deep breath.

“Para saan?”

“I'll ask her out after finals and confess my feelings to her.” I said and flashed a smile.

I think this is the right time para kumilos na ako bago pa mahuli ang lahat. If I want everything to work, I need to step up and be brave.

“Sigurado kana?”

“Walang mangyayari kung hindi ko susubukan.” sagot ko.

“Basta kahit anong mangyari, andito lang kami at handa na ang mga alak.” asar ni Haechi kaya pati si Yeni natawa na rin.

Take A Chance With Me (Bada Lee x Audrey Lane x Chocol)Where stories live. Discover now