"Thank you for bringing me here," sambit ko kay Jhon Rey. Hawak niya pa rin ang stuff toy na ngayo'y kawawa na dahil sa leeg niya ito bitbit. Baka hindi na 'yon makahinga.
"If you have things you want to do, you can tell me," Jhon Rey remarked.
"I want to go to Tokyo Disneyland," bulalas ko. We're now walking toward the parking lot. It is just a short time here, but I really had fun.
Nakita ko siyang tumawa. "I'll take note of that."
"Have you been there?" tanong ko.
Umiling siya. "Why not Hong Kong Disneyland?" tanong niya naman.
"Mas gusto ko sa Japan. Malay ko kung makita ko si Kento Yamazaki ro'n."
"Kento?" Kumunot ang noo niya.
"He's my crush. Alam mo ba, 'yon ang ipinangalan ko sa baby natin. I mean, sa baby na nandito." Tinapik ko ang tiyan ko.
"Really?" Tumango ako.
Wait, hindi ko pala dapat binanggit ang tungkol do'n. He might think na feel na feel ko na may anak kami. Haist. I'm such a stupid person. Paano ko ba patitigilan ang bibig ko sa kasa-salita ng walang katuturan?
"Kento...hmm...it sounds unique. By chance, does it have a meaning?"
"Health," I muttered. He might be thinking that I am so ahead of myself. Sana hindi ko na lang talaga nabanggit sa kaniya ang tungkol do'n. Nakakahiya.
"I see. It was a weird name when I first heard it, but thinking it means health, it's okay."
I breathe out of relief. Akala ko maiinis siyang muli sa akin.
"The ring..." Napatingin ako sa singsing na suot ko sa kamay ko nang bigla niya itong ituro. "I was just kidding when I said that I was supposed to give it to someone."
Hindi ko inaasahang aaminin niya iyon. Although alam ko na ang tungkol doon dahil lihim akong nakikinig kanina, hindi ko maiwasang may maramdamang kakaiba dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Hindi mo ba talaga gusto 'yong design? Should we buy a new one?" may halong pag-aalala niyang tanong.
Hinawakan ko ito, bago umiling. "No. I was kidding too. I like it. I really do. It's simple, but it stands out in my hand."
Tumango siya. Hindi siya ngumiti, pero parang nakahinga siya nang maluwag.
"I am relieved. Let's go now. It's getting late." Inalalayan niya ako papasok sa kotse niya. Nagulat ako nang ibigay niya sa akin 'yong stuff toy bago niya isara ang pinto sa passenger seat.
Minamasdan ko siya habang naglalakad papunta sa kabila papasok sa driver's seat. I wonder if this is what Quency always feels when Jhon Rey takes good care of her. I get to see a glimpse of him being a good guy tonight. I remembered why I felt something when I saw him the first time, because it was how I imagined he would be if I ever got into a relationship with him.
And now we're getting married with no relationship in between.
Kinabit ko na rin ang seatbelt ko at niyakap ko ang stuff toy bago tumingin sa daan. Sandali lang ay nakapunta na kami sa Japanese restaurant malapit sa night fair na tinutukoy niya.
Ngayon lang din ako nakapunta sa ganitong lugar. The interior is something like an old Japanese house, and some Japanese phrases are on the wall that I don't clearly understand. The chairs and table are neat and organized.
Nagpunta na rin kaya sila rito?
I sat at the table. Jhon Rey is sitting in front of me, busy talking to the guy taking our orders.
BINABASA MO ANG
Mr. Left (Mr. Series #2)
General FictionWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planning for her to get married to the guy who suggested killing herself, the man she loves unconditionall...