"You mean, Rod? This weekend?" I repeated.
"Yes, why?"
I stopped eating when I realized I discovered something I shouldn't have. Nagsimula akong kabahan. Hindi ko alam kung bakit.
"Sheen May, okay ka lang? Bakit parang hindi mo na ginagalaw 'yang pagkain mo? Di mo bet?" she asked worriedly.
Umiling ako. "I-I'm fine. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Feeling ko, magkakasakit ako."
"Really? You want me to take you to the clinic?" She offered. There was a hint of concern on her face, and even if she was eating her favorite ice cream, she put her spoon down to take care of me. I smiled a little. I am just thankful for having a best friend like her. It's the little things that have big impacts.
"Okay lang ako. Tsaka sige, sasama ako sa inyo this weekend."
The knot on her forehead disappeared as she flashed a beautiful smile, hinting that she was so excited to be with me.
Dumating na ang araw ng Sabado. Jhon Rey was preparing his stuff while I was sitting on the couch, watching him.
"Are you sure you're gonna be okay here?" He inquired while he was putting on his backpack. It seems as though he is all set to travel.
I smiled. "Yeah, manonood ako ng movies. Huwag mo akong alalahanin at mag-enjoy ka sa laro niyo."
Lumapit siya sa akin bago ako halikan sa labi. "Alright, call me when you need me. I'll be here immediately."
The intensity of the pounding that was going on in my chest became more overwhelming "You're with Paolo Rod, right?" pahabol kong tanong.
"Y-yeah. Didn't I tell you?"
Ngumiti ako. "You did. Huwag mong kalimutang ikumusta ako sa kaniya. Hindi ko siya masyadong nakausap last time kasi inasikaso kita."
Natawa naman siya. "Alright, alright. Don't stress too much; I might get jealous of your closeness." I winced, but I made sure I hid it.
"All right, all right. Get out of here now before I do something to prevent you from going," I joked, which made him laugh.
"Okay. I'm going now. See you later." He kissed me on the forehead before he finally left the house.
The instant he shut the door, the smile that had been on my face vanished.
"He's lying," I murmured. Why would he lie in the first place?
Narinig ko ang pagharurot ng sasakyan niya. Saan siya pupunta?
Pupuntahan niya ba si Quency?Ilang sandali pa ay nagpalit na rin ako ng damit. Narinig ko na rin ang busina ng kotse sa labas. Mukhang nand'yan na si Anne. Nagmadali akong lumabas at doon, nakita ko nga si Rod kasama si Anne at Aaron na nasa backseat.
"Dito ka na sa harapan," alok ni Rod kung kaya't binuksan ko ang pinto at sumakay.
Hindi mawala sa isip ko ang natuklasan ko. Ang bigat sa loob, sa totoo lang. Hindi ko alam kung dapat ko bang komprontahin si Jhon Rey tungkol dito. Parang nawalan na naman ako ng karapatan sa kaniya.
"Are you alright, Sheen May?" tanong ni Rod. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakatingin din sa akin ang AA couple.
"Oo naman, para kayong sira," sagot ko habang tumatawa. Ayokong banggitin kay Rod ang dahilan ng pagkabalisa ko, dahil baka kung ano na naman ang gawin niya. Kapag gumawa na naman siya ng article, lalong gugulo ang lahat. Pati ang business ng pamilya namin, mapupurnada.
Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating kami sa Bowling Alley. Sa totoo lang, hindi ako marunong mag-bowling. Ni hindi ako marunong sa kahit anong sports. Sa academics lang talaga ako maaasahan. Kaya lang naman ako sumama ay para makompirma ko kung nandito ba talaga si Rod o kasama talaga siya ni Jhon Rey.
Mukhang panonood lang ang magiging ganap ko rito.
"Sheen May, ayaw mong maglaro?" Rod asked, holding the bowling ball.
I smiled and shook my head. "Hindi ako marunong."
"Nyek, eh di subukan mo." Nagulat ako nang sumabat si Aaron. Totoo ba? He's mocking me? "How would you know if you never tried?"
"Tsk. Pa'no ba kasi?" Kinuha ko na lang 'yong bolang hawak ni Rod pero laking gulat ko nang malamang sobrang bigat pala no'n. At dahil ako'y isang nilalang na payat at hindi nag-eexercise, muntikan ko nang mabagsak sa paa ko. Good thing Rod had quick reflexes to help me.
Pinalitan nila 'yong bola nang mas kaya kong bigat at 'yong sakto lang daw sa daliri ko. Wow, parang naging bowling class na 'to dahil sa akin.
"The objective of this game is to eliminate all ten bowling pins in a single turn," panimula ni Rod. Anne sat there and listened in silence. I'm willing to place a bet that she doesn't know either, which is why she's inquisitive.
"Make sure you're holding the ball properly. Your feet should be somewhat apart from one another, and the foot that you'll be sliding with should be placed slightly in front of the other foot." Inayos niya ang position ng paa ko habang nagpapaliwanag. "The foot that you use for your slide will be the opposite of the hand that you use to bowl. So kung right-handed ka, you'll slide with your left foot."
Tumango ako. Medyo gets ko naman, pero iba pa rin kapag naranasan ko na. Doon ko malalaman kung kaya ko ba talaga o hindi.
"Release the ball," Rod signaled. Ramdam kong nakatingin sa akin si Aaron at Anne bago ko tiningnan ang goal. I maintained looking straight-forward. Huminga ako nang malalim before I swing my ball arm smoothly back and then forward to release the ball.
Pigil hininga kong hinintay na mag-travel 'yong bola sa lane papunta sa mga pin. Napasigaw ako nang matumba 'yon lahat. Maging si Anne ay napatalon at napayakap sa akin.
"Strike!" she shouted.
"Did you see it? Napatumba ko!"
"Yes yes! I'm so proud of you, my best friend!"
Natawa naman ako sa naging reaksyon namin at huli na nang mapansin naming pinagtitinginan na kami ng mga tao at pati ng dalawang magkapatid habang nakangisi.
"Good job, Sheen May," puri ni Rod.
"Thank you, but I doubt if I can do it again."
"That's fine. At least you have come to know the feeling of reaching your goal," sambit niya habang itinataas-baba ang mga kilay.
Napanganga ako. Iba talaga siya magsalita kung minsan, parang lagi kang may mapupulot na words of wisdom. Iba talaga ang mga psychology students.
Napansin ko namang nag-thumbs up si Aaron sa akin. Wow, bati na kami?
At ayon, nagkampihan na nga kaming apat. Kakampi ko si Rod at ang mag-jowa ang magkakampi. Parang 'yong dalawang magkapatid nga lang 'yong naglalaro at nagpapagalingan sa pagpapatumba ng bowling pins, samantalang kaming dalawa ni Anne, panggulo, pero so far, nag-enjoy ako sa laro, kahit na hindi ko na muling nagawa na mapatumba ang lahat ng isang tirahan lang. Nakakatuwa, parang nakahanap ako ng anti-stress sports for me. Kapag nakakapagpatumba ako kahit ilang pin, natutuwa ako at parang lalong namo-motivate na aralin kung paano mapatumba 'yon lahat.
"Mukhang ayaw nang umuwi ni Sheen, oh," puna na naman ni Aaron. Kanina pa 'to sa pang-aasar sa akin.
"Anne, babatukan ko na 'yang jowa mo kanina pa ako binu-bully."
"Gumaganti lang 'yan kasi binubully mo raw ako."
"Wow, talaga ba Anne? Sa pagkakaalam ko isa ka ring bully. Bagay nga kayo!" Inirapan ko siya.
Natawa naman si Rod. "We're happy na nag-enjoy ka, Sheen. Sayang lang, wala si Jhon Rey."
As soon as Rod spoke that name, the smile on my face vanished.
"Bakit nga pala hindi siya sumama?" Aaron asked. They both looked at me, waiting for my answer.
BINABASA MO ANG
Mr. Left (Mr. Series #2)
General FictionWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planning for her to get married to the guy who suggested killing herself, the man she loves unconditionall...