"I love you too."
W-what?
Did I hear it right?
Or am I hallucinating?
Tiningnan ko si Jhon Rey. Nakapikit siya. Seemed like he passed out. Maybe I was just imagining him saying that, just like the first time I imagined him saying he's my Mr. Right the day I first saw him.
Natawa ako habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ba, it won't take long, but now he's on top of me and chasing his breath over me. My back is more exposed to the cold on the floor.
"Hey, Jhon Rey, are you asleep?" tanong ko.
"No," sagot niya. "I'm sorry, I'll just be like this for a minute. You consume every last bit of my strength today."
Inilagay niya ang kamay niya sa likod ko na para bang niyayakap ako at pinoprotektahan sa lamig ng sahig. I can hear him catch his breath above me. Maybe, what I heard earlier was just my imagination. He should've correct it, kung sinabi niya talaga 'yon. It's impossible that he loves me.
Maya-maya lang ay bumangon na rin siya at niyaya akong tapusin na ang paliligo.
After that, sabay na kaming kumain. Natatawa nga ako kasi malamig na 'yong pagkain inihanda ko para sa kaniya kanina.
Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa muli naming pag-iisa kanina. Kanina lang nag-aaway kami, ngayon, tahimik akong napapangiti habang naaalala ang ginawa namin. Nakakabaliw. Ang lakas ng tama ko sa kaniya.
"Mukhang wala na 'yong ubo mo, ah. So what we did is an effective medicine?" pang-aasar niya.
"Jhon Rey, can you stop?" naiinis kong sagot habang pinipigilan ang pagtawa.
Tumango siya habang ngumingisi-ngisi at namumula. Tinapos na namin ang pagkain namin at ako na rin ang nagpresintang maghugas ng mga pinggan. Naabutan ko si Jhon Rey na nasa living room habang may kausap sa phone niya. He was smiling. Nakita niya ako.
"Yeah, Paolo, I'll see you this weekend. Alright."
He ended the call.
"Shall we?" pagyayaya niya. Tumango ako. Sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho. Napagkasunduan kasi naming bumili ng groceries sa mall.
"Rod called you?" tanong ko.
"Yeah, he was inviting me to do airsoft this weekend."
Naalala kong mahilig nga pala siya sa paglalaro ng baril.
"I see. Sino-sino kayo?" tanong ko pa.
"Just Paolo and our friends. Hindi makakasama si Aaron 'cause he's now back in his academy," paliwanag niya.
"Right, mukhang magsusuyuan na naman sila ni Anne kung lalabas siya," biro ko.
"Probably. Are you going to be alright here alone?"
"Yup, ikumusta mo na lang ako kay Rod."
"I will." He flashed me an infectious smile and glanced in my direction for a brief moment before shifting his attention back to the road.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pinakamalapit na mall mula sa bahay namin. Kumuha kami ng push cart at nagsimulang kumuha ng mga basic needs namin. He also gets some fruits and vegetables mainly 'yong lemon for my ubo raw at baka bumalik.
Hindi ko maiwasang isipin na isa sa mga araw na ito ay magkasama na naming bibilhin ang mga gamit para sa magiging anak namin. Alam kong malayo pa, pero hindi na rin ako makapaghintay. In three to five months siguro pwede na naming malaman 'yong gender ng baby namin. And kung lalaki talaga ito, Kento talaga ang ipapangalan ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Left (Mr. Series #2)
General FictionWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planning for her to get married to the guy who suggested killing herself, the man she loves unconditionall...