THIRD PERSON POV
Narinig ni Chelsea na bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan siya inaayusan para sa kanyang kasal dalawang oras mula nang mga sandaling iyon.
Ikakasal na si Chelsea sa kanyang nobyong si Charles. Dalawang taon din silang naging magkarelasyon bago nila naisipang lumagay na sa tahimik. Sa loob ng dalawang taong iyon ay masasabi niyang kilalang-kilala na niya ang nobyo at sigurado at handa na siyang makasama ito for the rest of her life.
Ang apat na matatalik na kaibigan ni Chelsea na sila ring bridesmaids sa kanyang kasal ang pumasok sa loob ng kwarto. Pinalabas niya muna sandali ang kanyang hair stylist at makeup artist para kausapin ang mga kaibigang sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla.
Laura: Napakaganda mo, best friend. Mas lalo kang gumanda sa ayos mo ngayon.
Tumingin si Laura sa reflection ni Chelsea sa malaking salamin at ngumiti sa bride-to-be.
Charles: Hindi ko akalaing ikaw ang babaeng sumira ng pagsasama ng aking mga magulang, Laura.
Tumayo si Laura mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama na tanging maliit na saplot na tumatakip sa kanyang pagkababae ang suot.
Laura: Hindi mo ba alam na nagpakababa ako para lalong mapalapit sa iyo, Charles?
Nanlaki ang mata ni Charles sa narinig mula sa matalik na kaibigan ng nobya nitong si Chelsea. Nagulat si Charles nang magsimulang lumuha si Laura.
Laura: Oo, Charles. Nag-nagpagamit ako sa iyong ama para mapalapit sa iyo oras na ako ang pakasalan ng iyong ama. Mahal kita, Charles. Dati pa.
Tuluyan nang humagulgol sa harapan ni Charles si Laura. Hindi pa rin makapaniwala si Charles sa mga inamin ng best friend ng fiancée nito.
Kathleen: Kaya nga naiinggit ako riyan kay Chelsea. Maganda, matalino, mayaman, at makakapangasawa pa ng gwapo. Pinagpala sa babaeng lahat.
Tiningnan ni Kathleen si Chelsea at masuyong nginitian ang kaibigan.
Charles: Okay ka na ba, Kathleen?
Mabagal na tumango si Kathleen na katatapos lamang umiyak.
Kathleen: Salamat, Charles, at lagi kang nandiyan para pagaanin ang aking loob. Kahit hindi na kami magkarelasyon ng iyong best friend, concerned ka pa rin sa akin.
Ngumiti si Charles kay Kathleen.
Charles: No need to thank me, Kathleen. Kahit hiwalay na kayo ni Tony, kaibigan ka pa rin ng aking fiancée. Lahat ng kaibigan ni Chelsea ay aking kaibigan na rin.
Mapaklang tumawa si Kathleen.
Kathleen: Alam mo minsan ay aking naiisip, kung ikaw siguro ang aking unang nakilala, baka ikaw ang aking naging boyfriend at hindi ang iyong talipandas na best friend.
Masuyong tumingin si Kathleen kay Charles.
Kathleen: Sa bawat pagdamay na iyong ginagawa sa akin, unti-unti akong nahulog sa 'yo, Charles.
Nabigla si Charles sa narinig mula sa kaibigan ng fiancée. Hindi makapaniwala sa inamin nito.
Charles: Kathleen...
Kathleen: Oo, Charles. Mahal na kita. Matagal mo nang napalitan ang iyong best friend sa aking puso.
Ilang sandali pa ay muling bumulwak ang mga luha mula sa mga mata ni Kathleen.
Priscilla: Sino ba ang mag-aakalang si Chelsea ang unang ikakasal sa ating lima? Si Charles lang pala ang magpapatibok sa kanyang pihikang puso. Makatitikim na rin ng langit ang ating kaibigan.
Nanunuksong kumindat si Priscilla kay Chelsea na ikinapula ng mukha ng kaibigan.
Charles: Tigilan mo na 'to, Priscilla. Mahal ko ang iyong kaibigan.
Pilit na inaalis ni Charles sa baywang nito ang nakayakap na mga bisig ni Priscilla mula sa likuran nito. Nakasandal ang ulo ng babae sa likod ni Charles at marahang umiiyak.
Priscilla: Mahal din kita, Charles. Mahal na mahal. Ha-handa akong maging kabit. Hindi malalaman ni Chelsea. Ma-magaling akong magtago ng sikreto. Please, Charles.
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Priscilla sa baywang ni Charles.
Charles: Wala akong pagtingin sa 'yo, Priscilla. Huwag mong gawin ito sa iyong sarili. Makakakita ka pa ng lalaking mamahalin ka ng buo. 'Yong hindi ka makikihati ng atensyon.
Priscilla: Charles... Please...
Graciela: You look so divine, Chels. Lahat ng mga mata ng mga taong dadalo sa iyong kasal ay siguradong sa iyo lamang matutuon. Maswerte ka rahil alam nating lahat na ang mapapangasawa mo ang siya na yatang pinaka-faithful na lalaki sa buong mundo.
Hinawakan ni Graciela ang magkabilang balikat ni Chelsea at masuyong pinisil.
Hindi makapaniwala si Charles sa nakikita nito. Ang alam nito ay very conservative itong si Graciela, isa sa mga kaibigan ng nitong si Chelsea.
Ngunit heto si Graciela at gumigiling sa harapan ni Charles bilang regalo ng mga kaibigan ni Charles sa stag party na in-organize ng mga ito para kay Charles.
Charles: Graciela?
Idinikit ni Graciela ang isang daliri sa mga labi ni Charles na parang sinasabi nitong tumahimik ang lalaki at huwag magsasalita. Tuloy pa rin ito sa paggiling sa harapan ni Charles na sumasabay sa maharot na saliw ng musika.
Graciela: Hindi si Graciela ang nasa iyong harapan ngayon, Charles, kundi si Rosela.
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Charles nang maalala ang isang gabing hindi nito napigilang magpadala sa tukso.
Ang gabing nakipag-chat si Charles sa babaeng nagngangalang Rosela. Chat na punung-puno ng kahalayan at kalaswaan.
Napalunok si Charles nang makita ang mapanuksong ngisi sa mga labi ni Graciela.
Graciela: Kumusta, mahal ko?
Chelsea: I can't wait to get married, guys, and I'm very happy to share this milestone with you. My loyal friends.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ng mga matatalik na kaibigan ni Chelsea.
Pare-pareho ang laman ng isipan ng lahat ng mga kaibigan ni Chelsea. Ang mapapangasawa ng kanilang kaibigan.
Si Charles.
Lahat ng mga kaibigan ni Chelsea ay nag-iisip na ng paraan kung paano nila maipaglalaban ang kanilang pagmamahal para kay Charles.
Iniisip na ng mga kaibigan ni Chelsea kung paano nila maaangkin ang puso ni Charles mula kay Chelsea.
----------
BINABASA MO ANG
Hayok Sa Laman
General FictionSina CHELSEA, GRACIELA, KATHLEEN, LAURA, at PRISCILLA, limang babaeng magmamahal sa iisang lalaki - si CHARLES. Ngayong kasal na si Charles kay Chelsea, may pag-asa pa kaya ang apat na kaibigan ni Chelsea para makuha ang pagmamahal ni Charles? Sa l...