KABANATA 10

1.3K 7 2
                                    

THIRD PERSON POV

Mala-demonyong napangisi si Charles matapos makausap sa phone ang matalik na kaibigang si Tony.

Charles: Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. May magagamit na rin ako laban kay Graciela.

Nabanggit ni Tony kay Charles nang magkumustahan sila kanina na may video pala ito ng ginawang pagsasayaw ni Lady In Heat sa kanyang harapan noong gabi ng kanyang stag party.

Ang tinatawag na Lady In Heat ni Tony ay si Graciela. Ang kinuhang dancer ng mga kaibigan ni Charles para sa stag party na kanilang in-organize para sa kanya.

Base sa naging pag-uusap ng magkaibigang Charles at Tony sa phone kanina ay masasabi niyang hindi talaga nakilala ng kanyang mga kaibigan si Graciela nang gabing iyon na ikinatutuwa ni Charles.

Gusto ni Charles na maging lihim sa pagitan lamang nilang dalawa ni Graciela ang katotohanan sa totoong pagkatao nito.

Na ang totoong Graciela ay iba sa Graciela na kilala ng mga taong nakapaligid dito.

Ang lihim na iyon ni Graciela ang gagamitin ni Charles para patigilin ito sa ginagawang pang-aakit sa kanya at sa sinasabi nitong pagpaparamdam ng pagmamahal nito para sa kanya.

Oras na matanggap ni Charles ang video na sinasabi ni Tony ay kakausapin niya agad ng personal si Graciela at gamit ang video na iyon ay pagbabantaan ni Charles si Graciela na isisiwalat ang lihim nito kung hindi ito titigil sa panggugulo nito sa kanya.

Charles: Okay. Ngayong may panlaban na ako para kay Graciela, ang poproblemahin ko naman ay sina Kathleen, Laura, at Priscilla.

Muling sumilay ang mala-demonyong ngisi sa mukha ni Charles habang pinapaikot-ikot sa isang kamay ang kanyang cellphone.

----------

Hindi alam ni Kathleen kung bakit naroon sa labas ng pintuan ng kanyang apartment ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon.

Si Christian Visitacion na kapatid ng kanyang kaibigang si Chelsea.

Hindi na gusto pa ni Kathleen na muli silang magkasarilinan ni Christian.

Isasara na sana ni Kathleen ang pintuan ng kanyang apartment unit ngunit mabilis na iniharang ni Christian ang kamay nito at itinulak pabukas ang pinto para tuluyan itong makapasok sa loob ng apartment unit ni Kathleen.

Nanlalaki ang mga mata ni Kathleen sa ginawa ni Christian.

Isinara ni Kathleen ang pintuan ng kanyang apartment unit bago hinarap si Christian na nakatayo sa gitna ng sala ng kanyang apartment unit.

Kathleen: Hindi ba at sinabi ko na noong araw na mag-usap tayo sa bahay nina Chelsea at Charles na ayaw ko nang magkita tayo?

Ngumisi si Christian at umiling.

Christian: Hindi naman ako pumayag, 'di ba? At saka, alam ko rin namang na-miss mo ko. Na-miss din kita kaya huwag ka nang mag-inarte pa riyan.

Nagulat si Kathleen nang makitang isa-isa nang hinuhubad ni Christian ang mga suot nitong damit.

Kathleen: A-anong ginagawa mo?

Hayok Sa LamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon