KABANATA 14

579 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Pagkakita sa ipinadalang malaswang larawan ni Priscilla ay agad na binura iyon ni Charles. Mula nang dumating sila ng kanyang asawang si Chelsea galing sa kanilang honeymoon ay hindi pa rin tumitigil ang mga kaibigan ni Chelsea na sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla sa pagpapadala ng mga malalaswang larawan ng mga pribadong parte ng mga ito kay Charles.

Ngunit tulad nang dati kahit burahin pa ni Charles ang mga mahahalay na larawang iyon ay hindi na mawawala at mananatili na sa kanyang isipan ang mga pribadong parte ng katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa. Sa tuwing katalik ni Charles ang kanyang asawa ay palaging sumisingit sa kanyang isipan ang mga imahe ng mga nakakaakit na parte ng katawan nina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla

Hindi man gustong aminin ni Charles pero dumodoble ang kanyang gana pagdating sa pakikipagtalik sa tuwing iisipin ang maalindog na katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa.

Ngunit nang huling magtalik sina Charles at Chelsea ay hindi ganoon ang nangyari.

Dahil sa kahayukan sa laman na ipinakita ni Chelsea kay Charles nang huli silang magtalik kaya naman tanging kay Chelsea lamang natuon ang buong atensyon ni Charles at hindi naglakbay ang kanyang diwa sa mga malalaswang imahe ng katawan ng mga kaibigan ng kanyang misis.

Mga imaheng walang dudang bumubuhay sa dugo ni Charles.

Ngunit kahit alam ni Charles na kayang pag-initin ng mga kaibigan ni Chelsea ang kanyang katawan ay hindi sapat iyon para pagtaksilan ni Charles ang kanyang asawa. Mahal na mahal ni Charles si Chelsea at hindi niya hahayaang masira ang kanilang masayang pagsasama rahil lamang sa matinding pagnanasang kanyang nararamdaman para sa mga kaibigan ng kanyang esposa.

Bagkus ay nakadadagdag lamang sa nararamdamang inis ni Charles para sa mga kaibigan ni Chelsea ang kanyang pagnanasa para sa mga ito.

Inis na inis si Charles sa mga kaibigan ni Chelsea rahil kung magpahayag ang mga ito sa kanya kung ganito siya kamahal ng mga ito at parang hindi kaibigan ng mga ito ang kanyang asawa. Na para bang walang pinagsamahan ang mga ito.

Kung makapagsabi ang mga kaibigan ni Chelsea kay Charles na gusto ng mga itong iparamdam at ipakita sa kanya ang pagmamahal ng mga ito para sa kanya ay para bang hindi nila ipinagkakanulo ang tiwalang ibinigay sa kanila ni Chelsea.

Walang kaide-ideya ang misis ni Charles na ang apat na babaeng naglakad sa kasal nila ng asawa bilang bridesmaids nito ay pawang nagpahayag ng pagmamahal ng mga ito kay Charles.

Walang kaalam-alam si Chelsea na ang lalaking pinakasalan nito ay ang lalaking iniibig din ng apat na kaibigan nito.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng asawa ni Charles oras na malaman nitong araw-araw na nakatatanggap ng mga malalaswang larawan ang asawa nito mula sa apat na kaibigan nito?

Paniguradong hindi iyon ikatutuwa ni Chelsea.

Kaya naman agad na binubura ni Charles ang mga mahahalay na larawang natatanggap niya mula sa mga kaibigan ng asawa.

Umaasa rin si Charles na sana ay hindi na siya matuksong isipin pa ang nakakaakit na katawan ng mga kaibigan ng kanyang asawa sa tuwing nagtatalik sila ni Chelsea katulad na lamang ng nangyari noong huli silang magtalik ng kanyang misis. Hindi pumasok sa isipan ni Charles ang mga kaibigan ng kanyang asawa.

Ngunit alam ni Charles na nangyari lamang iyon dahil sa kakaibang ganang ipinakita ni Chelsea pagdating sa pakikipagtalik noong isang gabi.

Paano kung muli na namang bumalik si Chelsea sa nakasanayan nitong istilo sa pakikipagtalik? Muli na naman bang maglalakbay ang diwa ni Charles patungo sa maalindog na katawan ng mga kaibigan ng asawa?

Hayok Sa LamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon