THIRD PERSON POV
Padabog na inilapag ni Charles ang kanyang phone sa ibabaw ng kanyang kama matapos ihatid si Kathleen sa bahay nito. Ang babae ay isa sa mga kaibigan ng kanyang fiancée na si Chelsea at nakipagkita siya rito kanina kahit na labag sa kanyang loob.
Mula nang magtapat si Kathleen kay Charles ng damdamin nito para sa kanya ay umiwas na si Charles sa babae. Nawalan na siya ng tiwala rito rahil nalaman niya mula rito na ginagamit lang nito ang kaibigan niya na ex-boyfriend nito na si Tony para makasama siya. Sinamantala nito ang pagiging concerned niya rito para sa pansarili nitong interes.
Nang dumating si Kathleen sa official engagement party nina Charles at Chelsea kanina ay bigla na lang nangilid ang mga luha sa mga nito sa kanyang harapan. Mabuti na lamang ay wala sa kanyang tabi si Chelsea nang dumating si Kathleen kanina. Upang hindi ito makaagaw ng pansin ng ibang bisita ay dinala niya ito sa likod ng malaking bahay ng pamilya ni Chelsea.
Nang makarating sina Charles at Kathleen sa likod ng malaking bahay ng pamilya Visitacion ay binanggit nito na nagkita muli ito at ang ex-boyfriend nitong si Tony. Sinabi nitong may nangyari rito at sa kanyang matalik na kaibigan sa pagkikitang iyon. Nagpipigil na umiyak si Kathleen sa kanyang harapan ng mga oras na iyon.
Tandang-tanda pa ni Charles kung paanong namasa ang mga mata ni Kathleen sa kanyang harapan kanina.
Kathleen: I'm very disappointed sa sarili ko, Charles. Hinayaan kong may mangyari sa amin ni Tony. I was so vulnerable that time at sinamantala niya ang kahinaan ko.
Kumunot ang noo ni Charles nang marinig iyon mula kay Kathleen. Ang alam niya ay ito ang hindi maka-move on sa ex-boyfriend nitong si Tony. So paanong sinamantala ito ng kanyang kaibigan?
Kathleen: At ikaw, iniiwasan mo ako na para bang may nakakahawa akong sakit. Ipinagtapat ko lang sa iyong mahal kita. Hindi naman kasalanan ang magmahal, Charles. Masamang tao na ba ako rahil sa pag-amin ko sa iyo ng totoong nararamdaman ko?
Kitang-kita ni Charles kung paano pigilan ni Kathleen ang sarili na huwag mapaiyak sa kanyang harapan, pero namamasa na ang mga mata nito. Ilang beses itong tumingala at pumikit. Ilang beses na humugot ng malalim na paghinga.
Bumuntung-hininga si Charles bago nagsalita. Gusto niyang sabihin dito na wala na siyang tiwala rito simula nang aminin nitong ginamit lang ang kaibigan niya na ex-boyfriend nito para magkaroon ng oras kasama siya. Ngunit mukhang hindi tama rahil hindi ito emotionally stable sa ngayon at baka tuluyan nang umiyak sa kanyang harapan.
Charles: Kathleen, I'm getting married to your friend. I just don't want you to think that I'm taking advantage of your feelings for me. And besides, I think it's easier for you to forget about me kung hindi mo ako nakikita.
Biglang nakita ni Charles ang panlilisik ng mga mata ni Kathleen.
Kathleen: No! Mas makasasama para sa akin ang hindi ka makita! Baka hindi ko kayanin kapag itinuloy mo ang paglayo sa akin, Charles? Baka masaktan ko ang sarili ko? You are my weakness, Charles. Hindi ko kayo guguluhin ni Chelsea. Just give me a chance to show my love for you.
Nabasag ang boses ni Kathleen sa parteng iyon. Parang may parte sa puso ni Charles na gustong mahabag sa babae. Pero talagang hindi na siya comfortable na kasama ito matapos ang confession nito sa kanya.
Biglang iniwas ni Kathleen ang mga mata nito mula sa pagkakatitig kay Charles at itinuon sa kawalan. Ipinikit-pikit nito ang mga mata para tumigil ang pangingilid ng mga luha nito.
Mahabang katahimikan ang namagitan kina Charles at Kathleen. Tumingala si Kathleen para hindi tuluyang tumulo ang mga luha nito. Si Charles ay nanatiling nakatitig lang dito.
BINABASA MO ANG
Hayok Sa Laman
General FictionSina CHELSEA, GRACIELA, KATHLEEN, LAURA, at PRISCILLA, limang babaeng magmamahal sa iisang lalaki - si CHARLES. Ngayong kasal na si Charles kay Chelsea, may pag-asa pa kaya ang apat na kaibigan ni Chelsea para makuha ang pagmamahal ni Charles? Sa l...