THIRD PERSON POV
Kanina pa hinahanap ni Priscilla ang mamahaling bracelet na iniregalo sa kanya ng kasintahang si Brandon Visitacion noong huli niyang kaarawan. Halos nasuyod na niya ang lahat ng sulok ng kanyang condominium unit ngunit hindi niya makita iyon.
Hindi madalas suotin ni Priscilla ang pearl bracelet na iyon para maiwasan ang posibilidad na mawala iyon dahil sa itinuturing niya iyong isang timeless investment. Ngunit ngayon ay hindi niya iyon mahanap kahit hinalughog na niya ang lahat ng kagamitan sa loob ng kanyang condominium unit.
Maliban sa inaalala ni Priscila na baka naiwala niya ang pearl bracelet na iyon ay nag-aalala rin siya na baka isa sa mga araw na ito ay bigla na lamang hanapin sa kanya ni Brandon ang bracelet na iniregalo nito. Paniguradong hindi ikatutuwa ng lalaki kapag nalaman nitong nawawala ang expensive jewelry na iyon.
Pagkatapos hanapin ang pearl bracelet sa lahat ng kanyang kagamitan sa loob ng condominium unit ay isa-isa nang inayos ni Priscilla ang mga nagkalat na gamit. Dismayado siya dahil hindi niya nahanap ang mamahaling alahas.
Umaasa si Priscilla na hindi maisipan ni Brandon na tanungin sa kanya ang tungkol sa bracelet na iyon dahil hindi niya talaga alam ang kanyang isasagot. Wala siyang ideya kung saan niya nailagay ang pearl bracelet na iyon.
Hindi rin alam ni Priscilla kung kailan pa nawawala ang iniregalong bracelet sa kanya ni Brandon. Ngayon lamang niya naisip ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa dami ng kanyang iniisip nitong mga nakaraang araw.
Naiinis pa rin si Priscilla dahil sa taong kinuha ng kanyang boyfriend para bantayan ang kanyang bawat kilos at galaw. Sa tuwing lumalabas siya ng kanyang condominium unit ay nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya ngunit sa tuwing lumilingon siya ay wala namang tao sa kanyang likuran.
Kung nasa pampublikong lugar naman si Priscilla, sa lugar kung saan maraming tao, ay mas nahihirapan siyang hanapin kung sino ang taong sumusubaybay sa kanya dahil sa dami ng taong kanyang nakikita.
Pakiramdam ni Priscilla ay wala naman talagang taong sumusubaybay sa kanya at maaaring ang nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya ay psychological effect ng ginawa ni Brandon na pagsasabi sa kanya na may tao itong kinuha para bantayan ang kanyang bawat kilos at galaw.
Hindi tuloy alam ni Priscilla kung ligtas ba para sa kanya ang puntahan si Charles sa opisina nito para personal nang gawin ang pagpapaibig dito o hindi. Hindi naman niya gustong ilagay sa alanganin ang buhay ni Charles.
Tandang-tanda pa ni Priscilla ang sinabi sa kanya ng kasintahang si Brandon noon.
Brandon: Listen to me, Priscilla. You're mine and only mine. Walang pwedeng ibang magmay-ari sa 'yo kundi ako lang.
Kinakabahan si Priscilla sa nakikitang galit sa mukha ni Brandon.
Bawat salitang binitiwan ni Brandon ay parang batong dumudurog sa kalooban ni Priscilla.
Brandon: Oras na may gumalaw na iba sa 'yo, Priscilla, sisiguraduhin kong hindi na sisikatan pa ng araw ang taong iyon. Maliwanag ba?
Nanlalaki ang mga mata ni Priscilla dahil sa pagbabantang iyon ni Brandon.
Brandon: Sa mismong harapan mo ay makikita mo ang pagdanak ng dugo ng lalaking magtatangkang agawin ka mula sa akin.
Hindi na maipinta ang mukha ni Priscilla dahil sa sobrang takot na kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon.
Maaaring mapahamak si Charles sa mga kamay ni Brandon oras na malaman nito na ang lalaking iniibig niya ay ang manugang nito.
BINABASA MO ANG
Hayok Sa Laman
General FictionSina CHELSEA, GRACIELA, KATHLEEN, LAURA, at PRISCILLA, limang babaeng magmamahal sa iisang lalaki - si CHARLES. Ngayong kasal na si Charles kay Chelsea, may pag-asa pa kaya ang apat na kaibigan ni Chelsea para makuha ang pagmamahal ni Charles? Sa l...