KABANATA 17

412 6 13
                                    

THIRD PERSON POV

Nang makasakay na sa loob ng kotse ni Charles si Graciela ay agad silang nagkasubukan sa pamamagitan ng matalim nilang pagtitig sa isa't isa. Sa harapan ng isang abandonadong gusali naisipan ni Charles na makipagkita sa kaibigan ng kanyang asawa.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumigay sa tukso ng mga halik ni Kathleen si Charles at labis na pagsisisi ang kanyang nararamdaman hanggang sa ngayon dahil hindi niya napigilan ang sariling maging biktima ng temptasyong hatid ni Kathleen.

Wala mang pinatunguhan ang naganap na paghahalikan sa pagitan nina Charles at Kathleen ay hindi mabubura niyon ang katotohanang naging mahina si Charles sa tuksong dulot ng kaibigan ng kanyang misis at kung hindi pa tumunog ang intercom sa ibabaw ng kanyang office table ay baka umabot pa silang dalawa ni Kathleen sa puntong ito na ang nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.

Aminado naman si Charles na nag-iinit siya sa mga mahahalay na larawang ipinapadala sa kanya ng mga kaibigan ng kanyang asawa noon at minsan pa ay ibinubuhos niya sa kanyang misis na si Chelsea ang init na iyon. Ngunit palagi niyang sinisigurado na sa huli ay buburahin pa rin niya ang mga larawang iyon lalo pa at posibleng makita ang mga iyon ng kanyang butihing asawa.

Isa pa ay mas madaling umiwas sa tukso kung hindi nakikita ni Charles ang mga seksing larawang iyon sa kanyang phone. At hindi masasabi ng mga kaibigan ni Chelsea na natutuwa siya sa mga kaakit-akit na larawang ipinapadala ng mga ito.

Ngunit hindi inaasahan ni Charles na mas mahirap palang umiwas sa tukso kung nasa kanyang mismong harapan na ang mga babaeng nasa mga mahahalay na larawang iyon.

Napagtanto ni Charles na madaling sabihin na umiwas sa tukso ngunit kayhirap gawin lalo na kung ang mismong tukso ay hindi gustong magpaawat.

Katulad na lamang sa nangyari kay Charles nang pumunta si Kathleen sa kanyang opisina. Tama nga ang kanyang hinala na sa kabila ng mga pananahimik nito nang ilang araw ay may pinaplano itong masama.

Hindi nagpapigil kay Charles si Kathleen na akitin siya nito habang nasa loob ito ng kanyang opisina. Ang masama nga lang ay hindi rin niya napigilan ang kanyang sarili na gantihan ang mga pang-aakit nito matapos bumalik sa kanyang isipan ang mga seksing larawan ng mga pribadong parte sa katawan ni Kathleen na ilang beses ding pumasok sa kanyang isipan habang siya ay nakikipagtalik sa kanyang asawa.

Tumagal nang ilang minuto ang paghahalikan nina Charles at Kathleen na halos magpakapos ng hangin sa kanilang mga katawan. Ilang beses ding nagsalubong at naglingkisan ang mga dila nina Charles at Kathleen sa loob ng bibig ng bawat isa hanggang sa tumunog ang intercom sa loob ng kanyang opisina dahil may ipinaalalang meeting sa kanya ang kanyang secretary.

Hinahabol pa nina Charles at Kathleen ang kanilang paghinga nang kanyang sagutin ang intercom. Sa huli ay nahimasmasan din siya at agad niyang pinaalis si Kathleen mula sa kanyang opisina. Nagulat pa siya nang hindi man lamang ito umalma nang kanyang paalisin ito.

Naalala pa ni Charles ang sinabi ni Kathleen sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Kathleen: Ngayong alam ko nang hindi ka totally immune sa akin, isa lang ang ibig sabihin nito, Charles. Hindi pa tayo tapos. Ipararamdam ko pa rin sa 'yo kung gaano kita kamahal.

Dahil sa nangyaring iyon sa pagitan nina Charles at Kathleen ay agad niyang naisip na dapat na siyang kumilos para siya naman ang gumawa ng paraan para i-blackmail ang mga kaibigan ni Chelsea.

Naisip ni Charles na kung hindi niya gagawin iyon ay paniguradong magpapalit-palitan lamang ang mga kaibigan ng kanyang asawa sa pang-aakit sa kanya at maaaring sa susunod ay tuluyan nang mauwi sa pagtatalik ang pang-aakit ng mga ito at lalong lalaki lamang ang kanyang magiging kasalanan sa kanyang misis.

Hayok Sa LamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon