KABANATA 15

412 5 0
                                    

THIRD PERSON POV

Napaliyad si Laura nang biglang maramdaman niyang may kamay na sumapo sa kanang pisngi ng kanyang bilugang pang-upo at pisilin iyon ng madiin. Sigurado siyang ang kanyang boss na si Greg Visitacion ang gumawa ng bagay na iyon sa isa sa maselang parte ng kanyang katawan.

Pinaalog pa ni Greg ang dalawang pisngi ng pang-upo ni Laura bago nito tinantanan ang malamang pang-upo ng best friend ng pamangkin nitong si Chelsea.

Agad na nilingon ni Laura si Greg na ngayon ay pangisi-ngisi habang nakapamulsang naglalakad patungo sa loob ng opisina nito.

Malalim na nagbuntung-hininga si Laura at pinigilan ang sariling mainis dahil para sa kanya ay wala siyang karapatang mainis sa mga ginagawang kahalayan ni Greg sa kanyang katawan dahil siya mismo ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyong ito.

Dahil nga sa sinunod ni Laura ang kondisyon ng lalaking iniibig na si Charles na layuan niya ang ama nitong si Dimitri at kapalit niyon ay ang pagpayag nitong ipakita niya ang kanyang pagmamahal para kay Charles, kaya naman kinailangan ni Laura na humanap ng bagong lalaking kanyang magiging bagong sugar Daddy para may pera siyang maipadala sa kanyang inang may sakit na nasa kanilang probinsya. At iyon nga ay si Greg, ang tito ng kanyang best friend na si Chelsea.

Dahil nga sa malaking halaga ng perang ibinibigay ni Greg kay Laura sa tuwing tapos na ang kanilang pagtatalik at sa mga materyal na bagay na natatanggap ng babae mula sa lalaki kaya malakas ang loob ni Greg na hawakan, haplusin, himasin, kurutin, at pisilin ang alinman sa parte ng kanyang katawan kung kailan nito naisin.

Hindi nakararamdam ng respeto si Laura mula kay Greg. Kahit alam nitong maaari silang makita ng ibang empleyado sa opisina sa tuwing hahalayin nito ang kanyang katawan ay wala itong pakialam. Ang mahalaga kay Greg ay mahawakan ang katawan ni Laura sa tuwing nag-iinit ang katawan nito.

Siguro dahil alam ni Greg na kailangan ito ni Laura para magpatuloy ang buhay ng ina ng babae at dahil na rin alam nitong walang maglalakas-loob sa mga empleyado ng Visitacion na isumbong ito sa misis nito kaya kung hawak-hawakan ni Greg ang mga maseselang parte ng katawan ni Laura sa oras ng kanilang trabaho ay ganoon na lamang.

Wala namang problema kay Laura kung gagawin sa kanya ni Greg ang mga kahalayang iyon dahil nga sa sugar Daddy niya ito pero ang hiling lang naman niya ay gawin nito iyon sa kanya sa mga lugar na sila lamang dalawa at hindi sa mga lugar kung saan maraming empleyado ang makakakita.

Kahit papaano ay gusto pa rin naman ni Laura na tratuhin siya ng ibang tao ng may respeto at paniguradong hindi siya rerespetuhin ng kanyang work colleagues kung makikita ng mga itong hindi siya nirerespeto ng kanilang boss.

Maaaring ipokrita si Laura sa parteng naghahangad siya ng respeto mula sa ibang tao gayong hindi niya kayang respetuhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang katawan para lamang kumita ng malaking halaga ng pera na ipinapadala niya sa kanyang ina para maipagpatuloy ang maintenance nito.

Ngunit para kay Laura ay nangyayari lamang ang mga malalaswang transaksyong iyon sa pagitan niya at ng lalaking gumagamit sa kanyang katawan at hindi iyon alam ng ibang tao. Kaya kahit papaano ay gusto man lamang maisalba ni Laura ang kanyang malinis na imaheng nakatanim sa isipan ng mga tao.

Kahit ang magandang imahe na lamang ni Laura na nakatatak sa isipan ng mga taong nakakakilala sa kanya ang matira sa kanya ay masaya na siya dahil alam niya sa kanyang sarili na wala na siyang maipagmamalaki pang ibang bagay sa ibang tao.

Para kay Laura ay sirang-sira na siya at alam niyang kahit ang sarili niyang ina at kapatid ay ikahihiya siya kapag nalaman ng mga ito kung ano ang kanyang ginagawa para lamang mabuhay niya ang mga ito.

Hayok Sa LamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon