KABANATA 2

1.7K 9 0
                                    

THIRD PERSON POV

Tapos na ang official engagement party nina Chelsea at Charles. Kaunti na lamang ang natitirang bisita sa malawak na hardin ng pamilya Visitacion na nakikipag-usap sa mag-asawang Brandon at Glenda. Umuwi na ang mga kaibigan ni Chelsea, maging ang Tito Greg at Tita Gelli niya kasama ang pinsan niyang si Vincent at ang asawa nitong si Cassie. Ang Kuya Christian niya ay inihatid ang girlfriend nitong si Catherine sa bahay nito.

Ngayon ay nandito si Chelsea sa entrada ng kanilang malawak na driveway. Kinakausap ang kanyang fiancé na si Charles bago sumakay ang lalaki sa kotse nito. Nasa loob na ng kotse nito ang inang si Constanza. Ang ama nito ay hindi nakarating dahil sabi ni Charles ay may inaasikasong mahalagang project sa opisina. Hindi siya makapaniwalang inuna ng ama nito ang trabaho kaysa sa engagement party ng anak nito, ngunit hindi na siya nagkomento pa tungkol doon dahil ayaw niyang masira ang mood ng party.

Chelsea: Such a wonderful evening, love.

Magkahawak ang mga kamay nina Chelsea at Charles habang nag-uusap. Nakatingala si Chelsea sa matangkad na fiancé at nakayuko naman ito sa kanya.

Charles: Sana nandito ang kapatid ko para na-witness niya kung gaano ako kasaya ngayon kasama ang babaeng mahal ko.

Pinisil ni Charles ang tungki ng ilong ni Chelsea at hinalikan sa labi ang fiancée. Tumugon naman si Chelsea sa halik ng nobyo. Tumagal lamang iyon ng ilang sandali bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Ayaw nilang makita ng ina ni Charles na naghahalikan sila sa gitna ng malawak na driveway.

Chelsea: Hopefully I get to meet your brother soon. Gusto kong makita ang closeness niyo sa isa't isa.

Minsan nang nasabi ni Charles na sobrang close ito sa kapatid nito. Hindi raw sila mapaghiwalay noong mga bata pa.

Ngumiti si Charles at niyakap ang nobya.

Charles: He's going to love you. Ang lovable kaya ng girlfriend ko.

Maya-maya ay kinurot nito ang kanang tagiliran ni Chelsea na nagpatili sa babae.

Charles: At ang sexy pa!

Malakas na tumawa si Chelsea at pabirong hinampas ang matipunong dibdib ni Charles.

Chelsea: Bolero!

Kumindat si Charles at mabilis na nagnakaw ng halik sa mga labi ni Chelsea na ikinatawa ng babae.

Charles: Mahal na mahal kita, Chelsea, at hindi na ako makapaghintay na ang mga apelyido natin ay maging magkapareho.

Bulong lang iyon na sinabi ni Charles, pero tumatagos sa puso ni Chelsea.

Chelsea: I love you too, Charles, and I can't wait to spend the rest of my life with you.

Ikinulong ni Chelsea ang mukha ng nobyo sa kanyang mga palad at siniil ito ng halik. Tumagal ng halos isang minuto ang kanilang halikan bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Parang namamasa ang mga mata ni Charles.

Charles: Sige na, love. Baka inaantok na si Mommy? Mauuna na kami.

Inihatid ni Chelsea ng tanaw ang papalayong kotse ng nobyo hanggang sa mawala na ang sasakyan nito sa kanyang paningin. Bumuntung-hininga siya. Umaasang walang anuman o sinumang makasisira ng relasyon nilang dalawa ni Charles. Pero hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina. Sigurado siyang may mas malalim pang dahilan kung bakit nag-usap sa likod ng mansyon sina Charles at ang kaibigan niyang si Kathleen. At iyon ang aalamin niya.

----------

Nang makarating ng kanilang bahay ay agad na dumiretso si Charles ng kanyang kwarto para magpalit ng damit. Tinatanggal na niya ang pagkaka-button ng kanyang long-sleeved polo nang mag-ring ang kanyang cellphone na inilapag niya sa ibabaw ng kama. Nakita niyang si Laura ang tumatawag. Isa sa mga matatalik na kaibigan ng kanyang fiancée.

Hayok Sa LamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon