THIRD PERSON POV
Nagsha-shower si Charles nang muli na namang tumunog ang kanyang phone na nasa ibabaw ng kanyang kama. Umusal siya ng mahinang mura. Umaasang hindi si Laura ang tumatawag. Katatapos lamang nilang mag-usap ng best friend ng kanyang fiancée over the phone kanina at wala namang pinatunguhan ang pag-uusap nilang iyon.
Padabog na tinapos ni Charles ang pagsha-shower. Hinablot ang tuwalya mula sa towel rack at pinunasan ang basang katawan. Pagkatapos ay nakabuyangyang ang hubad na katawang lumabas ng en suite bathroom habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Naglakad patungong kama para kuhain ang cellphone. Basta na lamang niyang inihulog ang tuwalya sa sahig.
Kathleen ang nabasang pangalan ni Charles sa screen ng kanyang cellphone. Hindi si Laura ang tumatawag, pero si Kathleen ay isa rin sa mga kaibigan ng kanyang fiancée. Isa pang sakit ng kanyang ulo.
Sinagot ni Charles ang tawag sa pormal na tono ng boses.
Charles: Hello.
Kumunot ang noo ni Charles nang marinig ang paghikbi ni Kathleen mula sa kabilang linya.
Charles: Kathleen?
Pautal-utal ang pagsasalita ni Kathleen nang sumagot ito.
Kathleen: Ch-Charles, we-we need to talk. Ple-Please.
Pumikit ng mariin si Charles at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Pilit na pinapakalma ang sarili.
Charles: What is it this time, Kathleen?
Humihikbi pa rin si Kathleen nang muling magsalita.
Kathleen: Ch-Charles, please. Le-let's meet tonight.
Muling humugot ng malalim na paghinga si Charles.
Charles: Nag-usap na tayo kanina. Muntik pa tayong mahuli ng kaibigan mo. Ano pa ang gusto mong sabihin?
Ilang segundong puro hikbi lang ni Kathleen ang maririnig mula sa kabilang linya. Gusto nang tapusin ni Charles ang tawag, pero hindi niya maikakailang curious siya sa gustong sabihin ni Kathleen.
Kathleen: Th-this is something re-really im-important. Ma-magkita tayo, Charles. Please?
Naroon ang pagmamakaawa sa tinig ng boses ni Kathleen. Tumingala sa kisame si Charles at muling nagpakawala ng malalim na paghinga.
Charles: Okay. Message me kung saan magkikita.
Humihikbi pa rin si Kathleen nang sumagot.
Kathleen: O-okay.
Tinapos na ni Charles ang tawag at pabalibag na ibinato ang phone niya sa ibabaw ng kama. It's been days na iniiwasan niya si Kathleen mula nang magtapat ito ng totoong damdamin para sa kanya. Para sa kanya ay hindi magandang tingnan na sinasamahan pa rin niya ito kahit alam niyang may gusto ito sa kanya.
Naaalala pa rin niya ang gabing umamin ito sa kanya na mahal siya nito.
Tulad nang mga nagdaang gabi ay umiiyak na naman si Kathleen sa loob ng kotse ni Charles. Naglalabas ng hinaing tungkol sa ex-boyfriend nitong si Tony na best friend ni Charles. Kilala na ni Charles si Kathleen bago pa niya makilala ang kaibigan nitong si Chelsea na fiancée na niya ngayon. Naging malapit siya kay Kathleen dahil kasintahan ito ng best friend niya at madalas ay isinasama siya ng dalawa sa mga dates nito.
Madalas ay tinutukso ni Tony si Charles na third wheel daw siya kaya naman pabiro siyang nakiusap kay Kathleen na ipakilala sa isa sa mga kaibigan nito. At dahil doon kaya niya nakilala si Chelsea.
Nilingon ni Charles si Kathleen na nakaupo sa passenger seat ng kanyang kotse.
Charles: Okay ka na ba, Kathleen?
BINABASA MO ANG
Hayok Sa Laman
General FictionSina CHELSEA, GRACIELA, KATHLEEN, LAURA, at PRISCILLA, limang babaeng magmamahal sa iisang lalaki - si CHARLES. Ngayong kasal na si Charles kay Chelsea, may pag-asa pa kaya ang apat na kaibigan ni Chelsea para makuha ang pagmamahal ni Charles? Sa l...