THIRD PERSON POV
Ipipikit na sana ni Charles ang kanyang mga mata nang marinig niyang tumunog ang kanyang phone. Ala una na ng madaling-araw pero may tumatawag pa rin sa kanya.
Parang gustong magmura ni Charles. Iniisip na baka si Kathleen na naman ang tumatawag sa kanya. Hindi na talaga siya tatantanan ng babaeng iyon.
Naniningkit ang mga matang inabot ni Charles ang kanyang phone na nasa ibabaw ng bedside table. Nang basahin ni Charles ang pangalan ng caller sa screen ng kanyang phone ay isang malakas na mura ang kanyang iniusal sa hangin.
Hindi si Kathleen ang tumatawag kay Charles.
Ang pangalang nabasa ni Charles sa screen ng kanyang phone ay Priscilla.
Charles: Argh! Talaga bang hindi na ako tatantanan ng mga kaibigan ni Chelsea?!
Tatlong kaibigan na ng fiancée ni Charles na si Chelsea ang tumawag sa kanya sa loob lamang ng apat na oras at lahat ng mga babaeng iyon ay nagtapat sa kanya na mahal siya ng mga ito.
Naiinis si Charles na ipinipilit nina Kathleen, Laura, at Priscilla ang kanilang mga sarili sa kanya. Ikakasal na siya at sa kaibigan pa ng mga ito pero ang gusto ng mga ito ay hayaan niyang ipakita ng mga ito ang pagmamahal sa kanya.
Hindi akalain ni Charles na may mga babae talagang handang magpakababa para lamang sa pag-ibig. Kung totoo mang pag-ibig ang nararamdaman ng mga ito para sa kanya.
Ang mas ikinaiinis pa ni Charles ay gumagamit ng maruming taktika ang dalawa sa mga kaibigan ni Chelsea para mapapayag siya ng mga ito sa kanilang gusto.
Si Laura ay nangakong ititigil na ang pakikipagrelasyon sa ama ni Charles kung hahayaan ni Charles na ipadama ng babae ang pagmamahal nito para sa kanya.
Si Kathleen ay tinakot si Charles na sasabihin nito kay Chelsea na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito kung hindi siya papayag na ipakita nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal.
Hindi lang iyon. Nakita rin ni Kathleen na tumatawag si Priscilla kay Charles sa dis-oras ng gabi. Ipinapang-blackmail din iyon ni Kathleen kay Charles dahil alam ni Kathleen na magdududa si Chelsea kay Charles kapag nalaman ang tungkol doon.
Iniisip ni Charles kung mas mabuting sabihin niya kay Chelsea ang ginagawa ng mga kaibigan nito. It's going to be his word against theirs.
At hindi sigurado si Charles kung siya ang pakikinggan ni Chelsea. Alam niya kung gaano kamahal ni Chelsea ang mga kaibigan nito at mas matagal nang kilala ni Chelsea ang mga kaibigan nito kaysa kay Charles.
Paniguradong magkakagulo kapag nagsalita si Charles at maaaring masira niya ang pagkakaibigan ng kanyang fiancée at ng mga kaibigan nito.
At posible ring hindi matuloy ang kasal nina Charles at Chelsea.
At iyon ang hindi gustong mangyari ni Charles. Mahal na mahal niya si Chelsea at hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya.
Bumuntung-hininga si Charles at tiningnang muli ang screen ng kanyang phone. Tumatawag pa rin si Priscilla.
Marahil ay muling tumatawag kay Charles si Priscilla rahil si Kathleen ang sumagot sa tawag nito kanina.
Naniningkit ang mga mata ni Charles nang sagutin ang tawag ni Priscilla.
Tumikhim muna si Charles bago nagsalita sa pormal na tono ng boses.
Charles: Hello?
Nagulat si Charles nang pagalit na nagsalita si Priscilla.
Priscilla: At bakit kasama mo si Kathleen sa dis-oras ng gabi?! Ha, Charles?! Explain it to me before Chelsea finds out about this!
Mariing napapikit si Charles at hinilot ang kanyang sentido.
BINABASA MO ANG
Hayok Sa Laman
General FictionSina CHELSEA, GRACIELA, KATHLEEN, LAURA, at PRISCILLA, limang babaeng magmamahal sa iisang lalaki - si CHARLES. Ngayong kasal na si Charles kay Chelsea, may pag-asa pa kaya ang apat na kaibigan ni Chelsea para makuha ang pagmamahal ni Charles? Sa l...