Started: March 26, 2013
Finished: May 12, 2013READ THIS FIRST BEFORE PROCEEDING:
[note 11/24/2016: Hello! This story was written in 2013. Wala naman. Hahaha! Siguro, I just wanted to say thank you to everyone who's still reading this in 2016. Sinulat ko ito noong mga panahong nagsisimula pa lang akong magsulat ng mga nobela. Mahilig kasi talaga akong magsulat pero never pa akong nakagawa ng katulad nito. Siguro ang gusto ko lang sabihin, eh, maraming loopholes, errors - typographical or grammatical - ang kwentong ito. Aminado naman po ako. Siguro, ang gusto ko lang sabihin, eh, please bear with those errors. Until now, kahit 4 years na akong nagsusulat dito sa Wattpad, eh, I'm still in the process of writing well. Patuloy pa rin ako sa pag-improve sa sarili ko. Hindi ko naman gagawing excuse na baguhang writer pa lang ako kaya ang daming errors ng kwento ko. But despite that, thankful ako sa mga nakapagbasa na ng istoryang ito. To those who loved/hated this story, masaya po ako. Na-a-appreciate ko po lahat. Good or bad comments. Kasi naniniwala akong makakatulong ang lahat ng iyon sa pag-unlad ko bilang isang writer. Hehe! Iyon lang po siguro. I just wanted to clear things especially doon sa mga ngayon pa lang sinisimulang basahin ang kwentong ito.
Thank you and happy reading all! :)
- Z, The Twisted Writer
**
Mula sa kinauupuan ko dito sa loob ng restaurant ay natanaw ko ang isang pulang sports car na naghahanap ng parking space. Base sa tibok ng puso ko, alam kong sasakyan na niya iyon. Nakumpirma lang iyon ng paglabas ng isang ruggedly handsome guy mula sa driver's seat. Papasok na ito ng restaurant.
Shit! Nandito na siya! Magback out na kaya ako?
Ngayon pa ba, eh, nandito na ako. Alam kong lalo lang siyang magagalit sa akin kapag nagback out ako. Matinding sapilitan pa talaga ang nangyari bago ko siya mapapayag na makipagkita sa akin ngayon. Kaya hinga ng malalim, kaya ko 'to.
Hinanap ko siya sa entrada ng restaurant. Nandito kasi ako sa may gilid, sa tabi ng glass window, upang makita ko ang pagdating niya. Isa pa, tago rin dito para iwas bulungan din kung sakaling may makakita sa aming dalawa.
Nakapasok na siya. Hindi ko pa rin talaga mapigilan ang tumitig sa napakagwapo niyang mukha. Alam kong may pagka-bad boy ang hilatsa ng mukha niya pero hindi naman adik ang dating. Ruggedly handsome, 'yon ang best description para sa kanya. Napansin kong maging ang mga waitress at lahat ng babaeng nasa loob ay napatitig din sa kanya.
Napailing na lang ako.
Umikot ang paningin niya sa kabuuan ng restaurant. Hinahanap na niya siguro ako. Halata ang pagkairita sa ekspresyon ng mukha niya. Iniisip niya sigurong nasasayang na naman ang oras niya sa akin.
Maya-maya pa ay nahanap na ng mga mata niya ang mga mata ko. Nagtama iyon. For that split second, alam ko, naramdaman ko, may something. Pero alam kong nag-i-imagine lang ako. Imposible naman kasi. Pero totoo, tumigil ang pagtibok ng puso ko ng mga sandaling iyon.
Nagdire-diretso na siya papunta sa pwesto ko. Shit talaga! Lalong kumakabog ang puso ko.
Kaya ko nga ba 'tong gawin sa kanya?
Hayan na. Nasa harapan ko na siya. Tiningala ko lang siya. He's wearing a navy blue V-neck shirt and faded jeans. Ang hot niya talaga. No wonder kung bakit lahat ng babae ay gagawin ang kahit na ano para lang maikama niya. May reputasyon siya towards girls pero wala akong pakialam doon. Mahal na mahal ko kasi siya.
"Quit staring, it's rude. At pwede bang pakidalian? Kung anuman 'yong importanteng sasabihin mo sa akin ay sabihiin mo na. May lakad pa ako," bungad niya sa akin. Nakatayo pa rin siya at nakapamulsa na wari'y bored na bored na sa presensiya ko.
Sabi ko nga, ang taray niya. Daig pa niya ang isang matandang dalaga kung sungitan ako.
"Pwede ka namang umupo muna, 'di ba?" I tried my best to be the sweetest towards him.
Natigilan siya sa sinabi ko pero nakabawi rin naman agad. "Oh, right," sabi na lang niya pagkatapos ay naghila na rin ng upuan sa harap ko. Ipinatong niya ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa at napangalumbaba. Tinitigan niya lang ako. Tinitigan ko rin siya. Nagkatitigan kami.
"Ah-ano-order muna tayo..." Putol-putol na sabi ko. Naiilang kasi ako sa paraan ng pagtitig niya, eh. Ito kasi ang unang beses na nakita ko siya ng malapitan. Iba pala ang feeling. Hindi ko ma-describe, eh.
"No, thanks. Busog pa ako. Pinapahaba mo pa ang usapan, eh. Diretsahin mo na ako. What is it that you want, Cassandra?"
Heto na nga. Oh geez. Pinagpapawisan na ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya ng hindi siya magagalit? Oh, for Pete's sake! Alam kong magagalit at magagalit siya kahit paano ko pa sabihin.
Nakakadiscourage naman.
Pero sige na nga, heto na. Hay, God, give me strength.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at sinabi na ang dahilan ng pagkikita naming ngayon.
"You have to marry me, Ace."
Nakita kong namilog ang mga mata niya ngunit bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"I'm pregnant. You had me pregnant. Your only option is to marry me."
Shock, confusion, ridiculousness, mockery, and above all, anger were all drawn into his most angelic yet rugged face. I knew it. Magagalit siya.
We barely know each other tapos pipilitin ko siyang pakasalan ako?
I'm sorry, Ace. I just love you so much.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
General FictionI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.