CHAPTER 9
- ACE -
Gumulong ako sa kama at may nadanggil ako. Ang witch, tulog na tulog pa! Tiningnan ko ang oras sa bedside table at napamura ako ng malutong sa isipan ko.
Damn! 7:00 na hindi pa rin gising ang isang 'to? Malelate ako sa pagpasok nito eh.
Marahang itinulak ko siya para magising. Umungol siya ng kaunti at tsaka nag-unat-unat. Aba ha! May gana pa itong mag-unat ngayon? Napatingin naman siya sa tabi niya at biglang parang binuhusan ng malamig na tubig na namilog ang mga mata niya. Tama 'yan, matakot ka. Sarap ng tulog natin ah.
“Itinitingin tingin mo Witch? Alas siyete na. Magluto ka na ng breakfast kung ayaw mong masapak.”
Agad namang nag-alis ng talukbong na kumot ang witch at nagdiretso na sa banyo. Aba ha. Inuna pa ang sarili kesa ang pagluluto ng agahan ko. Pambihira talaga. Sa sobrang inis ko eh nauna na akong bumaba. Maliligo na muna ako, sa baba na lang tutal naman gamit pa ni Witch ang banyo ng kwarto namin.
Kinuha ko na 'yung mga gagamitin ko pati ang tuwalya at tsaka bumaba. Ilang minuto rin akong nagbabad sa banyo pampatanggal ng morning badtripness. Oo na, wala ng ganung word. Alam ko. Inimbento ko nga lang 'yun eh.
Maya-maya pa ay umakyat na rin ako sa kwarto namin para magbihis at nakng!
“ANO? ANDITO KA PA RIN SA KWARTO HANGGANG NGAYON?” leche 'tong Witch na 'to. Ano na naman bang ritwal ang pinaggagagawa nito sa buhay nito ah? Baka kinukulam na ako nito dahil sa pambubugbog na ginawa ko kagabi.
Napatalon siya nang marinig niya ang precious pagsigaw ko sa kanya. Aba ha! Dapat lang na magulat siya. Ano ba kasing ginagawa nito sa banyo? Nakikipagtext ba ito sa Gio nito? Nakng! Kung ano anong naiisip ko eh.
Naabutan ko siyang umiinom ng tubig. Pagkatapos ay may parang kung anong itinago sa bulsa ng damit niya. Huh. Ano kaya 'yun? Pero mukhang alam ko na. Gamot 'yun. Eh anong meron sa gamot na 'yun? Bakit kailangan pang itago? As if namang aagawin ko 'yun sa kanya? Gaga talaga nito.
Nagpahid siya ng bibig niya at tsaka humarap sa akin.
“Ah... eh... Uminom lang ako ng vitamins Ace... Sige, bababa na ako.” at parang si Flash na iniwan niya ako sa entrada ng banyo ng kwarto namin. Weird na witch. Vitamins tapos itatago? Ah, nahihiya lang siguro siyang makita kong umiinom siya nun? Ah ewan. Pabayaan na nga lang.
Gutom na ako.
Mabilis akong nagbihis at bumaba na ulit. Nagtungo na ako sa kitchen. Naabutan ko ang Witch na nagluluto ng another favorite morning dish ko. Di ko na sasabihin kung ano. Basta 'yun na 'yun. At siyempre, mawawala ba ang ultimate favorite na pancakes? Siyempre hindi. Ugh, this witch is bribing me. Porke alam niyang galit ako sa kanya dahil tinanghali siya ng gising. Anong akala naman niya? Bigla na lang matutunaw ang galit ko ng dahil sa luto niya? Oo kaya. Leche.
“Matagal pa ba 'yan Witch?” bungad ko sa kanya habang pinagmamasdan ang likod niya. Napansin kong medyo nagbblue na 'yung arms niya. Tss. Nagkapasa na nga. Sensitive kasi masyado ng isang 'to eh. Kutis mayaman.
Instead of answering, humarap na siya sa akin at isa isang nilapag sa hapag kainan ang niluto niya. Umupo na rin ako at hinayaan siyang pagsilbihan ako. Kumuha na rin siya ng para sa kanya. Pinabayaan ko na lang.
Habang kumakain kami, bigla naman akong napatingin sa kanya. Tahimik na nakayuko lang siya habang kumakain. Nang mapansin niyang tinititigan ko siya, umangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin. Nagulat pa nga ako sa hitsura niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/4803086-288-k468860.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
Ficción GeneralI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.