- ACE -
“Cassandra!”
Tinawag ko siyang para siyang katulong dito sa mansyon ko. Wala. Nasanay na lang akong lagi siyang inuutos utusan lang dito sa pamamahay, kung tutuusin, namin. Isa pa, wala rin naman kaming endearments sa isa’t isa katulad ng hon, babe, love, darling, ma, pa, at kung ano ano pang malansang tawagang naimbento ng mga korning magpartner sa buhay.
At tsaka, bakit kailangan pa namin ng endearments na ‘yan? She was never my partner. She was just my wife. Asawa. Sa papel. Sa harap ng mga pamilya namin at sa harap ng piling mga kaibigan ko. She never dared introduce me to her friends, kung meron man. Dahil alam niyang ayaw na ayaw kong dumarami ang nakakaalam na misis ko siya. I’m not proud of the fact na kasal na ako sa babaeng hindi ko naman pinangarap makasama sa buhay.
Bigla ko namang naisip si Jennifer. Nasaang lupalop na kaya ng daigdig naninirahan ang babaeng ‘yon? The last thing I’ve heard about her was that she was already married to a foreigner. Ewan. Basta ang alam ko ay kasal na rin siya. Sobrang sakit noon para sa akin. Wala na talaga kaming pag-asang magkasama.
Ah! Shit.
Dali dali namang lumapit sa akin si Jennifer… este si Cassandra, si witch, na nakaapron pa. Damn. Bakit on that split second na napatitig ako sa kanya ay nakita ko si Jennifer? I mean, I know that she’s Cassandra, pero naging kamukha niya bigla si Jennifer, eh? Ah, baka sa sobrang pag-iisip lang ‘yon kay Jennifer. Ganoon naman ‘yon. Kapag sobrang iniisip mo ‘yong isang tao, makikita mo na lang siya bigla sa lahat ng tao sa paligid mo. Parang lahat sila ay ‘yong taong naiisip mo. Creepy, right?
“B-bakit, A-ace?”
Hindi ko rin alam sa witch na ‘to. Pa-demure effect palagi, eh. Lagi rin siyang nauutal na parang nahihintakutang kausapin ako. Hindi naman kasi talaga kami nagkaroon ng serious talk, eh. ‘Yong usapang ginagawa ng mga mag-asawa? Wala. Kasi kapag umuuwi ako galing sa trabaho, kadalasan ay tulog na siya kapag naaabutan ko. Sino ba namang makakapaghintay ng hanggang madaling araw, hindi ba? Hanggang madaling araw talaga ang trabaho ko. Kasama na rin kasi doon ang pagbabar ko, eh. Siyempre, tumitira muna ako ng hot babe bago ako makauwi ng bahay. Ayokong pag-interesan si Cassandra. Nandidiri ako sa kanya. Isa pa ring misteryo sa akin kung paano ko siya nabuntis. Sa dami na ba kasi ng mga babaeng dumaan sa buhay ko noong college, hindi ko na talaga matandaan kung isa ba sa kanila si Cassandra.
Hindi ako nandidiri sa kanya dahil marumi siyang babae. Hindi siya ganoon. Well, sa pagkakaalam ko. Hindi rin naman ako ipapakasal ng mga magulang ko sa babaeng ito kung nalaman nilang may bahid kadungisan pala ang isang ‘to. Nagpapabackground check pa rin naman sila para alam nila kung safe ba itong pakakasalan ko. At akalain mong nakapasa ang witch na ‘to? Ang akala ko nga ay hindi, eh. Gustong gusto rin talaga siya ng mga magulang ko. Lalo na ni Ma. Pambihira.
Nandidiri ako sa kanya kasi pinilit niya akong pakasalan siya. Desperada kasi, eh. Alam kong paulit ulit na ako sa pagsasabing pinilit niya lang akong pakasalan siya. Hindi ako magsasawang sabihin ‘yon. Ipagduduldulan ko pa. Gusto ko ngang malaman ng buong mundong pinilit niya lang ako, eh. Totoo naman, hindi ba? Pinilit niya lang ako.
“Alis na ako,” simpleng sagot ko sa kanya. Napansin ko namang hindi siya tuminag sa pwesto niya at tumitig lang sa may dibdib ko. Tapos titingin din siya sa mukha ko pagkaraan. Ano ‘to? Pinagnanasaan ba ako ng witch na ‘to?
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
General FictionI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.