CHAPTER 38
- JENNIFER -
Nakakainis si Gio.
“Ah, sige Jen my baby, upo ka na. Puntahan ko lang si Mich doon.”
BWISIT!
My baby raw!
Tapos... nung pinuntahan lang niya si Sandy sa laundry room nag-iba na siya pagkatapos. He even called me an attention-whore! Grabe!
I'm not mad at Sandy.
Hindi rin ako nagseselos sa kanya.
Alam ko namang wala siyang gusto kay Gio eh.
Pero si Gio kaya...?
Ewan ko eh, ayoko mang isipin pero parang... tama ang kutob ko. Na may gusto siya kay Sandy. Remember before? Kaya sila nagkaaway ni Ace kasi hinalikan niya si Sandy? At anong dahilan daw niya? Tinutulungan lang niya si Sandy? Nananantsing siya kamo!!! Kunwari pang bakla raw siya, 'yun pala... mask lang 'yun!
BWISIT TALAGA!
Tapos diba? Ganun na lang ang pagkagalit niya nung nalaman niyang binubugbog pala ni Ace si Sandy? Okay, maski ako naman nagalit ng sobra pero kasi... iba 'yung pagkagalit niya eh. Parang may something. Parang may ownership? Na parang kanya si Sandy? Which is... hindi naman.
Tapos... tapos... Ugh!
He even offered na magpapakalalaki na siya ulit para lang kay Sandy!
SAPAT NA PROOF NA 'YUN PARA MALAMAN KONG MAY LIHIM SIYANG PAGTINGIN KAY SANDY!
And it hurts... a little.
Ah, hell!
Diba si Ace pa rin ang mahal ko? Nag-confess nga ako sa kanya eh? Tapos binalewala lang niya. Pero okay lang, mas gusto ko namang balewalain na lang niya ang confession ko kesa naman iwan pa niya si Sandy. Improving na nga ang relationship nila eh, diba?
“No.” I shook my head. Wala akong nararamdaman kay Gio. Malisyosa lang ako. Ayan napapala, nasasaktan. Tss. Di ko na nga bibigyan ng other meaning 'yung ginagawa sa'kin ni Gio. Ginagawa niya naman 'yun sa lahat eh. Sa lahat ng friends niya.
“NO!” I repeated. Ayokong tanggapin 'yung feelings ko for Gio. Masasaktan lang ako. Diba nga, he even calls me “lesbo”. Sobra na 'yun, akala ninyo ba. Masakit eh. Sa kanya pa galing.
“Ah, Jen... May problema ka ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sandy. Ah, shit! Napatingin ako sa kanilang lahat at nakatitig lang din sila sa akin nang nagtataka. Kinakausap ko na naman pala ang sarili ko. Lol. Baliw na ako. Baliw na baliw sa baklang si Gio.
AH, NO!
Sinabing hindi eh. Ang kulit ba nitong utak ko!
Makailang ulit akong umiling sa kanila and nervously tugged on the hem of my shirt.
“Ah... hehe... Wala... Wala naman Sandy. He-he-he.” Siyet, ang awkward ko ngayon. Nanatili naman silang nakatitig sa akin. Ang expressions nila, parang ngayon lang nila ako nakita sa tanang buhay nila. Bwisit! Dudukutin ko na mga eyeballs ninyo eh! Parang mga sira.
Ganito ba ako ka-abnormal ngayong araw na ito?
Oh well...
Isa lang dapat ang sinisisi diyan eh.
Sino pa ba? Edi ang walangyang bruhang balahura! SI GIOOOOOOOOOOOOO!
Tumayo na ako. Nakatitig pa rin sila. I smiled at them.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
Fiksi UmumI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.