CHAPTER 17
- CASSANDRA -
Ayun.
Bad mood ang bruhang si Gio nung nagpart ways na kami. Sinisi pa nga raw ako. Stupid ko raw. Grabe, so ako pa ang dahilan ng pagkabadmood niya? Ang saya niyang bruha siya ha!
“Sige 'te. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo nang mananapak sa'yo. Freeng free ako ha? Ingat pag-uwi Mich, Witch ka pa naman. HAHAHA.” pahabol pa niya bago kami tuluyang maggoodbye sa isa't isa.
Gagu!
Aww, gagu? Expression ni Ace 'yun eh.
Napabuntong hininga na lang ako.
“Ay naku 'te. Tigil tigilan mo muna 'yang pag-iisip kay Papa Ace. Iyan ang ikamamatay mo eh.” hala? Andito pa pala 'to? Akala ko nakaalis na ng tuluyan?
“Di ko iniisip si Ace 'no. Kung di mo pa nabanggit baka hindi ko pa siya naalala.” pataray na sagot ko sa kanya. Idaan na lang sa taray ito. Baka sakaling effective.
“Asus, sinong niloko mo? Ako? Ovah my dead bodeehhh! Sige na 'te, uwing uwi na 'ko. Babush!” at nagdiretso na siya sa pinagparkan ng kotse niya. Sa kabilang dulo 'yun eh. 'Yun akin naman eh andito lang sa malapit. Actually, di ko kotse 'to. Kotse ni dad, hiniram ko lang kasi nga mag-m-mall ako.
Umiling iling na lang ako. Loka talaga ng Gio na 'yun. Pero buti na lang at napapangiti niya ako kahit papaano.
Naglalakad na ako malapit sa kotse nang may mamataan akong nakasandal sa gilid niyon. Medyo malayo pa kaya hindi ko masyadong aninag. Nakatungo pati 'yung guy. Pero alam ko, base sa tibok ng puso ko kung sino 'yun.
Tindig at aura pa lang niya, alam na alam kong siya 'yun eh.
Sa kanya lang naman tumitibok ng ganito kalakas ang puso ko.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, palakas ay palakas naman ang tibok ng puso ko. Oh shit, mahihimatay yata ako.
“Dad?” sabi ko dun sa lalaki.
De joke lang. HAHAHAHA. Tae much.
“A-ace?”
Napaangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin.
Gahhhhd. Kahit isang araw pa lang kaming naghihiwalay, miss na miss ko na siya.
Tinanggal niya ang pagkakapamulsa niya at tumayo ng diretso.
“Missed me?” tanong niya.
Oh gahhd. Gustong gusto kong dumugin siya ng yakap at halik ko pero di ko magawa. Alam ko namang ayaw niya ng ganun eh. Baka magalit pa ang isang 'to sa'kin.
Bakit kaya siya nandito sa parking lot? Sa pinagpaparkan pa ng kotse ko to be more specific? Hinihintay niya ba talaga ang pag-uwi ko? So ibig sabihin alam niyang nasa mall ako ngayon. Posible bang nakita niya si Jennifer? Ano kayang naging reaksyon niya?
OH NO.
Tumingin tingin muna siya sa paligid at tsaka ulit ako hinarap. Sa gulat ko eh hinawakan niya ako ng mahigpit sa kanang braso ko. Aw, napaimpit ako ng iyak kasi masakit pa rin siya. Pasa pa rin siya eh.
“Aw.”
Pero lalo pa niyang idiniin ang pagkakahawak niya.
“I won't be long dahil baka makita pa ako nina Pa dito at makita pa nila ang ginagawa ko sa'yo. May sasabihin lang ako sa'yo. At isa pa, na-miss ko rin ang hawakan ka.”
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
Ficción GeneralI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.