Chapter 45

137K 985 30
                                    

CHAPTER 45                   

- JENNIFER -

Gio just left.

Hindi niya man lang pinakinggan ang sasabihin ko. Ang sakit. Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit dahil lang dun eh bigla na lang siyang nagalit sa akin? Kung tutuusin, hindi naman ako itong may kasalanan sa kanya eh! Hindi ko naman siya niloloko. Magpapaliwanag naman sana ako kung bakit andito sa bahay ko si Brenan ngayon pero mas pinili niyang paandarin ang selos at init ng ulo kesa pakinggan ang side ko.

Tulalang nakasalampak lang ako dito porch sa unahan ng bahay ko. Umiiyak.

Maaayos naman sana namin 'to agad. Pero bakit kailangan pang humantong sa ganito? Bakit kailangan niyang umalis ng hindi man lang ako pinapakinggan? Ano 'to? Ganun ganun na lang? Bwisit!

Marahas na pinahid ko ang mga luha sa mukha ko at tumayo na. Nagngingitngit sa galit na sinugod ko si Brenan sa loob ng bahay ko. Naabutan ko siya kitchen at kumakain. Ang walanghiya, nakukuha pang kumain! Bwisit!

I slapped him hard. Natigil siya sa pagsubo dahil dun at maang na napatingin sa akin.

“How dare you say those things to him!” may apoy sa mga matang sabi ko sa kanya. Napalunok naman siya dahil dun.

“Jen, I—” I cut him off.

“Ano bang problema mo? Bakit mo ba 'yun sinabi sa kanya ha! At tsaka... hindi naman kita manliligaw! Alam mong may boyfriend na ako! Look at what you've done! Gio hates me now! He's probably thinking na niloloko ko lang siya! F*ck you, Brenan! I hate you to death!” na-f-frustrate na sabi ko sa kanya habang binabayo ang dibdib niya. Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko. Napapagod na akong umiyak.

Sinalo naman niya ang mga kamay ko at hinawakan 'yun. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa mga iyon habang tinitingnan siya ng masama.

“Stop, Jennifer. I'm sorry, OKAY? Pakinggan mo muna ako.”

Pinilit kong kumalma at pakinggan muna siya pero wala akong ibang iniisip kundi si Gio at si Gio lang.

“I was just fooling around. I didn't know na siya pala 'yung boyfriend mo. And, I admit, nag-slip lang sa bibig ko 'yung katagang bakla mong boyfriend. I didn't mean to mock him or something. I'm really sorry. Pinatuloy mo na ako dito tapos 'yun pa ang iginanti ko. Don't worry, I called my auntie and dun na ako uuwi mamaya. I'll talk to Gio if that's what you want. I'm really sorry Jen. Kaibigan mo ako and walang malisya talaga 'yun. Sorry.”

Gah!

Lalo akong nagagalit sa kanya dahil sa dahilan niya!

Nag-j-joke lang pala siya eh! Grabe siyang mag-joke! Mawawala pa sa akin ang taong mahal ko kung sakaling hindi ako paniwalaan ni Gio. Grabe!

Inis na inis na nilayasan ko siya sa kitchen at nagkulong sa kwarto ko. Bahala siya sa buhay niya. Matulog na lang siya sa couch if ever na mananatili pa siya dito ng isang gabi. Bwisit talaga!

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong sumubsob sa unan ko. Naiiyak na naman ako. Hindi ko pa nakikitang ganun kagalit si Gio eh. Kanina lang. Nakakatakot siya.

Nang mahimasmasan ako ay kinuha ko ang phone ko at d-in-ial ang number niya.

Ring lang 'yun ng ring.

“Babe... please... answer the call. I need to talk to you... Babe please, don't ignore me.” pagkausap ko sa sarili ko habang hinihintay ko ang pagsagot niya sa tawag.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon