CRAPS

149K 1.2K 406
  • Dedicated kay All of you, Craps! <3
                                    

CRAPS PAKIBASA ITO. IMPORTANTE ITO. HINDI NA AKO MAG-N-NOTE SA EPILOGUE EH. PURE STORY NA LANG DUN SO BETTER READ THIS NA HA? MAY HINT DIN DITO SA KUNG ANONG MANGYAYARI SA EPILOGUE. AT MAY IMPORTANTENG ANNOUNCEMENT DIN AKO BEFORE MAG-END NG TULUYAN ANG BALUKTOT NA KWENTONG ITO.

**

 Hi Craps! :””””>

Ano bang Craps? Ito 'yan oh:

Cute Readers who APpreciate this Story :””””””””””>

Hahahaha! Tawa tayo! Lol. Kanina ko lang 'yan naisip. Tae.

Uy, thank you nga pala ha? Kasi umabot ka sa puntong ito ng storya. Hindi ka naman aabot dito kung pinagsawaan mo sa first few chapters palang 'yung kwento diba? Super thankful ako at nakaabot ka dito. Wagi!

Thank you sa pagsuporta. Alam mong isa ka dahilan kung bakit matatapos na ang kwentong ito. Tama 'yan. Dahil sa walang sawang pagsuporta mo sa kwentong ito, natuwa ako sa'yo. Ginanahan akong magsulat. Hindi mo lang alam, ito ang first story ko na matatapos ko talaga! Kaya tuwang tuwa ako!

Thank you sa sweet messages ah? Napakilig mo talaga ako! Hindi ko inakalang magugustuhan mo itong kwento ko dahil hugot ko lang 'to sa pwet... oops, este sa kasulok sulukan ng utak ko pala. Hahaha. Ang bastos ni Author. Sorry, balahura talaga ako minsan eh.

Thank you dahil simula prologue hanggang chapter 49 ay sinamahan mo ako sa paglalakbay sa baluktot na mundo ng baluktot na mga characters ng baluktot na kwentong ito. Aminado akong may mga pagkakataong na-d-disappoint kita sa mga updates ko, still, andito ka para samahan ako. Hindi mo ako iniwan. Maraming salamat talaga! Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-grateful at anjan ka.

Alam mo bang tuwang tuwa ako nung nagalit ka kay Ace? Nung isinumpa mo siya dahil sa kademonyohan niya? Feel na feel ko 'yung inis at galit mo eh. Naisip ko na lang Woah, may effect ang character na binuo ko.

Alam mo bang kinainisan ko rin ang pagkatanga ni Cassandra? Salamat dahil nainis ka rin sa kanya. Perfect match sila ni Ace 'no? Parehas nakakainis. Parehas imperfect. Parehas ang daming flaws. Tingin mo, bakit hindi ako bumuo ng perfect characters? Kasi... gusto kong gawing makatotohanan ang kwento ko. Ayoko kayong linlangin. Kasi sa mundo natin, wala namang perfect eh. Almost perfect meron, pero perfect talaga? Wala. Nilikha tayong may flaws dahil flaws add beauty. Kapag perfect kasi boring eh. Tama ba? Osiya, tama na. Wala na akong sense.

Alam mo bang halos mabaliw na ako sa baluktot na mag-asawang ito? Ang nakakapagpanatili na lang sa katinuan ko ay ang balahurang couple na sina Jeng at Gio. Tama kayo jan. Alam kong natuwa rin kayo sa kanila. Aminin ninyo, nakadagdag sa excitement ng kwento ang bruhang balahurang mga ito.

Siyempre, makakalimutan ko ba ang gagung magkakabarkada? Nah. Sila pa ba? Eh love na love ko sila eh. May sense naman silang mga tao diba? Totoo rin sila. Aminin ninyo, may mga ganitong kabarkada talaga ang mga boyfriends ninyo, or maybe mga asawa ninyo. Hindi sila mawawala. Ganan talaga ang mga lalaki, maloko. Pero kapag nagseryoso sila. Tunay 'yun. Ganun sina Raymer at Jimmy. Gagu man madalas, may puso rin ang mga 'yan.

Si Baby Jamie... you'll know more about her in the future. ;)

Uy, thank you talaga. Hindi ko ma-form 'yung right words to say eh. Pero nagpapasalamat talaga ako sa iyo. 'Wag mo sana akong iiwan ah? Kaibigan kita. Mahal kita.

Alam kong hindi naman talaga memorable ang baluktot na mag-asawa. Once na matapos na ang kwentong ito, alam kong mababaon na rin ang kwentong ito sa kasulok sulukan ng utak ninyo. Pero nagpapasalamat ako na once ay nabasa ninyo ang kwentong ito at na-appreciate din. 'Yun lang ang mahalaga para sa akin.

Dito ko na tatapusin ang madramang pasasalamat ko sa inyo. Next nito ay ang announcement na. Ayan, kapit na kayo. Tadan. Tadan. Tadan. Hahaha!

**

Hi ulit! 

Cute Readers who APpreciate this Story. Lol.

Ito po ang announcement ko. TWISTED MARRIAGE will be having its SEQUEL. Oh yeah, may BOOK TWO. Alam ko, hindi naman kayo humihingi ng BOOK TWO. Sinasabi ko lang. Okay lang na hindi ninyo na suportahan pero dun naman sa mga may balak, thank you in advance. Malalaman ninyo sa Epilogue kung bakit magkaka BOOK TWO ang TWISTED MARRIAGE. Pero hindi siya basta sequel, sequel siya with a TWIST. Haha. 'Yun lang... Ayoko nang magsalita. Baka madulas pa ako at masabi ko ang mangyayari sa Epilogue eh.

'Yun palang extended version ng special chapter ni Raymer, isusulat ko rin. Antabay lang si Phoebe jan. Lol.

Ito na. 'Yung pasilip sa Epilogue.

May mamamatay.

May darating.

May manunumbalik.

Mwahahaha! Kayo na ang bahala kung tanong ba 'yan o statement. Isa lang ang alam ko, hindi ito A WALK TO REMEMBER. A TWIST TO REMEMBER, pwede. Lol. Basta alam ko rin, IIYAK KAYO... sa TUWA! Chos.

PS, hindi ko i-p-post ang Epilogue kapag hindi ko naramdamang binasa ninyo ito. I have my ways.

PPS, antabay lang kayo sa Epilogue. Give me time. Gagawin ko kasi siyang multiple scenes so medyo mahaba siya. Diba nga, sabi ko 100 pages 'yun? Chos. Basta, mag-m-message naman ako kapag posted na siya. Ako pa? Tsk. Basta before election posted na siya. Okii?

PPPS, PRIVATE siya ha? Thank you. <3

Paano ba 'yan? Hanggang dito na lang. I love you all!

**

 Zompire, The Twisted Writer

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon