Twisted Marriage will be extended. Kind of.
Akala ko pa naman 4 chapters na lang tapos na 'to. Hahaha. Jk. May side story kasi akong isasama eh. Do you like that? Yes? No? Hmm. Idc, ako masusunod. Jk.
**
CHAPTER 36
- JENNIFER -
Naiiritang kinuha ko ang phone kong nakapatong sa bedside table ko. Half-closed pa ang mga matang chineck ko ang oras dun at pambihira naman oh! 7 AM palang eh. Sino ba itong tumatawag? Bwisit sa magandang tulog ko eh.
Nang makita ko kung sino ang lapastangang gumising sa akin, lalong naningkit ang mga mata ko. Ni-reject ko lang 'yung call. Babalik na lang ako sa tulog ko.
Ipinatong ko ulit ang phone ko sa bedside table at sumide view at tuluyan nang ipinikit ang mata. Wala pang isang minuto ay sunod sunod na tumunog ang phone ko. Text message 'yun. Hinayaan ko na lang. Titigil din naman 'yan maya-maya.
But...
“ARRRRGHHHH! DAMN YOU PHONE! BA'T AYAW MONG TUMIGIL SA PAGTUNOG!” nasabunot ko ang buhok ko sa sobrang pagkairita. Tinapat ko pa sa bibig ko 'yung phone ko at kinakausap na parang sira.
Matapos kong sigawan ang kawawang phone ko, tumigil naman 'yun sa pagtunog. Napahinga naman ako ng malalim.
Kaya lang, napatalon naman ako dahil tumunog na naman siya. Sunod sunod na naman. Peste! Tiningnan ko na 'yung message.
1. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
2. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
3. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
4. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
5. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
6. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
7. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
8. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
9. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
10. From: BRUHANG BALAHURA
OY! SAGUTIN MO TAWAG! BALAHURA KA!
AHHHH! Peste!
Nagngingitngit sa galit na d-in-ial ko ang phone number niya. Hindi pa nag-r-ring 'yung phone eh nasagot na niya.
“DAMN YOU GIO! UNLI KA? UNLI? BWISIT KA! BRUHA! AT AKO PA TINAWAG MONG BALAHURA HA?” bulyaw ko sa kanya.
Tawa lang ang isinagot niya sa akin.
“Bakit ka ba tumatawag? Ang aga aga pa eh!”
“Bruha... pasyal tayo sa mansion ngayon!” aya niya na ang tinutukoy ay ang bahay ng mga Salvacion. Nina Ace at Sandy.
Peste, Gio. Kailangan mo pa akong gisingin para mangakit?
Gigil na gigil na sinagot ko siya.
“Aish Gio! 'Yun lang ba?” tinatamad na sagot ko sa kanya. Grabe. Nakakapanghina siya.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
Fiksi UmumI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.