Chapter 33

166K 1.2K 77
                                    

Woops. Are those wedding rings on the side? --->>>

**

 CHAPTER 33

- CASSANDRA -

Nakangiti lang ako buong maghapon dito sa bahay. Paano ba naman, di ako makaget over sa simpleng sticky note na iyon ni Ace. Oo, corny. Pero diba minsan, nakakakilig din naman ang corny? Feeling ko talaga teenager pa rin ako eh.

Dinikit ko nga ulit 'yung sticky note dun sa fridge tapos makailang ulit na binasa.

To my Wicked Princess,

Good morning! Alam kong paggising mo eh maiinis ka sa'kin dahil sabi mo ikaw gagawa ng breakfast ko ngayon. Don't worry my Princess, may next time pa. Isa pa, hindi ko masikmurang gisingin ka ng maagap. Mukhang ang sarap pa ng tulog mo eh. Pinapanaginipan mo siguro ako, enjoy na enjoy ka eh. Nakangiti ka. Tulo laway pa nga. Hahaha! Ang sarap mo pating panoorin.

PS, akala mo di kita pinagluto? Pinagluto kita. Nanjan sa fridge, iinit mo na lang. Alam kong tanghali ka na gigising eh.

Sige, 'yun lang.

Your hunky husband<3

Gah.

Ganun pa rin ang epekto sa akin. Kinikilig pa rin ako. Hindi nakakasawang ulit ulitin!

Nakakabaliw ka Ace! Alam mo 'yun?

Ayun nga, nakangiti lang ako habang nililinis ang buong mansion. Hindi ko na alintana ang pagod kasi, masaya nga ako. Tuloy tuloy na sana ito!

Nagpahinga lang ako sandali at tsaka naman inabyad ang tanghalian ko. Naisip kong magluto ng favorite dish namin ni Ace nang bigla akong may naisip na kalokohan. Wicked Princess naman daw kasi ako. Pagbigyan na!

Kinuha ko na ang lahat ng ingredients na kakailanganin ko at ipinatong lahat 'yun sa table. Buti na lang at nakapag-grocery si Ace. Hindi na ako mahihirapan pa.

After ilang minuto rin ng pag-p-prepare ay handa na 'yung ulam. Inamoy ko siya at...

“Hmm! Ang sarap ko talagang magluto! Ah, heaven!” nakapikit pa ako habang nakangiting inaamoy amoy 'yung niluto ko. Sa sobrang pagsinghot ko, muntik ko nang maubos 'yung aroma. Buti may natira pa. Hahaha. Baliw.

Nagsandok agad ako ng kakainin ko at kumuha na rin ng kanin. Maya-maya pa ay dumiretso na ako sa living room. Doon na lang ako kakain. Mag-isa lang naman ako eh. Masyadong maespasyo ang dining table kung dun pa ako. Isa pa, papanoorin ko ulit si Aleng Maliit. Adik na 'ko sa batang 'yun eh.

Nang makarating ako sa sala ay agad kong binuksan ang TV. Sakto, nagsisimula palang 'yung show. Nilapag ko 'yung plato sa center table at kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

“Hmm. Time to call my beloved husband.”

Ayoko siyang i-text dahil baka hindi niya agad mabasa. Iinggitin ko pa mandin siya.

Sinagot niya agad sa unang ring palang. Atat much? Hahaha!

“Yes, Princess?” bati niya sa akin.

“Kumain ka na?” tanong ko sa kanya. Mabuti na 'yung sure. Baka kasi nakakain na pala siya. Wala na ring silbi, diba?

“Ah. Di pa nga eh. Ikaw, kumain ka na? Kumain ka na ha! Wag kang magpapalipas! Ayoko ng patpating asawa!”

Napatawa ako sa sinabing 'yun ni Ace. Grabe, nakakakilabot pa rin talaga siya 'pag ganyang kung ano anong sinasabi niya. Parang sinapian eh.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon