CHAPTER 39
- GIO -
Ugh.
Stupid, Gio.
Why did I call her that? Ang tagal na panahon ko nang ibinaon sa limot ang nickname na binigay ko sa kanya eh. Oo na, hindi na unique pero siyempre, ako lang naman kasi ang tumatawag ng ganun sa kanya eh. Kadalasan kasi sa mga classmates namin, Jenny, Jen, Jennifer, Flores, Ganda ang tinatawag sa kanya kaya para sa akin, unique na ang Jeng.
She even told me that nickname was so gay. Gay raw siguro si Mr. Shadowhunter.
Ano bang gay sa Jeng? I don't see the point kung bakit nasabi niya iyon. And I must admit, it hurt my ego. Kasi pinag-isipan ko rin talaga 'yun eh. Gusto ko siyang tawagin sa ibang paraan pero hindi nawawala 'yung name niya talaga.
So I came up with Jeng.
Okay na sana. Makikipagbati na sana ako sa kanya. Hindi na sana ako mag-gagalit galitan kasi nacontemplate ko na ano ang punto ng paggagalit galitan ko sa kanya? Lalayo lang ang loob niya sa akin. Hindi na niya ako kakausapin pa. Masisira ang friendship at katapusan na rin para sa akin.
Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magiging assuming ngayon. Oo, mahal ko si Jennifer pero hindi ko na pipilitin ang sarili ko sa kanya. Nagawa na nga niyang ibasura ang efforts ko noon eh, ano pa bang kaibahan ngayon diba? Baka pagtawanan lang din pati niya ako at hindi seryosohin kasi... bakla nga ako.
Isa pa, para kaming aso't pusa. Awan ko nga baga. Hindi naman kami dati ganito. Kapag inookray ko siya, tumatawa siya at kadalasan ay nakikisakay rin. Kaya bongga ang trio namin nina Mich. Eh ngayon? Konting biro ko lang sa kanya, sineseryoso na niya.
Nababarino na siguro siya sa akin.
Sobrang bakla raw kasi ako.
Nagulat ako nung narinig ko ang pagsigaw niya. Nagbuga siya ng hangin. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang pinakamagandang tanawing nakita ko sa buong buhay ko. Ang mga ngiti niya.
Weakness ko ang mga ngiting 'yun. Kasi sa mga ngiting 'yun ako nahulog sa kanya noon.
Hindi ko naman alam na may pagkamaldita pala siya.
Napailing na lang ako.
Ayoko nang alalahanin.
Masyadong masakit.
Kinausap niya ako na parang walang nangyari. Nagulat ako doon pero siyempre, nagbawi rin ako agad. Ayokong mapansin niyang ang lakas ng epekto niya sa akin. Kahit totoo. So biniro ko rin siya. Tinitigan ko muna siya. Actually, gusto ko lang siyang titigan kasi after nito, baka lumayo muna ako sa kanya. Kailangan kong i-clear ang mind ko para pagbalik ko, okay na ako. Back to action ulit kami sa pang-ookray sa isa't isa.
Pero napansin kong naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig ko sa kanya. Napangiti ako roon. Ibig sabihin, may epekto rin ako sa kanya. O baka kinikilabutan lang siya kasi tinititigan siya ni Gio Bakla.
Either way, masaya ako sa naging reaksyon niya kaya biniro ko siya na umamin na siyang may gusto siya sa akin. Napapansin ko kapag ito ang niloloko ko sa kanya, nagagalit siya agad. Umiiwas rin ng tingin at... namumula.
Posible kayang...?
Nah, imposible.
Baka naiiyamot lang siya kasi may baklang nanloloko sa kanya. Mukhang may galit yata siya sa mga bakla eh. Kasi ganun na lang niya i-despise si Mr. Shadowhunter noon. Which is, ako nga 'yun.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
Ficción GeneralI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.