CHAPTER 21
- JENNIFER -
I am so worried.
No.
We are so worried.
Anong nangyayari kay Sandy? Bakit bigla na lang siyang nahimatay kanina? Sa pagkakaalam ko, hindi naman siya nagpapabaya sa health niya kahit pa sobrang broken siya dahil hiwalay sila pansamantala ng asawa niya. Kumakain siya ng maayos. Hindi naman siya nangangayayat. Lalo pa nga yatang tumataba. Basta, nakakapagtaka lang. What could possibly be the reason?
Hindi naman siguro 'yung pagiging narcoleptic niya ano? As far as I know, sleeping disorder lang 'yun. Disorder. Hindi naman disease. Hindi naman nakakabahala at lalong hindi naman pwedeng maging sanhi ng bigla niyang pagkakawala ng malay.
Kinakabahan talaga ako. May hindi ba sinasabi sa akin si Sandy?
“Gio... do you know anything about this? May... sinabi ba sa'yo si Sandy?” kinalabit ko si Gio. Nandito kami sa van nina Tita. Papunta na kami sa pinakamalapit na ospital. Katabi ng driver si Tita pero nakaharap lang siya sa anak niya na nasa backseat. Nakahiga sa aming dalawa ni Gio si Sandy. Hinahaplos haplos pa ni Gio ang buhok ni Sandy. Ako, nagpipigil lang ako ng iyak.
Tiningnan ako ng malungkot ni Gio. “Wala Sis eh. Wala siyang nasabi. Nagulat lang din ako. Teh, baka naman pagod lang 'to. 'Wag ka na masyadong mag-isip.” pagpapakalma sa akin ni Gio.
Hayy. Tama. Baka nga pagod lang 'yun. Pero lalo akong kinakabahan kasi nga hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Sandy eh. Usually naman 'pag nawawalan ng malay eh ilang sandali lang eh babalik na ulit sila sa kamalayan nila, diba?
May iba lang talaga akong nararamdaman. Hindi ko madescribe kung ano... basta... Alam ko, masama 'yun.
Ah, God! Erase erase! Ano ba 'tong iniisip ko. Wala. Walang masamang mangyayari kay Sandy okay? Pagod lang 'yun. Tsaka baka nga dala na rin ng sobrang antok niya. Nakakakonsensiya. Kung alam lang naming magkakaganito siya, hindi na sana namin siya kinulit kanina. Sana pinagpahinga na lang muna namin siya.
Nakihaplos na lang din ako sa mukha ni Sandy bestie.
“Sorry bestie. Kung alam ko lang, di na sana kami dumalaw ngayon.”
Tinampal naman ni Gio ang kamay kong nakahaplos pa rin sa mukha ni Sandy. Tiningnan ko lang siya.
“Aw.”
“Wag ka nga. Kung hindi tayo nagpunta edi hindi natin natulungan si Mich ngayon? Think positive Jennifer naman. Ang gaga mo rin eh.”
Hayy. Ba't ba laging tama ang baklang 'to? Gay of wisdom yata ang isang 'to eh.
Sorry naman. Napaparanoid lang. Best friend ko kasi ang pinag-uusapan dito eh. Isa pa, brokenhearted pa siya. Battered pa. Physically, mentally, and verbally abused siya. Mahina siya ngayon eh. Tapos may ganitong mangyayari? Sa tingin ninyo, sinong hindi mag-aalala?
Yeah right. Si Ace. Hmp!
Nanahimik na lang kami sa kabuuan ng biyahe papuntang ospital. Bakit parang ang bagal ng biyahe namin? Kung tutuusin, 15-minute drive lang naman papuntang ospital galing kana Sandy.
Hayy. Stop with being paranoid Jennifer. Hindi ka nakakatulong.
After ilang minuto, sa wakas andito na rin kami sa ospital. Agad namang inasikaso si Sandy nung doktor. Hindi ko alam kung anong doktor siya. Basta doktor siya. Wala na akong pakialam doon ngayon. I just want to know kung anong nangyari kay Sandy.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
قصص عامةI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.