Chapter 16

206K 1.7K 69
                                    

CHAPTER 16

- CASSANDRA -

“GIO!?!?!?” gulat na gulat na sambit ni Jennifer sa lalaki, este sa baklang nakaupo sa tabi ko ngayon. Andito kami ngayon sa Mall, nagkataon lang na nagkita kami ni Jennifer. Buwisit nga eh, diba? Unexpected.

Hindi na ako nakisabay sa pagsigaw niya although nagulat din ako na nandito ngayon sa Mall ang bruha. Masakit isiping ang gwapo gwapo ng bruhang ito. Sayang 'te.

“Gio!?!?! IKAW NA BA 'YAN? GRABE!?!?! BAKLA KA PA RIN!?!?!?” hindi makapaniwalang sambit na naman ni Jennifer. Grabe lang talaga, gulat na gulat talaga siya. Bilog na bilog ang mga mata eh. Ang sarap picturan. :3

Tiningnan naman ng matalim ni Gio si Jennifer at tsaka tumingin sa paligid. May pailan ilan nang tumitingin sa gawi namin dahil nga sa pag-e-eskadalo ni Jennifer. Hahaha. Mga usisero talaga oh.

“Pwede ba? 'Wag ka ngang sumigaw jan! Nakakahiya sa mga tao. Baka kung anong isipin.” mahina pero puno ng diin na sabi ni Gio kay Jennifer.

“Ano namang nakakahiya Gio? Totoo namang bakla ka ah? Lalo ka pa ngang bumakla ngayon eh!” walang pakialam na sagot ni Jennifer. Bruha rin talaga ang isang 'to eh. Laging inaasar si Gio. Lagi namang bugnot si Gio sa kanya.

“Masasabunot na talaga kita Jen eh. Alam mo namang kayo lang mga kaibigan ko ang nakakaalam na bakla ako diba? Nangibambansa ka lang nakalimutan mo na agad? Sarap mong kalbuhin 'te. Promise.” naaasar na sabi ni Gio. Tumawa naman si Jennifer.

“Sareh bro! Namiss lang talaga kita, sobra!” umakto naman si Jennifer na yayakapin si Gio sabay pout ng lips na akmang hahalikan din ang bakla. Ang cute nila. Nalilibang ako kahit papaano.

Ni-shield ni Gio ang mga braso niya sa paparating na kissable libs ni Jennifer sabay tulak sa mukha nito palayo.

“Ew. Lesbo, go away. You're so kaderder.” hagot makangiwi naman si Gio nang sabihin niya iyon.

“WHAT DID YOU SAY!?!?!?! YOU GAY!” back to pagsigaw na naman si Jennifer.

“Err... I said go away. You're so kaderder.”

“No! Not that! You said lesbo! HOW DARE YOU! I'm not lesbian! Sa ganda kong 'to?” hala nangangamoy away na 'to ah. Mapigilan na nga.

“Hep hep! Ang ibig niyang sabihin dun Jennifer eh, lesbian ka, gay siya. So bagay kayo. Hahaha!” nye? Mukhang lalo ko pang ginatungan eh? Ang adik ko rin. Wala kasi akong magawa. OP ako sa paglalambingan nila. Awdee.

“EXCUSE ME!?” nakataas ang kilay na sabi ni Gio. Sabi ko nga, ayaw niya dun sa sinabi ko. Hahaha. Taray talaga ng baklang 'to eh. Sarap hambalusin! Naku. Kung di lang talaga ako broken, at may namimiss, papatulan ko na 'to. Sakit sa bangs 'te. Di ko kinaya.

“Grabe, Sandy? Ipagduldulan bang lesbian ako? I'm not lesbian. Gosh!” nag-iinarte pang sabat ni Jennifer. Isa pa itong masakit sa bangs. Sarap pagbuhulin ng dalawang 'to nang matigil eh.

“Di nga. May asawa ka naman pati.” patamad na sagot ko.

“Err, who told you I have a husband already? Err, I don't have one... YET. Ang bata ko pa para mag-asawa 'no.”

“Yepp. Wala naman pating papatol sa'yo. Taray mo eh. Arte pa. Tsaka, si Mich lang naman itong atat magpakasal eh.” sabi naman ni Gio. Napatingin na lang ako sa kanya.

Sorry naman kung atat akong magpakasal. May hinahabol kasi ako eh.

“Maiba nga ako, may atraso ka pa sa'kin Gio baka akala mo.” bigla kong sabi. Nakatingin lang sa amin si Jennifer. OP! Hahaha.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon