Chapter 15

209K 1.7K 76
                                    

CHAPTER 15

- CASSANDRA -

Muntanga kami ni Jennifer dito sa foodcourt kasi nag-d-dramahan kami. Grabe, wrong timing naman kasi ang babaeng 'to. Bigla bigla na lang kasing susulpot eh. Maano bang magpasabi na darating na pala siya ngayon? Di ako prepared.

Ay nga pala. Nawalan nga pala kami ng communication after niyang umalis ng bansa.

Ayan tuloy, hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Grabe rin eh. Ipambungad ba naman 'yung tanong na, “Oh, by the way... Musta kayo ni Ace? Nakailan kayo?” anong gusto ninyong isagot ko doon? Eh grabe nga kung makapaglambingan kami ni Ace. Makakarami nga talaga kami nun.

Kaya naman napaiyak na lang ako dahil sa bigat ng dinadala ko. Hindi ko na namalayan. Ay grabe pala talaga!

Natutop ni Jennifer ang bibig niya na parang makikisabay pa sa paghikbi ko.

“Oh God... The plan... It didn't go well, did it?” mahinang tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya. Tapos yumuko ulit ako.

“Sorry Bes... Nasayang lang lahat ng effort mo.” mahinang sabi ko sa kanya.

**Flashback

Alam ko, hindi talaga ako mapapansin ni Ace. Akala ko pa naman after siyang ipagtabuyan ni Jennifer eh magkakachance na ako para mapansin niya. 'Yun pala hindi. And worst, parang hindi pa niya ako kilala. Hindi niya ako pinapansin 'pag nakakasalubong ko siya sa university. Oh well, baka naman hindi niya talaga ako maalala kasi minsan lang naman kami nagkita at nagkausap talaga. Nung nag-slumber party nga kami kana Jennifer na siyang ikinasawi ng puso niya.

Baka umiiwas siya sa akin kasi friend ako ni Jennifer. Baka ayaw niyang magkaroon ng ugnayan sa mga kaibigan ng kanyang ex-fiance.

Nakakalungkot naman.

Mahal na mahal ko si Ace at gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya. Alam ko, kaya ko siyang pasayahin ng higit pa sa ginawa ni Jennifer sa kanya. Kaya ko siyang mahalin ng lubos at alam kong hinding hindi ko siya hahayaang masaktan sa piling ko. Ganun ko siya kamahal. Pero paano? Paano siya mapapasaakin?

Sinusubukan ni Jennifer na i-set up kami ni Ace pero parang ayaw talaga ni Ace. Lagi siyang umiiwas sa twing darating ako sa practice ng banda nila. Ayan tuloy, nagiging kawawa ang beauty ko na nakatunganga lang doon. Busy rin kasi si Jennifer pakikipaglampungan dun sa kabanda ni Ace eh. Brenan yata ang pangalan. I don't know. And I don't care. Kay Ace lang naman ako may care eh. Pero parang wala siyang care sa akin.

Tinatry ko rin siyang kausapin pero grabe, ang snob niya talaga. Para pating laging galit sa mundo. O baka sa akin lang? Pero bakit naman siya magagalit sa akin? Ano bang ginawa kong masama sa kanya? Wala naman diba? Minahal ko lang naman siya.

Until one day... Super desperate na talaga ako...

“Jennifer...”

“Yep Sandy bestie?”

Nagulat si Jennifer sa ginawa ko. Umiyak kasi ako sa harap niya.

“Gosh, Sandy. Why are you crying? What's the problem?”

Umiyak pa ako lalo sa kanya. Nahihiya akong sabihin na ewan eh.

“Jennifer... Mahal na mahal ko si Ace... and... I want him to be mine... Please? Help me?”

Tiningnan ako ni Jennifer ng may awa sa mga mata niya tsaka siya bumuntong hininga.

“You know I'm trying naman diba? Pero si Ace lang talaga 'tong matigas ang bungo. Kulangot talaga!”

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon