CHAPTER 11
- ACE -
Nagising akong wala ng Witch sa tabi ko. Well, dapat natutuwa ako kasi ibig sabihin lang nun eh gising na siya at hinahanda na niya ang breakfast ko. Pero hindi eh. Iba ngayon eh.
Wala na siya dito sa mansion.
Pinalayas ko, joke!
Tiningnan ko ang orasan sa bedside table at napamura ako ng malutong sa isip ko. Shit, man. Bakit nitong mga huling araw eh napapasarap yata ang tulog ko? Grabe, alas otso na! Late na ako sa office! Nakng tinapa naman oh! Sana lang wala si Dad dun ngayon, kundi yari ako. Pinapabayaan ko raw ang soon-to-be company ko. Tss. Peste.
Bumangon na ako at nagdiretso sa banyo. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Makaraan ang ilang sandali eh lumabas na rin ako. Kinuha ko ang isusuot ko ngayon at napamura na naman ako. This time, hindi na sa isip lang. Lumabas na rin pati sa bibig ko.
“Ah, hell! This is shit.”
Mag-s-suit nga pala ako ngayon. Ibig sabihin, magnenecktie rin! Eh hindi ako maalam magnecktie diba? Inayos pa nga ng Witch 'yung pagkakapulupot ko sa necktie ko nun eh! Ah, bwisit! Bahala na nga. Ipapaayos ko na lang sa secretary ko mamaya pagpasok ko. Hindi naman na siguro mapapansin since dala ko naman ang kotse ko. Hindi ako mag-c-commute.
Gulo pa ang buhok na bumaba na ako at nagdiretso sa kitchen. Nadagdagan ang frustrations ko ngayong araw na ito nang maalala kong wala na nga pala si Witch. Walang breakfast! Walang pancakes! Ugh.
Tingin ko, kailangan ko nang kumuha ng maid ngayon. 'Yung masarap magluto ng pancakes.
Sa sobrang inis ko eh nagtimpla na lang ako ng kape. Hindi na ako kakain. Dadaan na lang ako sa isang fast food chain mamaya para mag-grab ng makakain. Ugh talaga.
Makaraan ang ilang minuto eh lumabas na ako ng bahay, sinarhan ko na rin since wala namang matitira para magbantay. Kinuha ko na ang kotse ko sa garahe at nagdrive na papuntang office. Great. This is a great start for me ngayong week na ito. Sige, magtuloy tuloy pa sana ang kamalasang ito sa buhay ko.
Witch talaga! Wala na nga siya sa pamamahay ko, inaabot pa rin ako ng kamalasan! Talaga namang!
Bugnot na pumasok na ako sa building namin. Takot na takot namang binati ako ng security guard namin. Maging ang receptionist eh natakot din sa hitsura ko. Sige, matakot lang kayo. Masaya 'yan. Badtrip ako ngayon. Hindi ako nakapag-almusal ng pancakes.
Nagulat naman ako pagbukas ko sa pinto ng office ko. Ano 'to? Lagi na lang akong i-s-surprise visit nitong ama ko?
“Dad.” frustrated na pagod na ewan na bati ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin. Nakatingin kasi siya sa labas. Dun sa may window. Hmm. Siguro kaya lang 'to pumupunta sa office ko eh para tingnan ang magandang view ng city sa labas. Tss.
Kinunutan niya ako ng noo.
“What happened to your tie, Son?”
Napayuko naman ako sa minurder kong necktie. Grabe, napansin pa talaga ni Dad 'yun. Nahiya naman ako.
“Hindi ba inayos ni Cas para sa'yo?” at talaga nga namang! Nang-aasar pa itong si Dad eh. Oh well, hindi pa nga pala niya alam na pinalayas ko na sa mansion ang Witch. Hmm. Oo na. Hindi ko na pinalayas. Kinuha na nung nanay at tatay niya. Sus. Ano namang paki ko doon?
Mas mabuti pa nga 'yun.
Pero teka... hindi pa nga ba alam ni Dad? Hmm.
Tiningnan ko lang siya. Tinatamad akong magsalita. Gutom pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
General FictionI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.