CHAPTER 13
- CASSANDRA -
“Oh, by the way... Musta kayo ni Ace? Nakailan kayo?”
Na-speechless ako sa tinanong ni Jennifer sa akin. OH GOD. Paano ko ba sasabihin sa kanya na mahal pa rin siya ni Ace at sobrang nagalit siya nung pinilit ko siyang magpakasal sa'kin? And woops! There's more. Kinasal kami pero hindi kami nagsisiping. May bonus pa, lagi niya akong sinasaktan sa maliliit na pagkakamaling nagagawa ko.
Paano ko 'yan masasabi sa best friend ko na siyang gumawa ng lahat para mapapunta sa akin si Ace? Baka ma-guilty 'yan sobra.
Hindi ko namalayang may luhang umalpas sa mga mata ko.
“Oh God... The plan... It didn't go well, did it?” mahinang tanong ni Jennifer sa akin. Tiningnan ko lang siya.
**Flashback
After nung incident sa bar nung isang gabi, naging instant magbestfriend kami nitong si Jennifer. Ewan nga. Ang kalog ng isang 'to eh. Pagkatapos niya kaming ipakilala ni Ace sa isa't isa eh bigla na lang hinila ang braso ko at hinigit ako palabas ng bar.
Humihingal pa rin ako nang tumigil na kami sa labas ng bar. Hinarap niya ako.
“Oh gosh. Sorry kung naging rude ako. Bigla ko na lang ikaw hinigit dito eh nakikipagkilala ka pa kay Ace. Ewan lang. Tinopak ako eh? Hehehe.” ang weird ng babaeng 'to. Naisip ko na lang.
“Tara uwi na tayo, hatid na kita sa inyo.” sabi niya sabay higit na naman sa akin patungo sa kotse niya. Ang gara. Fenk na fenk. Hindi naman halatang kikay ang isang 'to ano?
Napansin naman niyang nakatitig lang ako sa kotse niya kaya umiwas na ako ng tingin at sumakay na sa passenger seat.
“Cute ng car ko 'no? Actually, regalo 'to ni Ace eh.” cool na cool na sabi pa niya. Napamulaga na lang ako sa kanya.
“Are you...?” hindi ko matuloy 'yung itatanong ko. Nahihiya ako eh. Sabihin pa nito FC ako. Fried Chicken. Amp. Kpayn!
“Ace's girlfriend?” sabi niya habang itinataas ang magkabilang kilay. Ang cute niya. Kakainsecure. Hahaha. Joke.
“Nah... I'm not his girlfriend...” 'yun lang 'yung sabi niya at tumahimik na rin siya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero bakit kaya siya niregaluhan ni Ace ng kotse? Grabe, yaman naman nun.
Napatingin ulit ako kay Jennifer na busy pag-d-drive.
You must be really, really important to him.
Bumuntong hininga na lang ako at inilipat na ang tingin sa daan.
**
Monday, sa school. Nagulat ako nang biglang may umagapay sa akin sa paglalakad. Vacant hour ko ngayon kaya wala akong magawa, naglakad lakad na lang ako. Absent mga kaibigan ko eh. Kaibigan nga ba sila? Hmm.
“Hey bestie!” sabi niya. Napalingon na lang ako sa kanya.
“J-jennifer?”
Nag-pout siya. Awdee.
“Ouch. Jennifer lang ang tawag mo sa'kin? Samantalang ako bestie tawag ko sa'yo...”
Kumunot lang ang noo ko sa kanya. Hindi ko siya masyadong magets eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/4803086-288-k468860.jpg)
BINABASA MO ANG
Twisted Marriage (Published)
General FictionI forced him to marry me. Now I suffer the consequences of my choice.