LEXY's POV
Shocks! Mali 'to. Hindi rapat ako kinikilig sa boyfriend ng bestfriend ko na kapatid ng boyfriend ko. Saka nakaka-guilty dahil masama nga pala ang kalagayan ngayon ni Margie. Tatawagan ko nga siya.
OMG!
14 missed calls from Ethan. No. Hindi pwede 'to. Tatawagan ko si Margie.
Margie: Hello, Lexy.
Lexy: Hello, Margie.
Margie: Oh. Bakit napatawag ka?
Lexy: Bakit hindi mo sinabi sa akin na sinugod ka sa hospital kagabi? Kainis ka naman! Hindi ko pa malalaman kung hindi ako sinabay sa pag-uwi ni Ethan.
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko.
Margie: Sabay kayong umuwi ni Ethan?
Lexy: Ah... Oo. Oo, kasi hindi naman out of way 'yong bahay ko. Okay lang naman, 'di ba?
Sana okay lang. Sana okay lang. Please!
Tumawa si Margie.
Margie: Syempre okay lang, friendship. At saka mas okay nga na nagiging close kayo ni Ethan. Oh, 'di ba? Mas maganda na close din ang best friend at boyfriend ko.
Hay naku! Kung alam mo lang kung gaano ka-close kanina ang mga labi namin. Argh!
Lexy: Pero, wait. Bakit nga hindi mo sinabi sa akin?
Margie: Lexy, I don't want you to worry about me and besides pinayagan na rin naman ako agad makalabas kagabi. Nagpapahinga na ako rito sa bahay. Binabantayan ako ni Tita Riza. Maayos na nga ang pakiramdam ko, pero gusto nila Daddy at Mommy na huwag muna ako pumasok. Alam mo na. Overprotective masyado.
Lexy: Hindi man lang sinabi sa akin ni Mikel.
Margie: Because I told him not to.
Lexy: Margie, best friend mo ko. Dapat…
Margie: Dapat lahat ng bagay alam mo. Dapat alam mo kung nahihirapan o nasasaktan na ako. Kabisado ko na, Lexy. Huwag mo nang ipaalala, friendship. Okay. Sorry. Pero ayoko lang mag-worry ka rahil sa isang simpleng bagay. Nagsuka lang ako kagabi rahil sa ininom kong tubig. Hindi naman daw dahil sa nilutong food ni Daddy.
Lexy: Still…
Margie: I'm fine, Lexy.
Lexy: Okay. If you say so. Nakauwi na ba ang Kuya Mikel mo? Alam ko namang busy na siya nitong mga susunod na araw, kaya hindi ko muna iniistorbo.
Margie: Wala pa siya, eh. Pero pupunta si Ethan dito sa bahay mamaya para dalawin ako. Sweet niya, 'di ba?
Oo. Sweet nga siya. Pati labi niya ang tamis. Shocks! Kalma, Lexy!
Lexy: Oo naman. Sige, Margie. Talk to you later na lang para makapagpahinga ka muna. I love you, best friend.
Margie: I love you, Lexy.
----------
THIRD PERSON POV
Sa kwarto ni Margie sa loob ng mansyon ay kausap niya ang kanyang Tita Riza.
Margie: Tita, ano kaya kung magbakasyon tayo nitong darating na semestral break? Masaya siguro 'yon.
Riza: Oh. Gusto ko 'yan. Pero baka hindi makasama Mommy mo rahil busy siya sa work. What do you think?
Margie: Kung hindi makakasama si Mommy, baka hindi na sumama si Daddy. Ang lungkot naman.
Riza: Pipilitin ko ang Daddy mo. Madali lang naman mapilit ang Daddy mo, eh.
BINABASA MO ANG
Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)
General FictionSabi nila, mahirap makahanap ng taong totoong magmamahal sa atin. At marami rin ang nagsasabing mahina ang tao pagdating sa tukso. Sa buhay ng ating mga bidang sina LEXY, ETHAN, JOSHUA, MARGIE, at MIKEL, malalampasan nga ba nila ang mga pagsubok na...