KABANATA 33

237 5 0
                                    

THIRD PERSON POV

Napakunot ang noo ni Ethan habang nagmamaneho ng kanyang kotse nang marinig ang sinabi ng kanyang girlfriend na si Margie. Ayon kay Margie ay nag-dinner ito sa isang bagong bukas na restaurant noong nakaraang linggo kasama si Joshua, ang lalaking sinuntok ni Ethan noon dahil nalaman niyang gusto nitong ligawan si Margie kahit na ba alam nitong kasintahan na niya ang babae.

Humigpit ang pagkakakapit ng mga kamay ni Ethan sa manibela ng kotse at sa kanyang isipan ay muling bumalik ang hitsura ni Joshua matapos niya itong bigyan ng ilang suntok. Nang mga sandaling iyon ay parang gustong ulitin ni Ethan ang ginawa niyang pananakit kay Joshua dahil sa matinding selos na kanyang nararamdaman.

Ethan: Are you telling me you went out with Joshua without asking my permission? Huh, Margie?

Dahil sa selos na nararamdaman ni Ethan sa kaalamang kumain sa labas ang kanyang girlfriend kasama ang lalaking may gusto rito ay hindi niya namamalayang kay Margie na niya naibubuhos ang kanyang pagkainis.

Sandaling nilingon ni Ethan si Margie na nakaupo sa kanyang passenger seat at nakita niyang parang natigilan ito.

Nang ibalik ni Ethan ang kanyang atensyon sa pagmamaneho ay saka muling nagsalita si Margie.

Margie: Look, Ethan. I intended to tell you about it after namin mag-dinner ni Joshua pero nawala na sa isipan ko when I came home. Hanggang sa nakalimutan ko na. Naalala ko na lang ngayon---

Hindi na natapos ni Margie ang sinasabi nito dahil biglang nagsalita si Ethan.

Ethan: Naalala mo ngayon dahil si Joshua ang laman ng isipan mo habang ako ang kasama mo. Ganoon ba, Margie?

Nag-iigting ang panga ni Ethan nang muling lingunin si Margie bago ibinalik sa daan ang kanyang tingin.

Muling natigilan si Margie dahil sa sinabi ni Ethan at ngayon ay nakaharap na ito sa lalaking nagmamaneho sa tabi nito. Hindi maintindihan ni Margie kung bakit parang batang nagmamaktol si Ethan ngayon.

Totoo namang nakalimutan na ni Margie ang tungkol sa naging dinner nila ni Joshua sa isang bagong bukas na restaurant noong nakaraang linggo at ngayon ay naalala nito iyon dahil nadaanan nila ni Ethan ang nasabing restaurant habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang bahay.

Walang intensyon si Margie na ilihim iyon kay Ethan dahil para rito ay wala naman silang ginawang masama ni Joshua. Kumain lang sila as friends. Pero kung umakto si Ethan sa harapan nito ngayon ay para bang may napakalaking kasalanang nagawa si Margie.

Margie: Ethan, listen. I remembered about the dinner because we passed by the said restaurant.

Umiling-iling si Ethan ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Margie.

Margie: I had no intention to keep it from you. Cause in the first place I don't see anything wrong eating with a friend.

Nakakalokong tumawa si Ethan na ikinataas ng isang kilay ng kanyang girlfriend.

Ethan: With a friend. Wow.

Pumalatak pa si Ethan na hindi ikinatuwa ni Margie.

Ethan: He might be a friend for you, but how about Joshua? Huh, Margie?

Kitang-kita ni Margie ang pagtalim ng mga mata ni Ethan nang sandaling lumingon dito ang kasintahan.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Margie ang pagtiim-bagang ni Ethan at ang lalong humihigpit na kapit ni Ethan sa manibela ng sasakyan.

Ethan: Have you already forgotten how that bastard tried to court you even though he knows you already have a boyfriend? Tapos malalaman kong nakipag-dinner ka kasama ang lalaking 'yon.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon