KABANATA 34

202 3 0
                                    

MARGIE's POV

Narito kami ng aking best friend na si Lexy sa loob ng aking kwarto ngayon dahil dito ko siya dinala pagkatapos ng kanya-kanya naming klase nang sabihin niya sa akin na gusto niyang mag-usap kaming dalawa. Noong una ay ayaw pa niya dahil nahihiya raw siyang muling tumuntong sa aming bahay dahil sa naging break-up nila ni Kuya Mikel.

Noong huling beses na nagkita kaming dalawa ni Lexy sa university na aming pinapasukan ay parang wala siya sa kanyang sarili. Pagkatapos niyon ay nagkasunud-sunod na ang mga nangyari sa aming buhay.

Nabalitaan kong nagkahiwalay sina Lexy at ang aking kapatid. Then this certain schoolmate of mine, Clint, exposed my brother's secret just before he came out to us, his family.

Sinabi rin ni Kuya Mikel sa aming pamilya nito that Lexy cheated on him multiple times with different guys. I really don't tolerate cheating kaya medyo nasaktan ako when I found out what my best friend did to my brother.

Pero naisip ko ring may kasalanan ang aking kapatid kay Lexy dahil sa pagtatago nito ng totoong pagkatao nito mula sa aking best friend. Kaya naman pumayag din akong makipag-usap kay Lexy ngayon dahil gusto kong malinawan kung bakit nagawa niyang lokohin ang aking kapatid.

Maliban doon ay gusto ko ring may mapaglabasan ng sama ng loob tungkol sa nangyari sa pagitan naming dalawa ng aking boyfriend na si Ethan noong nakaraan. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang aking loob dahil sa mga sinabi nito sa akin.

Totoo naman ang aking sinabi kay Ethan na kaibigan lamang ang turing ko kay Joshua. Mahal ko si Ethan bilang aking boyfriend at nirerespeto ko ang relasyon naming dalawa.

Ngunit hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na posibleng humanga ako sa isang katulad ni Joshua kung wala lamang akong karelasyon ngayon. Mabait ito at masayang kausap. May substance kung magsalita at maalalahanin pa.

Bihira lamang na makita ang ganoong qualities sa isang lalaki. Kaya sigurado ako na kung sinuman ang magiging girlfriend ni Joshua ay magiging masuwerte rito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Ethan mula nang magkaroon kaming dalawa ng hindi pagkakaintindihan kagabi. Hindi ko ito tinatawagan at ganoon din ito sa akin.

Pakiramdam ko ay parang nag-overthink si Ethan sa nalaman nitong pakikipag-dinner ko kay Joshua. Maaaring muli itong nagselos maliban pa sa hindi ko agad nasabi rito ang tungkol doon.

But I don't think it warranted some lewd accusations from him. I'm not that kind of woman.

Masamang-masama pa rin ang aking loob kay Ethan nang mga sandaling iyon nang marinig kong tumikhim si Lexy sa aking harapan.

Agad akong nag-angat ng ulo at tumingin kay Lexy. Magkaharap kaming dalawa rito sa ibabaw ng aking kama and we're sitting Indian style.

Nakita kong nakakunot ang noo ni Lexy.

Lexy: May problema ka ba, friendship?

Muli akong yumuko at malungkot na tumitig sa duvet ng aking kama.

Malalim akong nagbuntung-hininga bago muling hinarap si Lexy at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari aming dalawa ni Ethan kagabi.

Habang nagkukwento ako ay ibinaling ni Lexy sa ibang direksyon sa loob ng aking kwarto ang kanyang paningin ngunit patuloy pa rin siyang tumatango para ipakitang naiintindihan niya ang aking mga sinasabi.

Margie: Ang sakit lang because I had never imagined Ethan would say those things to me. He disrespected me as a woman in a way.

Hindi ko namalayang may tumutulo na palang mga luha sa aking magkabilang pisngi habang nagkukwento kay Lexy.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon