KABANATA 12

2.4K 9 0
                                    

THIRD PERSON POV

Mabilis na kumilos sina Hector at Riza para ayusin ang kanilang sarili nang marinig nila ang boses ni Raquel mula sa labas ng pinto ng kwarto. Sinuot nilang muli ang mga hinubad na saplot. Mabilis na pumasok sa loob ng malaking closet ng guest bedroom si Hector.

Binuksan naman ni Riza ang pinto at umaktong nagising sa sigaw ni Raquel. Humikab pa ito para mas kapani-paniwala.

Riza: Oh, Ate Raquel. Bakit? Hinahanap mo ba si Kuya Hector? Wala siya rito.

Sumilip pa sa loob ng kwarto si Raquel.

Raquel: Naalimpungatan kasi ako. Pagkagising ko ay wala si Hector sa tabi ko. Pinuntahan ko sa kwarto ng mga bata, pero wala roon. Si Mikel ay hindi pa umuuwi.

Riza: Alam mo naman si Mikel, maraming inaasikaso sa university. Baka roon na nagpalipas ng gabi sa isa sa mga kaklase niya?

Raquel: Tatawagan ko na lang siya. Sige, Riza. Baka nasa kusina si Hector at nauhaw lang? Pasensya at nagising pa kita.

Riza: Okay lang, Ate. Ako nga 'yong dapat magpasalamat at pinayagan niyo akong tumira rito sa bahay ninyo habang nagbabakasyon sa Pilipinas. Alam naman nating...

Pinatigil ni Raquel sa pagsasalita si Riza sa pamamagitan ng pagdikit ng hintuturo nito sa labi nito.

Raquel: Wala na 'yon, Riza. Pamilya tayo. At saka matagal nang tapos 'yon. Noong nagbalik ka rito sa Pilipinas dati ay binura ko na ang lahat ng malulungkot na alaala sa isip ko noong hindi tayo masyadong magkasundo. Mahal kita bilang kapatid, Riza.

Riza: Salamat, Ate Raquel. Salamat.

Nagyakap ang magkapatid at muling isinara ni Riza ang pinto ng guest bedroom.

----------

Sa kwarto nina Raquel at Hector ay nakabalik na ang lalaki mula sa silid na inookupa ni Riza.

Raquel: Oh, hon. Nandito ka na pala. Nagpunta ako sa kusina para hanapin ka.

Hector: Nanggaling ako ng garage. May kinuha lang ako sa kotse.

Raquel: Ah. Okay.

Pahiga na si Raquel nang may maalalang sabihin kay Hector.

Raquel: Ahm, Hector. Gusto mo bang magbakasyon kasama ang mga bata at si Riza?

Nasa hitsura ni Hector na parang ayaw nitong pumayag. Pero pumayag din sa huli.

Raquel: Aayusin ko ang schedule ko, Hector. Matagal na rin simula nang huli tayong magbakasyon. Ang tanong na lang ay kung hindi ba mahihirapan sina Margie at Mikel sa klase kapag nawala sila ng one week.

Hector: Sabihan natin sila bukas. Matulog na tayo, hon.

Hinalikan ni Hector sa pisngi ang asawang si Raquel.

Papikit na si Hector nang mag-vibrate ang phone nito at makatanggap ng text message mula kay Riza.

"Thank you for the treat, Hector. Iba talaga ang bibig mo. Next time babawi ako sa 'yo."

Mabilis na nag-reply si Hector.

"Irereserba ko ang gatas ko para sa 'yo."

----------

LEXY's POV

Lexy: Buti na lang at wala na akong klase sa hapon, Ethan. Kasi kung mayroon pa ay hindi kita masasamahan dito sa mall ngayon.

Grabe! Magkasama na naman kami ni Ethan at bumabalik na naman ang guilt sa akin noong huli kaming magkita. When I kissed him on the lips. Simula nang gabing 'yon ay hindi na mawaglit sa isip ko ang mga masasarap na labi ni Ethan sa labi ko. Medyo nawawala na nga sa isip ko ang pagnanasa kay Tito Hector.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon