KABANATA 17

1.8K 11 0
                                    

LEXY's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Margie. Birthday ni Tito Hector at syempre invited ako rahil sa aking best friend. Kung ako ang masusunod ay hindi ako pupunta sa party na ito rahil ayokong makita si Ethan.

Nitong mga nakalipas na araw ay ginugulo niya ang sistema ko. Noong una ko siyang makita ay alam kong simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya na napunta sa attraction. Noong gabing hinalikan ko siya ay nakaramdam ako ng kakaibang bagay. Bagay na hindi ko naramdaman kay Mikel.

Ngayon ay nagdududa na ako kung mahal ko ba talaga si Mikel o hindi. Lalo na ngayong mga nakalipas na araw na hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Mikel. Lagi niyang sinasabi na busy siya sa studies niya. Sinabi niya rating may sasabihin siya sa akin pero hindi naman niya ako kinakausap hanggang ngayon. Puro text greeting lang ang mga natatanggap ko mula sa kanya.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit pumayag akong um-attend sa birthday party para kay Tito Hector. Para makausap si Mikel. Gusto kong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

Isa pa itong si Ethan. 'Yong araw na rapat ay magkikita kami sa mall ay sinabi niyang next time na lang niyang sasabihin 'yong gusto niyang sabihin. Kinakabahan ako pero gusto ko ring malaman.

Isa pang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa bahay nina Margie ay dahil gusto kong makausap si Tito Hector. Alam kong may mali noong araw ng kaarawan ni Joshua. Sigurado ako sa nakita kong si Tita Riza ang nasa bahay nina Joshua. Alam kong may kinalaman doon si Tito Hector. Gusto kong malaman ang kaugnayan ni Tita Riza sa aking kinakapatid.

Nilapitan ko si Margie na kausap ang nobyong si Ethan. Grabe! Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Bagay na bagay sa kanya. Bagay na bagay din sila ni Margie. Gwapo at maganda. Alam kong nakararamdam ako ng selos pero hindi ko rapat ipahalata sa kanila. Hindi tamang magkagusto ako sa boyfriend ng best friend ko.

Lexy: Where's your Dad, Margie? Gusto ko sana siyang i-greet dahil birthday niya.

Margie: Hindi pa siya dumarating, Lexy. Pero pauwi na siya. Ini-entertain muna nina Mommy at Tita Riza ang mga bisita habang hinihintay dumating si Daddy.

Napatango-tango ako.

Lexy: Ah. Okay. Si Mikel, nasaan siya?

Margie: Pababa na rin 'yon. Busy lang sa projects niya.

Lexy: Sige. Pupuntahan ko lang siya. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap.

Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Ethan, pero binalewala ko iyon. Paakyat na ako sa hagdan nang pigilan niya ako sa aking siko.

Ethan: Uhm, Lexy, can we talk in private?

Tumingin ako sa kamay ni Ethan na nakakapit sa aking siko. Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong sistema ko. Mabilis kong binawi ang aking siko mula sa kanyang pagkakahawak.

Nagulat si Margie sa ginawa ko.

Lexy: I'm sorry. Na-nabigla lang ako.

Shocks! Bakit ako nauutal?

Margie: Are you okay, Lexy?

Nag-aalalang tumingin sa akin si Margie.

Lexy: Uhm… Yeah. Yeah. I'm fine.

Napalingon si Margie kay Ethan.

Margie: Ano ang sasabihin mo kay Lexy, babe? Kailangan bang kayong dalawa lang? Is it really important that needs to be discussed privately?

Napahawak si Ethan sa kanyang batok.

Ethan: I'm sorry, babe. I don't want to be rude. Pero sasabihin ko rin sa 'yo once masabi ko na kay Lexy.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon