KABANATA 26

926 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Masama ang tinging ipinupukol ni Monique sa nakababatang kapatid na si Lovelle.

Hindi pa rin matanggap ni Monique ang mga ipinagtapat ni Lovelle sa kanya nang nagdaang gabi.

Umiibig si Lovelle kay Hector Samaniego, ang lalaking asawa ni Raquel.

Si Raquel na siyang sinisisi ni Monique kung bakit hindi naging maayos ang pagsasama ng kanyang mga magulang.

Napalingon sa grand staircase ng kanilang malaking bahay si Monique nang mahagip ng kanyang peripheral vision ang pagbaba ng kanilang ama roon.

Si Santiago Corvejal, ang ama nina Monique at Lovelle Corvejal. Nagmamay-ari ng isang malaking hospital.

Ang asawa ni Santiago na si Nieves ay ilang taon nang pumanaw. Napangasawa ni Santiago si Nieves ayon na rin sa kagustuhan ng kanilang mga magulang.

Gustong tumanggi ni Santiago sa arranged marriage na ginawa ng mga magulang nito at ng mga magulang ni Nieves ngunit hindi inaasahang nabuntis ni Santiago si Nieves isang gabi nang pareho silang malasing at madala ng init ng kanilang mga katawan.

May ibang iniibig si Santiago. Si Raquel Sobreviano.

Nakilala ni Santiago si Raquel dahil sa kaibigan ng lalaki na si Riza na adopted sister ni Raquel.

Naging magkaibigan sina Santiago at Riza rahil matalik na kaibigan ni Santiago si Renato, ang masugid na manliligaw ni Riza noon.

Magkaklase sa High School sina Santiago at Renato at naging malapit na magkaibigan sa kabila ng malaking agwat ng kanilang estado sa buhay. Galing sa mayamang pamilya si Santiago samantalang mula naman sa isang kahig at isang tukang pamilya si Renato.

Nakapag-aral si Renato sa High School na pinapasukan ni Santiago rahil sa academic scholarship nito.

Pagka-graduate ng High School ay mas pinili ni Renato ang magtrabaho sa factory na pagmamay-ari ng pamilyang umampon kay Riza. Doon sa pabrika nagkakilala sina Riza at Renato nang minsang bisitahin ni Riza ang adaptive father nito sa pabrika.

Lihim ang naging relasyon nina Riza at Renato sa kanilang mga magulang. Alam ni Riza na hindi matatanggap ng mga magulang nito na mayroon na itong kasintahan habang nag-aaral pa sa College.

Sa bawat patagong paglabas-labas nina Riza at Renato ay laging kasama ang matalik na kaibigan ni Renato na si Santiago.

Si Santiago ang naisip ni Renato na pwedeng maging alibi kung sakaling mahuhuling magkasama ng mga nakakakilala sa kanila sina Renato at Riza.

Hanggang sa isang araw ay magkasamang lumabas sina Riza at Renato nang hindi kasama si Santiago. Pumunta sila sa isang fast food chain kung saan nahuli silang magkasama ng adopted sister ni Riza na si Raquel.

Nakiusap si Riza kay Raquel na huwag magsusumbong sa kanilang mga magulang. Nagdalawang-isip pa si Raquel kaya naman agad na pinapunta ni Riza sa fast food chain na iyon si Santiago at ipinakilala ang kapatid dito.

Alam ni Riza kung ano ang tipo ng lalaki ni Raquel kaya sigurado itong magugustuhan ni Raquel si Santiago. At hindi ito nagkamali. Nagkapalagayan ng loob sina Santiago at Raquel at hindi na rin binanggit ni Raquel sa magulang nila ni Riza ang tungkol sa lihim na relasyon nina Riza at Renato.

Naging magkasintahan sina Santiago at Raquel ngunit inilihim nila ito sa kanilang mga magulang dahil pareho pa silang estudyante ng mga panahong iyon at pareho nilang alam ang pagiging istrikto ng mga magulang ni Raquel.

Nang maka-graduate si Santiago ng College ay Second Year College naman si Raquel. Dito na ipinagkasundo si Santiago ng mga magulang nito kay Nieves na unica hija ng mga matalik na kaibigan ng mga magulang ni Santiago.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon