KABANATA 30

452 2 0
                                    

THIRD PERSON POV

Umiiyak si Mikel habang pinapanood ng kanyang mga magulang na sina Hector at Raquel ang ipinasang video ni Clint sa mga ito.

Kitang-kita sa video na iyon kung paanong isinusubo ni Mikel sa kanyang bibig ang malaking alaga ni Clint. Halata sa ekspresyon ng mukha ni Mikel sa video na nasisiyahan siya habang ginagawa ang bagay na iyon kay Clint.

Matapos ang opisyal na paghihiwalay nina Mikel at Lexy ay agad na binanggit ni Lexy kay Mikel ang sinabi rito ni Clint. Sinabi ni Lexy kay Mikel na ipapasa ni Clint sa mga magulang ni Mikel ang video na sumusubo siya ng sawa sa pagitan ng mga hita ng lalaki kapag hindi ibinigay ni Mikel kay Clint ang hinihinging pera nito.

Nang marinig ni Mikel iyon mula kay Lexy ay nag-alala siya ngunit naisip niyang iyon na siguro ang tamang pagkakataon para ipagtapat niya sa kanyang mga magulang ang kanyang totoong pagkatao.

Naisip ni Mikel na ngayong alam na ng kanyang ex-girlfriend na si Lexy at ng boyfriend ng kanyang kapatid ang kanyang totoong pagkatao, wala nang dahilan para magpanggap pa siya.

Naisip ni Mikel na iyon na siguro ang tamang oras para palayain niya ang kanyang sarili. Para palayain ang totoong siya.

Sinabi iyon ni Mikel kay Lexy at sinabi nitong susuportahan siya. Binanggit din ni Mikel kay Ethan ang kanyang plano at sinabi nitong nakasuporta ito sa kanya.

Dahil sa suporta nina Lexy at Ethan ay lalong lumakas ang loob ni Mikel na iladlad ang kanyang totoong pagkatao sa kanyang mga magulang at kapatid.

Kaya naman tinawagan ni Mikel si Clint kaninang umaga para lakas-loob na makipaghiwalay dito at sabihing wala na itong mahuhuthot na pera mula sa kanya.

Tulad nang inaasahan ay galit na galit si Clint kay Mikel at binantaan siya nitong pagsisisihan niya ang ginawang pakikipaghiwalay dito.

Ngayong gabi nga ang nakatakdang pagtatapat ni Mikel sa kanyang mga magulang at kapatid tungkol sa kanyang totoong pagkatao ngunit bago pa siya makapagsalita ay nakatanggap na ang kanyang mga magulang ng video mula kay Clint.

Kitang-kita ni Mikel ang pagkagulat sa mukha ng kanyang inang si Raquel habang pinapanood ang malaswang video sa phone nito. Nanlalaki ang mga mata ni Raquel at himdi ito makapagsalita.

Nang tingnan ni Mikel ang kanyang amang si Hector ay nakita niya ang pagtiim-bagang nito. Halata sa mukha ni Hector ang pagkadismaya at kung hindi nagkakamali si Mikel ay nakita niya ang pandidiri sa mga mata nito.

Nakita ni Mikel na nakisilip ang kanyang kapatid na si Margie sa phone ng kanilang ina at dinig na dinig ni Mikel ang malakas na pagsinghap ng kanyang kapatid habang pinapanood ang video.

Agad na iniwas ni Margie ang paningin nito mula sa screen ng phone ng kanilang ina at tiningnan si Mikel. Iniwasan ni Mikel ang tingin ni Margie at yumuko.

Doon nagsimulang umiyak si Mikel. Inaasahan naman na ni Mikel ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag nalaman ng mga ito ang kanyang inililihim mula sa mga ito pero masakit pa rin pala kapag nakikita na niya sa kanyang mismong harapan ang reaksyon ng mga ito.

Nakita ni Mikel na nakikinood na rin ang kanyang tita na si Riza sa screen ng phone ng kanyang ina at katulad ng kanyang ina ay gulat na gulat din ang ekspresyon ng mukha nito.

Kahit hilam ng luha ang kanyang mga mata ay malinaw pa rin sa paningin ni Mikel kung paano siyang tinitigan ng kanyang Tita Riza. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala at simpatya.

Nagulat si Mikel nang bigla siyang lapitan at tabihan ng kanyang Tita Riza sa kanyang kinauupuan at yakapin.

Dahil sa malapit si Mikel sa kanyang Tita Riza ay hindi na bago sa kanya ang ginawa nitong pagyakap sa kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay parang kakaiba ang yakap ng kanyang tita sa kanya.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon