KABANATA 11

2.6K 12 4
                                    

HECTOR's POV

Balita ko marami raw nag-aabang sa inyo ng POV ko, ah. May pagnanasa ba kayo sa akin? Paano ba 'yan? Taken na ako. Hanggang pantasya na lang kayo. Well, ito na 'yong inaabangan niyong POV ko.

Nitong mga nakalipas na araw, ang daming nangyaring mga interesadong bagay sa buhay ko at ng pamilya ko. Nandiyan 'yong bigla na lang nagkasakit ang anak kong si Margie. Bigla na lang siyang nagsuka sa hindi ko malamang dahilan. Pero ako ang nagluto kagabi kaya hindi ko alam kung anong mali sa pagkaing inihain ko. Buti na lang at umayos na ang pakiramdam ng aking unica hija.

Isa pa talagang hindi ko inaasahan at talaga namang ikinagulat ko ay ang pagpapakita ng interes sa akin ng best friend ng anak kong si Margie. Si Lexy. Isipin niyo, ah. Inakit ako sa mismong bahay ko kung saan kasama ko ang pamilya ko.

Pero nakakatawa ang paraan niya ng pang-aakit. Hindi pa siguro siya sanay sa game of seduction. Masyado siyang aggressive. Well, maganda naman siya at sexy pero ayoko nang dagdagan ng isa pang pasanin ang buhay ko. Okay na ang isang kabit.

Oo. May kabit ako. Kabit ko ang maganda at sobrang sexy at hot na kapatid ng asawa ko. Si Riza. Actually adopted sister. Inampon ng mga magulang ni Raquel si Riza mula sa bahay-ampunan.

Gustong magkaroon ng anak na lalaki ng mga magulang ni Raquel, pero wala ng kakayahan pang magbuntis muli ang ina ni Raquel matapos siyang maipanganak. Magiging mahirap sa ina ni Raquel kung magbubuntis muli ito. Kaya naman ay minabuti na lang ng mga biyenan ko ang mag-ampon.

Ngunit naiba ang plano nilang mag-ampon ng lalaki nang makita nila ang malungkot at umiiyak na batang Riza sa bahay-ampunan. Naiinggit ito sa mga batang inaampon ng mga mayayamang pamilya. Gusto rin nitong magkaroon ng sariling pamilya. Nahabag ang mga biyenan ko sa batang Riza kaya ito ang napili nilang ampunin.

Ngunit habang lumalaki si Riza ay inggit ang namamahay sa puso nito para kay Raquel. Naiinggit si Riza rahil mas paborito si Raquel ng aking mga biyenan. Hindi nauunawaan ni Riza ang sitwasyon. Kaya hanggang lumaki sila ay hindi nagkasundo ang magkapatid.

Nang mag-abroad si Riza para roon magtrabaho, hindi na ito kailanman nagparamdam sa pamilya ng aking asawa na ikinalungkot nila. Nang maikasal kami ni Raquel ay hindi ito nakarating.

Lumipas ang maraming taon nang magbalik si Riza sa Pilipinas. Out of nowhere ay naisipan nitong makipaglapit kay Raquel na hindi naman pinagdudahan ng mabait kong asawa na nangungulila sa kanyang kapatid. Dalawang taon na ang nakararaan nang una kaming magkita sa personal ni Riza. Nang mga panahong namalagi ito rito sa Pilipinas ay madalas ang pagbisita nito sa amin. Lagi nitong kinukumusta ang mga pamangkin. Nang mga panahong ding iyon nang simulan nito akong akitin. Pang-aakit na ginawa nito sa likod ng aking asawa at mga anak.

At nagtagumpay ito sa pang-aakit sa akin. Nailabas nito ang itinatago kong halimaw sa sistema ko pagdating sa kama. Hindi ko naman 'yon pinagsisihan dahil labis ang kasiyahan ko sa tuwing nagtatalik kami ni Riza. Hanggang bumalik muli ito sa ibang bansa.

Nagpatuloy ang aming komunikasyon kahit wala na ito sa Pilipinas. Patuloy kong niloloko ang asawa ko kasama ang adopted sister niya. Pero hindi ako nakaramdam ng guilt dahil hindi ko kailanman minahal si Raquel. Pinikot lamang niya ako kaya ako napilitang magpakasal sa kanya. Hindi na rin masama rahil nakikinabang ako sa yaman ng pamilya ng asawa ko.

Isa lang naman akong hamak na kargador dati nang makilala ko si Raquel sa isang fast food chain. Nagkabungguan kami hanggang sa magkapalitan ng number.

Wala naman akong balak na seryosohin siya. Gusto ko lang paglaruan dahil first time kong magkasyota ng big time. Kaso may balak pala siya sa 'kin. Nilasing ako at 'yon na nga, hubo't hubad kami nang magising ako. Pinilit ako ng mga magulang niya na pakasalan siya. Umangal ako noong una, pero naisip ko na mapapakinabangan ko ang mga hinayupak dahil mayaman sila.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon