KABANATA 32

283 3 2
                                    

THIRD PERSON POV

Nagbunyi ang kalooban ni Riza nang malamang ipina-cancel muna ni Raquel ang pakikipag-meet nito at ng asawa nitong si Hector sa ina ng boyfriend ng kanyang pamangking si Margie rahil tutulong daw ang kanyang kapatid sa pag-aasikaso sa pagpapalibing sa isa sa mga empleyado ng kanilang kompanya. May oras pa siya para mapigilan ang muling paghaharap ni Hector at ng kanyang kaibigang si Dorothy.

Dahil pumalpak ang plano ni Riza na maakit ang boyfriend ni Margie na si Ethan para sana palabasing hindi seryoso ang lalaki sa pakikipagrelasyon sa kanyang pamangkin, kinakailangan ni Riza na makaisip ng bagong plano kung paanong masisira ang relasyon nina Margie at Ethan para hindi na maugnay pa ang kanyang kaibigang si Dorothy sa lalaking dating nanakit dito hindi lamang isang beses kundi dalawang beses.

Para kay Riza ay hindi na rapat muling magkita sina Hector at Dorothy para hindi na muling bumalik ang sakit ng kahapon sa puso ng kanyang kaibigan lalo na at nakikita niyang masaya na ito sa piling ng bago nitong pamilya, ang stepson nitong si Ethan.

Ngunit wala pang naiisip na bagong plano si Riza kung paanong paghihiwalayin ang magkasintahang Margie at Ethan. Ang isa pa niyang naiisip na paraan ay ang personal na kausapin si Dorothy pero paano niya iyon gagawin gayong ilang taon siyang hindi nagpakita rito matapos ipamigay sa ibang tao ang anak nito kay Hector.

Paano aaminin ni Riza kay Dorothy na ang totoo nitong anak na iniutos nitong bawiin niya mula kay Hector ay hindi niya ibinalik dito at bagkus ay ipinaampon pa niya sa kilala niyang mag-asawang walang kakayahang magkaanak para lamang gantihan si Hector sa ginawa nitong pananakit sa kanyang kaibigang itinuturing na rin niyang kapatid na si Dorothy?

Paano sasabihin ni Riza sa kaibigang si Dorothy na hindi maganda ang kanyang pagtrato sa anak nito sa simula pa lamang hanggang ngayong binata na ito?

Nang maisagawa na ng kaibigan ni Riza na si Santiago ang kanilang planong ang kanyang anak na si baby Kevin ang makikilalang panganay na anak nina Raquel at Hector ay agad na ibinigay sa kanya ni Santiago ang anak nina Hector at Dorothy na si baby Jeremiah.

Dahil sa mga sakit ng kalooban na idinulot ni Hector sa kaibigan ni Riza na si Dorothy kaya naman naisip ni Riza na gantihan si Hector. Para kay Riza ay hindi deserved ng kanyang kaibigan ang magkaroon ng anak mula sa lalaking katulad ni Hector na walang kapantay ang kasamaan.

Kaya naman agad na nagpunta si Riza sa bahay ng kakilala niyang mag-asawang hindi magkaanak para ipaampon sa mga ito si baby Jeremiah. Sinabi ni Riza sa mag-asawa na siya ang ina ni baby Jeremiah ngunit dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi nila kaya ng kanyang live-in partner na si Renato ang palakihin ang bata.

Sa una ay nag-alangan pa ang mag-asawa ngunit sa huli ay napahinuhod din sila ni Riza nang magmakaawa siya sa mga ito at mangakong hindi niya kailanman guguluhin ang kanilang buhay at hindi malalaman ng bata na siya ang ina nito. Iniwan na rin niya sa mag-asawa ang kanyang mga dalang gamit ni baby Kevin na kanyang dinala nang maglayas siya sa inuupahang bahay nila ni Renato.

Nang binalikan ni Riza si Dorothy sa bahay nito nang araw na iyon ay wala na roon ang kanyang kaibigan. Labis na nag-alala si Riza para kay Dorothy. Ilang araw niya itong sinubukang hanapin ngunit nabigo siyang makita ito.

Dahil nga umalis si Riza sa inuupahang bahay nila ni Renato kaya roon muna siya tumira sa bahay ni Dorothy habang hindi pa niya nakikita ang kaibigan. Umasa siyang babalik ito sa bahay nito makalipas ang ilang araw. Gusto sana niyang i-report sa pulisya ang pagkawala nito ngunit nangamba si Riza na baka kapag nagkaroon ng imbestigasyon ay malaman ang kanyang mga ginawa sa mga sanggol na sina baby Kevin at baby Jeremiah.

Nang sumuko na si Riza sa paghahanap kay Dorothy ay bumalik siya sa inuupahan nilang bahay ni Renato at sinabi niya ritong nawawala ang kanilang anak at hindi niya alam kung saan hahanapin. Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Riza nang hindi siya sinaktan ng labis ni Renato rahil sa pagkawala ng kanilang anak.

Pagtutuos Ng Libog (Libog O Pag-ibig?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon