🥀CHAPTER 2🥀

9K 176 1
                                    

Ngumiti siya ng sarkastiko dahil sa sagot ko.

“Hindi lang naman ako ang makitid rito pati din naman ikaw? Because—”

“Rose?” napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Napakunot noo ako at nagulat nang patakbo siyang lumapit sakin.

“God! It's you, I miss you so much Rosas!” natuod ako nang mahigpit niya akong niyakap, napakunot noo si Trez sa harap namin at napatingin ng masama sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

Napatitig ako kay Lucas nang hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinitigan rin.

“I didn't recognize you, you look more beautiful. Bagay na bagay sayo ang panglalaking gupit”

“L-Lucas” ngumiti siya sakin at pinakawalan na rin ako sa wakas dahil nakaramdam ako ng pagkailang sa mga titig ni Trez.

“Umuwi ako sa Province pero wala ka doon, I'm glad I found you here” nabigla nalang ako nang hinila ako ni Trez at hinapit sa baywang.

“Excuse us? May pag-uusapan pa kami” malamig na sabi niya at nagkatitigan sila ni Lucas.

“Wait” nagulat din ako nang hinawakan niya ako sa braso.

“Don't touch my wife or else I will break your bones” agad niyang tinanggal ang kamay niya sa braso ko nang sinabi 'yon ni Trez sa kaniya.

“Wife? Rosas may asawa kana?”
Inalis ko ang braso niya na nakapulupot sa baywang ko dahil sa inis ngunit mas lalo itong humigpit.

“Lucas, mag-usap nalang tayo sa__”

“Let's go, walang usap na mangyayari” malamig na sabi niya.

Agad niya akong hinila at napapatingin na ang iilang staff ng hospital sa amin. Agad ko siyang tinulak nang makalampas kami sa corridor. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ganoon rin siya sakin.

“Kaya pala gusto mo ng annulment dahil sa lalake mo?”

Sinalubong ko ang tingin niya at inirapan ko siya dahil sa inis na nararamdaman ko para sa kaniya kanina pa. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil kanina pa ako napipikon sa kaniya.

Ang sarap niya nang sapakin at kanina niya pa ako binubwesit! Tinalikuran ko siya at akmang aalis na ako nang hilahin niya ulit ang braso ko.

“Ano ba? Tigilan mo na ako pwede? Wala ka bang makausap? Bitawan mo ako dahil kailangan ko ng umuwi!”

“You! Ikaw ang kausap ko kaya sagutin mo ako, kaya ba't gustong-gusto mong magfile ng annulment dahil kunwari you're a lesbian pero ang totoo may lalaki ka” malakas kong hinila ang braso ko mula sa kaniya at kwenilyuhan ko siya dahil parang sasabog na ako dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

“How dare you? Para sabihin ko sayo Trez Kulton wala kang pakialam kahit makipaghiwalay ako sayo dahil sa isang lalaki. Kasal tayo sa papel at hanggang doon lang 'yon!” nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang niya ako hinapit kaya nawalan ako ng balanse at napayakap sa kaniya.

Sobrang lapit ng mga mukha namin, at mataman niya akong tinitigan.

“Yes I know, kaya dapat bukas na bukas dala mo na ang 71% na bayad sa debt ng mga magulang mo dahil nasa akin na ang annulment paper. In total of Twenty-one Million pesos, at kapag wala kang dalang pera bukas wala nang annulment na mangyayari” malamig na sabi niya at bigla akong pinakawalan.

Naikuyom ko ang mga palad ko habang tinitigan siya habang naglalakad paalis. Ang sarap niyang batuhin sa likod, iniipit niya ako sa sitwasyon. Marahil nais niyang magdusa ako at gantihan kaya't isang araw lang ang binigay niya upang bayaran ang ganoong halaga.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon