🥀CHAPTER 8🥀

7.5K 146 1
                                    

"Trez, akala ko ba nakaalis ka na wala ka kasi sa office mo at naghihintay na si Mr Dornan para sa meeting niyo" bungad ng isang blonde hair na babae na nakasalubong namin sa labas ng office niya.

At feeling ko mataas ang posisyon niya rito sa company o maybe may shares siya rito. Saglit siyang napatingin sakin at ganoon din ako sa kaniya. Bigla na  lang siya nagtaas ng kilay dahil hindi ako kumurap habang nakatitig sa kaniya. Dahil sa inis na nararamdaman ko nang gawin niya 'yon ay tinaasan ko rin siya ng kilay.

"I know, kaya nga papaalis na ako. Clarisse, my car key please" tumigil siya sa isang desk at binigay naman sa kaniya ng babae ang susi na hinihingi niya.

"And where have you been Trez? Wala ka kanina sa loob ng office mo" ulit na tanong niya. Sarap din bigwasan ng babaeng ito. Does she have need to know if where did he go?

Kung sasabihin ko bang nagsex kami sa loob ng isang silid titigil na ba siya at hayaan na kaming makaalis? Nagmamadali ako eh! At nakakainis din itong lalaking ito dahil ayaw niyang ibigay sakin ang susi ng kotse ko!

"We'll talk again Celine, I'm in hurry and pakihanda ang buong board. Tell them, we will have a meeting before 5pm."

Kaagad akong tumalikod at napairap sa kawalan, pinindot ko ang controller at kaagad na pumasok ng elevator. Sumunod din siya sakin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Akin na ang susi ko" inis kong sabi dahil kanina pa siya, ayaw niya itong ibigay sa akin.

"Oh, I almost forgot, here" napatingala ako sa kaniya dahil hindi naman niya kailangang lumapit sa akin ng ganito kalapit. Kaagad kong kinuha ang susi na hawak niya ngunit nabigla ako nang mabilis niyang hinawakan ang dalawang braso ko at inilagay ito sa ibabaw ng ulo ko.

Mabilis niya akong siniil ng halik at nagulat ako sa ginawa niya. Nagpumiglas ako ngunit malakas siya kaysa sakin kaya nagpatialon na lang ako dahil hindi na ako makahinga sa lalim ng paghalik niya sakin. Kaagad niyang binitiwan ang braso ko at mabilis na sumandal sa gilid ko nang bumukas ang elevator.

Napakagat ako sa labi ko at napayuko nang makita ang mga employees na pumasok, tatlong lalaki at dalawang babae. Nang mag-angat ako ng tingin ay napatitig sila sa amin, lalo na sa akin.

"Good afternoon Sir" hindi siya kumibo at nakita ko sa peripheral vision ko na tumango siya sa mga ito.

Nasa likod nila kami at pakiramdam ko nag-iinit na ngayon ang buong mukha ko. At hindi ko din alam ang gagawin kung nadatnan nila kami ng Boss nila na naghahalikan rito sa loob ng elevator. Nang lingunin ko siya ay nakatitig pala siya sakin, sinamaan ko siya ng tingin nang sumungaw ang nang-aasar na pagngisi sa mga labi niya. I hate him so much! Alam kong pinaglalaruan niya na naman ako!

Naunang lumabas ang mga employees niya at maya-maya lang ay nakarating na kami sa ground floor. Mabilis akong naglakad patungo sa kotse ko ngunit may pumigil sa braso ko.

"Tomorrow, we will move to our house. I will fetch you exactly 7o'clock in the morning, so give me your address"

"Ano ba Trez, may trabaho din akong iniintindi! At talagang may oras pa? Ano tingin mo sakin mag'a apply bilang katulong mo?" pabalang kong sagot sa kaniya.

"Are we going to argue again Rose? Just give me your address at hahayaan na kitang makauwi ngayon" hinila ko ang braso ko at inirapan siya.

"Di mo na ako kailangan pang sunduin, may sarili akong kotse. At ako mismo ang pupunta doon" kaagad ko siyang tinalikuran at pumasok ng kotse. Nakita kong nakatitig siya sakin mula sa labas ngunit hindi ko na siya pinansin pa at mabilis kong pinaandar ang makina.

Napatingin ako sa sideview mirror at nakikita kong nakasunod siya sakin. Ilang minuto na ang lumipas ngunit sinusundan niya parin ako. Damn this jerk! Talagang binubwesit niya ako. Napahigpit ang paghawak ko sa maneuver gear dahil naiinis na ako ng sobra. Binilisan ko ang pagpapatakbo ngunit napapreno ako dahil sa kotse na nasa unahan ko.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon