🥀CHAPTER 22🥀

8K 118 3
                                    

Mula kaninang umaga ay hindi ko siya pinapansin. Ilang oras ko na siyang iniiwasan at wala akong planong kausapin siya tungkol sa narinig ko.  Nagkulong ako sa kabilang silid ngunit nagpumilit siyang buksan ito at kausapin ako.

Inaayos ko ang iilang gamit namin ni Reza at inaagaw niya naman ito sakin. Gusto ko nang umuwi sa sarili kong bahay, galit ako ngayon at parang sasabog ako dahil sa mga narinig ko sa ina niya. Damn him! Magpakasal siya d'on kung 'yon ang gusto nila!

"Rose please, kanina pa ako nagmamakaawa sayo. Huwag mo  naman akong tiisin ng ganito, I'm so sorry wife magpapaliwanag ako"

Hindi ko parin siya sinasagot at hindi niya na naman ang damit na ipapasok ko sana sa maleta. Dahil sa inis ay kinuha ko ang isang damit ko at ibinato sa mukha niya.

"Magpakasal ka sa kaniya kung 'yan ang nais mo. Hindi kita pipigilan, total hindi naman pala totoo ang kasal natin kaya malaya kana!" Gumalaw ang panga niya dahil sa sinabi ko ngunit bigla nalang niya ako hinila at niyakap.

"Don't say that my wife. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay Rose, ikaw lang. Makinig ka muna sakin, huwag na tayong magsigawan"

Napalunok ako dahil sa sakit ng lalamunan at ilong ko, pinipigilan kong huwag maiyak pero hindi parin nakatakas ang mga luha ko. Naiinis ako sa kaniya, naiinis ako sa lahat. Sa kabila ng pagsinghal ko sa kaniya, sa malumanay na paraan niya parin ako kinakausap.

"Listen to me first" hindi ko siya sinagot nang pahirapan niya ang natirang mga luha sa pisngi ko.

"I admit that I made a big mistake, pumunta ako doon dahil akala ko dinner lang daw. I didn't expect, 'yon na pala ang engagement party. Pumunta ako doon kasi gusto kong gumanti sayo, magkasama kayo ni Lucas na lumuwas ng Mabini Province that time at inis na inis ako. At hindi ko akalain na mauuwi sa ganito"

Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Kaya kami magkasama dahil kailangan kong kunin ang lupa ng mga magulang ko na nakasanla sa isang haciendero ng Mabini. Ni hindi ko nga mapayagan si Lucas na ligawan ako dahil kahit anong giit ko Trez mahal kita, isip ko lang ang nagtatakip ng tunay na damdamin ko. P-Pero, di ko kayang pagtakpan a-ang puso ko. T-Tapos, makikita ko sa online news kanina? You're engaged to her!"

Napahikbi ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko, nanghina ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at niyakap. Akala ko magiging maayos na ang lahat.

"Shh, I'm sorry. Nadala ako sa matinding selos ko, I swear wife hindi ko ginusto 'yon. Nagulat nalang ako na may mga media doon after the dinner, at hindi nila sinabi sakin na engagement party 'yon. I just go with the flow when the media asked for the picture taking. But believe me, wala akong kinalaman sa usapan ni Mom at ng mga Delgado"

Kumalas ako sa kaniya at nagpahid ng mga luha. Kahit anong paliwanag niya, hindi parin nakukumbensi ang isip ko.

"Kung ang ina mo ang hahadlang sa atin Trez, just go and marry Celine. Hindi din naman tayo totoong mag-asawa eh" mahina kong sabi, at ayokong salubungin ang mga mata niya.

"Huwag mong sabihin 'yan Rose, huwag mo naman ako saktan ng ganito. Alam mong mahal kita Rose Raveles, I love you! May anak tayo, at magkakaroon na ng kapatid si Reza. Mas uunahin ko pa ang lintek na engagement na 'yon? Anong pakialam ko kung maghirap kami? Ikaw ang kayamanan ko Rose, matagal na akong naghirap. At 'yon ay noong umalis ka, I'm crazy in love with you, hindi ko lang maamin. Pero ngayon huwag mo naman akong ipamigay sa iba"

Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa mahabang litanya niya.

"Bwisit ka talaga Trez!" Mas lalong napalakas ang paghikbi ko dahil nakita kong namumula ang mga mata niya. Mabilis ko siyang sinugod ng yakap at mahigpit niya rin akong niyakap pabalik.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon