🥀CHAPTER 10🥀

7.7K 159 3
                                    

Nakatulog ako sa sofa na katabi ng hospital bed, nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Ang daming miss call galing sa assistant ko. May mensahe rin siyang pinadala, pinaasikaso ko kasi sa kaniya ang Cafe at Bar. Pinasara ko na siya at ang sabi niya ay may taong nagkainterest na bilhin ito.

Alas sais palang ng umaga ay nagpaalam ako kay Reza at manang. Pupunta ako sa apartment dahil doon ko naiwan ang mga papeles ko sa Cafe. And after that, kakausapin ko na ngayong araw ang bibili ng Bar at Cafe ko. Ayos na ang lagay ni Reza kaya ang sabi ni Lucas ay maaari na siyang idischarge ngayong araw. And next week babalik rin kami para sa chemotherapy niya.

"Where are you? Maaga kang umalis?" bungad ni Lucas nang sagutin ko ang tawag niya. "Nandito ako sa apartment at may meeting ako with Mr. Yabea, ibebenta ko na ang Cafe at Bar"

"Why? May problema ba?" napaupo ako sa sofa habang hinahalungkat ang mga papeles kung kompleto pa ang laman ng folder. "Naging mahina na ang negosyo ko lately, I will start again for another business"

"Rose, let's go back to Mabini I'm sure makakaisip ka at makapagstart ng mas magandang business. I can help you with Reza, I'm willing to be his personal doctor" napatitig ako sa laptop na nasa harap ko. May bahay kami doon sa Mabini Province at malapit din ang hospital doon, maaaring makahanap ako ng Rh blood type doon.

"I'm fine with that idea Lucas, pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

"What is it? Tell me, kahit ano pa 'yan" na-touch ako dahil sa sinabi niya. Lucas is a good person, kaya nga nagustuhan ko siya noon. But for now, all I want is freedom. Kung magiging maayos ang sitwasyon ng buhay ko, at kung mapagbibigyan ko ng pagkakataong magmahal ulit ang puso ko. Maybe, I will choose Lucas.

"Babalik ako ng Mabini, but will you please take care of Reza kapag wala ako? Gaya ng sinabi mo, pumapayag akong maging personal doctor ka niya"

"Of course, it's my pleasure Rosas. Alam kong mahalaga sayo sina manang Marietta, nag-iisa ka nalang at alam kong tinuturing mo na silang tunay mong pamilya. But, why is it you're saying na kapag wala ka? Babalik kapa ba rito?" napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Mahihirapan akong takasan si Trez kapag doon rin ako mamalagi. Titiisin ko ang anim na buwan na kasama siya at pagkatapos ay hindi na ako babalik pa rito.

"May aasikasuhin lang ako Lucas"

"About what? May ugnayan ba dito ang mayabang mong fake husband?" ramdam ko ang inis sa boses niya nang sabihin niya 'yon.

"It's for annulment, pero lagi ko silang dadalawin. I'm sorry kung naabala pa kita"

"It's fine, don't mind it. Take care of yourself Rosas, I'm still waiting on you" malumanay na sabi niya.

"Thank you so much Lucas, I owe you a lot" sumikip ang dibdib ko nang ibaba ko na ang tawag. Makakabawi din ako sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. I promise, susuklian ko lahat ng kabutihan niya sakin. Panahon narin siguro para pagbigyan ko ang sarili kong ibalik ang pagmamahal na 'yon.

Naligo muna ako bago nag-ayos para sa meeting, kailangan ko nang maibenta kaagad ang Bar at Cafe dahil ililipat ko ng hospital si Reza. Ibig sabihin doon ko na sa Mabini Province Medical Hospital itutuloy ang paggamot sa kaniya. Napatitig ako sa phone ko nang makita ang napakaraming miss call na nagmula kay Trez. Nang tumunog ulit ito ay napatirik ang mata ko at sinagot ito.

"Where are you? I'm calling you hundred times, huwag mo akong ginagago Rose! May usapan tayo, 7o'clock in the morning ay dapat nasa bahay kana. Hindi ka pa ba nakaalis diyan sa lalake mo? Where the hell are you?!" galit na sabi niya sa kabilang linya, naririndi ako sa boses niya.

"I have a meeting Trez, kausapin mo ang sarili mo! Makitid kasi ang utak mo, at mas importante ang lakad ko kesa sayo!"

Binato ko ang phone sa katabing upuan dahil ring parin ito ng ring. Napairap ako dahil sa sobrang inis, kaagad kong isinara ang bag kung saan nakikita ko ang contraceptive pill na ininom ko kagabi. Hindi ako papayag na mabubuntis ako ng damuhong Trez na 'yon! Dumeretso ako sa isang restaurant kung saan naghihintay si Mr Yabea sa akin.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon