🥀CHAPTER 16🥀

7.3K 156 3
                                    

Nawala ako sa sarili ko at kaagad akong kumaripas ng takbo. Napamura ako dahil naiwan ko susi ng kotse ko sa loob, nakasalubong ko siya pagbalik ko at basta nalang ako hinila papasok sa kotse niya.

"Damn it! Where are they now?"

"N-Nasa Mabini Province" nauutal kong sagot. Marahas siyang napalingon sakin habang nagmamaneho.

"What the hell?! It's almost three hours trip! You know what? Kapag may mangyaring masama sa kaniya, there's nothing to blame but you!" galit na sabi niya.

Nanigas ako sa kinaupan ko, I know I'm a selfish mother pero hindi niya rin alam ang pinagdaraanan ko ng mga panahong nag-iisa lang ako. Of course, he will blame me. Ako kasi ang pinakamasamang ina rito.

Hindi ako nakasagot sa kaniya at basta nalang siya lumiko at hindi ito daan patungong Mabini.

"Kung nag-aaksaya ka ng oras huwag mo akong damayin, kailangan ako ni Reza!" kaagad akong lumabas ng kotse niya ngunit sinundan niya ako at hinila papasok sa isang malaking gate.

"Shut up!"

"Good morning sir" bati ng isang lalaki sa kaniya. Napalingon siya sakin dahil parang ayokong sumama sa kaniya papasok ng elevator. Hinila niya ako at kaagad na nagpindot ng numero.

"Rody, tawagan mo si Celso ngayon din. Tell him, sunduin niya kami sa Portland building."

"Okay sir" kaagad namang tumalima ang lalaki sa kaniya. Gusto ko siyang singhalan dahil kung saan-saan niya pa ako dinadala gayung hindi ko na mapigilan ang pag-aalala para kay Reza.

"Let me go! Kailangan kong puntahan ang anak ko Trez!" sinamaan niya ako ng tingin ng makaapak kami sa rooftop. Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang lahat ng makita ko ang isang helicopter sa hindi kalayuan.

"Sir, 'yan na po ang bagong dating galing Australia, ingat po kayo" napatango siya at kaagad akong hinila.

Napatitig ako sa kaniya habang may inaayos siya bago isinuot ang over-ear ANR headset. Hindi ako makapaniwala habang lumilipad kami sa kalawakan, I didn't know that he can drive a helicopter. At ang halos tatlong oras na biyahe papuntang Mabini Province ay naging tatlumpong minuto nalang.

Nang makarating kami ay kaagad akong bumaba. Mas nauna ako sa kaniya papasok ng elevator. Pagdating namin sa baba, may nakaabang na sasakyan sa labas ng building.

"Good morning sir"

"Celso, at the Mabini medical hospital"

"Copy sir"

Tahimik ang buong biyahe patungong hospital, hindi ako mapakali at magkatext kami ni Lucas.

Message from Lucas: Sinalinan siya ng dugo dahil merong stock ng AB negative ang hospital ngunit kulang ng isang bag.

Reply to Lucas: Malapit na ako, saang floor kayo?

Message from Lucas: 3rd floor, sunduin na kita.

Hindi na ako nagreply sa kaniya at kaagad akong napaiwas ng tingin ng makita ko ang masamang titig ni Trez sakin. Pagdating namin ay kaagad akong bumaba at nagmamadaling pumasok ng hospital.

Nakita ko si Lucas na paparating at napakunot ang noo niya ng makita niya si Trez, saglit silang nagkasukatan ng tingin at agad din siyang napatitig sakin.

"Let's go, nandoon si manang sa waiting area"

"Ano ba nangyari Lucas?" tanong ko sa kaniya habang nakasakay kami sa elevator.

"She look so pale earlier, nahihilo din daw siya. And after that, basta nalang siya nawalan ng malay. Kulang pa ang stock ng blood nila rito, magpapahanap ako sa ibang hospitals or blood donation"

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon