🥀CHAPTER 11🥀

7.4K 143 4
                                    

Hindi ako makapaniwala na papasok na kami sa bahay, kung saan kami nagkasama dati. Wala akong maalala na naging magandang parte ng buhay ko ang bahay na ito, as far as I remember puno ng sama ng loob lang ang naranasan ko habang nakatira ako rito noon.

Ganoon parin ang kulay niya, ngunit naging matingkad ito at halatang kaka'repaint lang. Pagpasok namin sa loob, napansin kong bago narin lahat ng mga gamit at wala siyang pinagkaiba sa bagong polish na bahay.

Tumalikod ako sa kaniya nang makita ko siyang nakatitig sakin. Umupo ako sa sofa ay nagcross leg, nag-iisip ako ng paraan kung paano ko mapupuntahan sina manang Marietta at Reza sa Mabini kapag nandoon na sila.

Mahigit tatlong oras din ang biyahe mula dito at ayokong pakialaman niya rin ako tungkol kay Reza. Narinig ko ang tunog ng paglakad niya at papalapit ito sa akin, nakita ko siyang umupo sa kabilang sofa. Napatitig ako sa dalawang papel na ipinatong niya sa ibabaw ng table.

"Here's the contract, follow all my rules inside of six months or else walang annulment na mangyayari"

Dinadaan niya na naman ako sa pagiging makapangyarihan niya, kapag umayaw na naman ako ay iipitin niya na naman ako sa isang sitwasyon. Inabot ko ang papel at binasa ang nakasulat.

"First, you will take your obligation as my wife. You should do everything a woman does as a wife" dinig kong basa niya sa hawak niyang kopya.

"Second, Do not meet with anyone without my permission." sinundan ko naman ang binabasa niya.

"Third, you cannot have sex with anyone except me" napairap ako ng wala sa oras dahil sa mga utos na isinulat niya.

"Fourth, you cannot go anywhere without asking my permission or without informing, me and fifth" he paused for awhile, napakunot noo ako dahil sa huling binasa ko.

"You cannot have any secret affair with someone, if you desperately want this annulment then follow all my orders" napakabwesit talaga ng taong ito!

"Reminder: If any of this rules you wouldn't follow, six months contract will be added more six months. And if you still don't take my orders, there's no annulment happen. And, if you insist about it, I will sue you and I will make sure to make you rot you in jail."

Mataman ko siyang tiningnan at nakataas ang kaliwang kilay niya habang nakatitig sakin.

"Nagkakaintindihan ba tayo? May irereklamo ka ba?" he's an animal! He really wanted me to get suffer! Siguradong mahihirapan na naman ako kapag gusto kong puntahan sina Manang Marietta at Reza.

"How dare you? What kind of rules is this?" inis kong angil.

"How dare you too? This is my rules and orders kaya kung ayaw mong sumunod then no annulment. Why? Mahirap bang sundin ang nakasulat sa papel na ito? For me it's not, unless, may karelasyon kang iba. Then you better forget him for six months, cut your communication with him and after our contract you can do whatever you want Rose Raveles. So, may mahirap ba sa rules na gusto ko?"

Napatawa nalang ako sa kaniya, pakiramdam ko simusikip ang batok ko dahil sa mga sinasabi niya. I hate him! Iniipit niya talaga ako!

"What if babayaran kita sa 70% na natirang debt?" tanong ko ngunit napakunot ang noo niya at nagcross leg.

"Tapos na tayo sa usapang 'yon, kapag sinabi kong 'yon lang ang due date 'yon lang. My condition is very simple, my rules are very simple too. As I've said I will give you what you want kapag wala kang lalabagin isa man doon sa rules ko. Now sign that contract and we will not discuss this again dahil nagkalinawan na tayo."

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon