🥀CHAPTER 23🥀

8.1K 155 7
                                    

Hinawakan niya ako sa kamay at inakay palabas ng silid. Parang ayokong makaharap ang ina niya, alam kong makakabitiw ako ng hindi magandang salita kapag may sasabihin siyang hindi maganda.

Bumaba na kami ng hagdan at agad namin silang natanaw sa sala, napatingala sila sa amin ni Trez nang hindi makapaniwala. Even Yssa, alam kong nagulat siya na magkahawak kamay kami ni Trez. Sinabi ko na kasi sa kaniya noong nakaraan na maghihiwalay na talaga kami dahil walang patutunguhan ang relasyon namin.

Ang ina nila, nakakunot noo habang nakatitig sa aming dalawa lalo na sa kamay naming magkahawak. Nakita ko si Reza na nakangiti sa amin habang papalapit na kami sa kanila, at ganun din si Raz na panay kaway ng kamay niya sakin.

"Grandma, si mama at papa puwede na raw magsama. I saw them kissing, and magkakaroon na ako ng kapatid. But, sabi nila, kahit may baby na sa tiyan ni mama mahal parin nila ako." Mahabang litanya niya na siyang mas nagpatitig lalo sa amin ng ginang.

Nag-init din ang mukha ko dahil sa sinabi niyang 'I saw them kissing'. Kahit kailan talaga 'tong bunganga ni Reza walang preno. Namilog din ang mga mata ni Yssa at napangiti sakin.

"Totoo Rose?" Gulat na tanong niya, napatango ako sa kaniya at nakita kong nginisihan ni Ruz si Trez.

"Congrats Trez, humahabol ka ba sakin?" Tanong niya sa kakambal.

"Thanks, and yes, hindi naman puwedeng ikaw lang ang magkakaanak ulit" sabay ngisi niya rin rito. Ngunit naging seryoso ang lahat dahil sa pagbukas ng ginang ng folded fan niya at ipinaypay ito.

"Oh, so? Nafixed niyo na ang lahat sa inyo? So bakit kapa pumunta ng engagement party Trez?" Tanong ng ina niya.

"I thought it was just a dinner, you don't even told me about it. Sinabi ko na ito sa inyo kanina hindi ba?"

Naging mabigat ang hangin sa paligid kaya sinenyasan ko si manang Marietta na dalhin ang mga bata sa playroom. Tumalima naman siya, at hindi naman nagreklamo ang dalawa.

"God, I didn't expect this. I thought, kaya ka umayaw ay dahil hindi mo type si Celine. Nagkaayos na pala kayo ni Rose? Pero hindi 'yan ang issue dito, you know what, sana hindi ka nalang pumunta ng dinner para hindi tayo naiipit sa sitwasyon ngayon"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? Ikaw ang tumawag sa'kin that time Mom, pinagbigyan ko kayo dahil akala ko it's for business."

"Yes, ako nga ang tumawag sayo. Dahil akala ko makikipaghiwalay kana sa kaniya kahit hindi naman talaga nakaregistered ang kasal ninyo."
Napalingon si Yssa sakin at napakunot ang noo na tila nagtatanong.

"What? That was a fake wedding?" Tanong ni Tauruz.

"Mom, alam ko namang mautak ka pagdating sa ganitong usapan. Pera man o company ang involved, but look, whether it's fake or not, Rose is still my wife. Kinasal parin kami that time, at sa papel lang kami hindi nakarehistro. Magagawan ko 'yon ng paraan, at magpapakasal rin kami soon."
Seryosong sabi ni Trez, kaya mas lumakas pa lalo ang pagkumpas ng ina niya sa pamaypay na hawak niya kahit kay lakas naman ng aircon.

"Ang hindi ko lang matanggap Trez, ay napahiya ako sa family Delgado. You know them, her father is a former commander at military service at isang makapangyarihang politician. Akala mo ba basta nalang sasang-ayon 'yon kapag sinabi nating hindi ka pala seryoso sa engagement ninyo ni Celine?"

"Eh ano ngayon? Kahit sino pa siya hindi nila ako matatakot. What do you mean Mom? Sasakay ako sa engagement na 'yon? What's your point, huh? Iiwan ko ang mag-ina ko para lang sa kaniya? We grown up as a spoiled sons, but we are your sons that faithful to our wives. Ask Ruz about it, alam mo kung paano niya ipinaglaban si Yssa, gagawin mo rin ba sakin ang ginawa mo noon sa kanila?"

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon