🥀CHAPTER 14🥀

7.4K 145 8
                                    

Nagdadalawang isip ako kung sisiputin ko ba si Mr Perez, interesado raw siya na bilhin ang Bar at Cafe ko. At hindi ko alam ba't dito siya dumeretso ng tumawag sa phone number ko. Si Maris naman ang dapat sumalo ng mga calls.

"Where are you going?" nakataas na kilay niyang tanong habang inaayos ang necktie niya. Isinara ko ang laptop at kinuha ang susi ng kotse ko. "I have a new buyer, ngayon daw mismo kakausapin niya ako"

"Ano ba? Ano na naman ba ang problema mo?" bigla nalang niya kasi inagaw sa akin ang susi ng kotse ko. "I'll go with you, huwag ka na magmaneho" inirapan ko siya dahil naiinis na ako. Naghahanap ako ng timing upang makaalis dahil ngayong araw na kami uuwi ng Mabini Province. "Kailangan ko ang kotse ko dahil bibisitahin ko si manang Marietta"

"Bring her here, para hindi mo na kailangang puntahan siya. Ako ang magpapasahod sa kaniya, she can also bring her daughter. Wala ka nang negosyo at wala ka nang isasahod sa kaniya, and you can work with me as my assistant" mayabang na sabi niya, pinapamukha niya na naman sa akin na makapangyarihan siyang tao at ako ay hamak lamang na walang magagawa.

"No need, huwag mo akong maliitin dahil kaya kong bumangon. I don't need your help" napakunot noo siya at napairap. Kaagad niyang hinagis ang susi ng kotse ko sa sofa at naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin at napairap rin ako sa kawalan. Ang sarap niya lang sapakin eh!

Nakipagkita kaagad ako kay Mr Perez, he's in middle of 50s at pagkatapos niyang tingnan ang Bar ay pinuntahan namin kaagad ang Cafe. Pumasok kami sa loob at nagpasalamat ako dahil seryoso pala siyang bilhin talaga ang Cafe at Bar ko. Napatitig ako sa kaniya habang pinipirmahan niya ang tseke. "Here, thank you so much"

"Thank you rin Mr Perez" inabot ko naman ang kamay niya.  "Thanks Mr Perez" sabi sa kaniya ni Trez na nasa tabi ko at nagkamayan rin silang dalawa. Binigay ko na sa kaniya ang copy ng certificate of title at siya na raw ang bahala magpa transfer ng ownership title dahil bayad na ako at pumayag naman kaagad ako sa sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat.

However, all government taxes, transfer fees and incidental or miscellaneous expenses will be shouldered by the buyer. Documents needed when transferring the title TCT or CCT to the new owner, certified true copy of the title. Tanging agreement paper nalang ang naiwan sa akin. Nagpaalam akong pumunta ng banyo dahil kanina pa nagbavibrate ang phone ko.

"Lucas, papunta na ako" sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. "Okay, mag-ingat ka Rosas" kaagad kong binaba ang tawag at lumabas na ng banyo. Wala na sila nang makalabas ako, nang makarating ako sa parking lot nakita kong hindi pa nakaalis ang sasakyan ni Trez.

"You can go, ibigay mo nalang sa secretary ko ang mga documents na 'yan at ikaw na ang bahalang magtransfer ng ownership title sa pangalan ko" natigilan ako nang may narinig akong usapan. "Okay sir, I'm going" hinintay ko ang taong lalabas mula sa likod ng isang sasakyan. Nakita ko si Mr Perez na pumasok ng kotse niya. Kaagad kong sinamaan ng tingin ang huling tao na lumabas mula doon.

"So, ikaw ang pala ang tao sa likod ng lahat ng ito? Anong gusto mong palabasin ha, Mr Kulton?" nanggagalaiti ako sa sobrang inis. Ngunit naglakad lamang siya papunta sa pwesto ko habang nakapamulsa. "You should thank me my wife, so what kung ako nga?" naikuyom ko ang palad ko dahil pakiramdam ko muli niya na naman inapakan ang pagkatao ko. Nagasgasan na naman ang ego ko dahil sa ginawa niya, bakit niya kailangang gawin 'to?

"What's that look? Anong ikinagagalit mo?" hindi ko siya sinagot dahil naaasar naman ako sa ginawa niya, kaya pala sa akin dumeretso ang call dahil kagagawan niya ang lahat ng ito. Gusto niya talagang ipamukha sa akin na wala akong magagawa kung wala siya! Napakayabang niyang tao!

"Well, thank you for your concerned pero hindi mo kailangang gawin ito, dinaan mo pa kay Mr Perez!" inis kong sabat sa kaniya. "You don't care Rose, dederetso ako sa office ko, you can go to manang Marietta." himala yata at mukhang bumait siya ngayon? Hindi na ako nakipagbangayan pa kahit naiinis ako sa kaniya dahil nagmamadali ako. Kaagad akong pumasok sa kotse at nagmaneho. Kailangan kong humabol dahil isang oras pa bago makarating sa bahay.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon