🥀CHAPTER 5🥀

8K 148 6
                                    

Nagtagisan ulit sila ng tingin at kaagad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papalayo.

"Rose" narinig kong tawag sa akin ni Lucas, napalingon ako sa kaniya ngunit sinamaan niya ako ng tingin at binuksan ang pinto at pabagsak itong isinara.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba" gigil kong angil sa kaniya at pilit kong hinaan ang boses ko dahil may iilang costumers na nakatingin sa amin.

Dumeretso kami sa car park at kahit anong pagpupumiglas ko ay tila wala siyang narinig. Tumigil kami sa tapat ng kotse niya at parang lalamunin niya ako ng buhay nang tingnan niya ako sa mga mata.

"Let me go! How dare you, wala karing karapatang hawakan ako!" inis kong sabi at hinila ang braso ko na hawak-hawak niya ngunit hindi niya hinayaang makawala ako sa kaniya kaya nagtagisan rin kami ng tingin. Siya pa talaga ang galit? Eh binastos niya nga ako kaninang umaga eh!

"Really? Siya meron?" muli kong hinila ang braso ko, at pakiramdam ko mapuputol na ito kapag pinilit ko pang hilahin.

"How dare you too Rose Raveles? Talagang isinabulat mo sa lalaki mo na maghihiwalay na tayo, huh? Ayaw mo pang umamin ngunit nalaman ko rin ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay. Sinundan ko ang lalaking 'yon mula sa hospital and now I confirmed that you have an affair to that man!"

Napatawa ako dahil sa sinabi niya na siyang nagpatitig lalo sa akin, nanunuot sa buto ang mga titig niya na tila ba napikon ko siya. Palagi niya itong ginagawa sa akin, ang insultuhin ako at tatawanan ng sarkastiko kaya dapat lang sa kaniya na maramdaman niya rin kung paano mainsulto.

"Come on Mr Kulton, wala ka nang pakialam pa doon. Whether we have an affair or not wala ka na doon. At para sabihin ko sayo, kaya gusto kong makipaghiwalay sayo dahil pareho nating hindi gusto ang kasal na 'yon."

"Marriage ever lasts for those couple that love each other. Kaya hindi magtatagal sa atin ang marriage na ito dahil pareho tayong may ayaw sa isa't-isa. At kung makipagrelasyon man ako sa kahit sinong lalaki, hindi mo na kailangang mag hysterical dahil hindi mo naman ako pag-aari"

Nag-igting ang panga niya dahil sa sinabi ko. Matagal siyang napatitig sa mga mata ko at hindi ko rin siya tinantanan. Pagkatalo niya akong insultuhin kanina, ay wala na siyang karapatan na ulitin 'yon.

"Nag-abala ka pa talagang sundan siya rito? For what Mr Kulton? Ikaw narin ang nagsabing hindi natin ginusto ang contract slash arrange marriage na 'yon hindi ba?"

"Later on doon naman talaga tayo mapupunta, sa hiwalayan kaya pwede bang bitiwan mo na ang braso ko? Dahil imbis na si Lucas ang babasagan mo ng mukha, baka ako ang babasag sa pagmumukha mo"

Napikon ako nang ngumisi siya bigla at binitiwan ang braso ko, isinuksok niya ang dalawang kamay niya sa pocket niya at tumango sa akin.

"I like your spirit wife, let see kung hanggang saan aabot 'yang pagiging palaban mo" sinamaan ko siya nang tingin ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong dinampian ng halik sa pisngi.

Nanggalaiti ako sa sobrang inis nang agad siyang tumalikod at umalis sa harap ko. Hindi ko man lang siya nasapak kaya parang sasabog ako. Naghanap ako ng bagay na maaaring ibato sa sasakyan niya ngunit naikuyom ko nalang ang mga palad ko dahil wala akong nakita kahit bato man lang.

Paglingon ko ay nakita ko si Lucas na nakatitig sa akin mula sa back exit ng office ko. Lumapit siya sa akin at hindi ko maipaliwanag ang laman ng mga mata niya.

"Ganoon ba ang maghihiwalay na?" tanong niya sa akin dahil siguro nakita niya ang ginawa ng tukmol na 'yon bago umalis. Napabuntong hininga ako dahil pagod na akong ipaliwanag ang lahat.

"Rose, may pag-asa pa ba ako sayo? Maaari pa ba kitang maagaw sa lalaking 'yon? I can sense that he doesn't want to file an annulment. The way he acts, it seems that he still wants you" napakunot noo ako at napakabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon