🥀CHAPTER 25🥀

7.8K 147 5
                                    

Hindi na matigil ang mga luha ko pagdating namin ng hospital, kaagad naman siya inasikaso ng mga staff. Napayakap nalang ako kay Trez habang nasa labas kami ng ICU. Hindi ko kayang tingnan ang mga dugo sa kamay ko.

"Shh... he'll be fine, let's pray for him...tama na"
Pang-aalo niya sa'kin. Ngunit hindi ko magawang kumalma, bago siya inilabas sa kotse pakiramdam ko hindi na siya humihinga.

Napakalas ako sa kaniya nang may lumabas na doctor.

"Doc, kumusta ang lagay niya?" Kinakabahan ako nang tinanong siya ni Trez.

"He's in critical condition sir, maraming dugo ang nawala sa kaniya. Sa ngayon, tinatanggal na ang bala sa loob ng katawan niya."

"Please, gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo" utos niya sa sariling employee niya.

"Yes sir, excuse me"

Kaagad din siyang umalis at nanghina nalang ako paupo. Saglit akong napatulala at muli na namang napahikbi. He saved Reza, he saved my daughter. Utang ko sa kaniya ang lahat.
Naramdaman ko ang masuyong paghaplos ni Trez sa balikat ko habang nakasandal ako sa kaniya. Wala na akong tigil sa kakaiyak.

"Wife, can we go to my office? Aalisin lang natin ang mga dugo sa kamay mo."
Napailing ako sa kaniya, ayokong umalis rito. Kailangan kong bantayan si Lucas.

"Come on baby, magbihis na muna tayo doon. Babalik din tayo kaagad rito, I promise"

Hindi na ako umimik nang alalayan niya ako patayo. Nanghihina ako at parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Let me carry you wife"
Muli akong napailing sa kaniya. Kahit nanghihina ako, ayoko paring pagtinginan kami ng mga tao rito, kahit pa sabihing asawa ko siya.

"Kaya ko Trez, k-kakayanin ko"

"You sure?"
Napatango ako sa kaniya, kaagad siyang sinalubong ng ilang mga staff at bumati ang mga ito sa kaniya. Pagpasok namin sa loob ng office niya ay kana niya akong pinaupo sa couch, it seems like I was floating in the air.

I still can't imagine what's happening on us. Hindi parin maialis sa isip ko ang mga putukang 'yon, at ang pangyayari kung paano siya nabaril sa likod. It was so clear in my eyes, I thought, that scenario was only in movies.

Naramdaman ko nalang ang pag-upo niya sa tabi ko, may inilapag siyang bowl na may lamang tubig at bimpo. Kinuha niya ito at ipinahid sa kamay kong may bahid ng dugo ni Lucas.

I just stared at him while he's busy cleaning my hands. After that, pinahiran niya ito ng tuyong towel. Nilagyan niya ng alcohol ang kamay ko at ganun din ang braso ko.

"Wife, you have to change your clothes. Here"
Napaiwas ako ng tingin at inabot ang damit niya na binigay sa'kin. Basta nalang ako napaiyak at napatitig sa kaniya.

"Trez, p-paano kung-"

"Shh, enough...pagbalik natin doon nasa maayos na kalagayan na siya, believe me. I understand you Rose, I know that he's important to you. Alam ko rin na sinisisi mo ang sarili mo, even me I'm blaming myself too. Nangyari lahat ng 'to dahil sa katangahan ko. If I didn't attend that dinner, there's no engagement happened. That was all because of me"

Napailing ako at napayakap sa kaniya. Mas naging mahigpit ang pagyakap ko sa kaniya nang marinig ko ang pagsinghot niya.

"Hindi natin ginusto 'to Trez, let's stop blaming ourselves, gusto kong magpakatatag nang sa ganun makakaya ko ang lahat. Natatakot lang ako, baka sisihin ako ng mga magulang niya"

"No, hindi nila maaaring gawin 'yon. I'm here, I'm the one to blame. Stop crying, let's change your clothes and let's go back there"

Nagpahid ako ng mga luha ko at napatango sa kaniya. Hindi na ako nagreklamo nang hinubad niya ang suot kong damit na may bahid rin ng dugo ni Lucas. Maya-maya lang ay nagpalit narin siya, malungkot akong napatitig sa kaniya nang halikan niya ang nuo ko.

The Billionaire's Lesbian Wife: TREZ & ROSE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon